Chapter 31

18 1 0
                                    

Chapter 31

"So as I was saying... we have tracked Elmrix in Batanes."

Kumunot ang noo ko kay Mister Salcedo. Sa hinaba-haba ng sinabi niya, iyon lang ang naging conclusion niya.

"How did you know na si Elmrix nga 'yon?"

"Wala ka ba talagang tiwala sa amin?"

Umirap ako. "Si Jonas, ang tagal-tagal na niyang naghahanap pero hindi niya makita si Elmrix. How come na..."

"Miss Victoria, two is better than one." Sabat naman ni Jonas pero hindi ko siya pinansin.

I just... doubt them. Hindi ko alam. Sa iyon ang nararamdaman ko, eh!

"At saka..." Dagdag ni Mr. Salcedo. "Wala namang masama kung pupunta tayo ng Batanes, 'di ba? Kung hindi man si Elmrix iyong na-track namin, at least we tried, right?"

I sighed. "How sure are you na si Elmrix nga 'yon?"

"Fifty-fifty chance. Doon kasi namin natagpuan si Elmrix, or at least ang kaniyang resembled whereabouts. So, we are all looking forward na siya nga 'yon..."

Napailing ako.

Wala palang kwenta ang meeting na 'to, kung ganoon.

I gave them my free service! Iyon lang ang hinihingi kong kabayaran, tapos... hindi pa nila ito magawa with certainty?

Money can't really buy everything. Literally.

"I'm out..." Tumayo ako at hinilot ang sentido ko. "Saka na lang natin 'to pag-usapan. Kailan ba ang punta sa Batanes? Bakit hindi natuloy ngayon?"

"Mister Fontana has many appointments for this day—"

Lalong sumama ang mukha ko. "Bakit naman kailangan pa niyang sumama?"

"Bakit naman hindi?" May sumagot mula sa likuran ko.

I froze.

"Oh. Good morning, Mister Fontana." Sabay-sabay nilang bati.

"Hmm... morning." Anito habang nakatingin lang sa'kin.

Oh, bakit?

"So... anong pinag-uusapan ninyo?" Tanong niya pa.

"Project Elmrix, Sir." Sabay na sabi ng dalawa.

Halos masamid ako.

Project Elmrix? At may pangalan pa pala ang so-called mission nila?

Ang galing! I want to give them my very sarcastic clap.

"Okay, and?"

"Your client is doubting our skills..."

Tumalim ang tingin nito sa'kin.

Oh? Bakit na naman?

"Miss Altarieno, you have to understand this case..." His voice thundered. I mean, hindi naman siya sumisigaw pero parang galit siya. "Nagpakahirap kami for the past few years para mahanap ang Elmrix mo. Ngayong may tsansa na makita mo siya, pinagdududahan mo pa?"

Nagbuntonghininga ako. "It's not like that, Mister Fontana..."

"Then ano ang nirereklamo ng dalawang 'to?"

Napapikit ako. "I'm just making sure that everything's in the right place. Ayoko ring umalis ng Bulacan nang hindi valid ang dahilan lalo na't... I have personal reasons to not go..."

"We understand." Aniya at saka pa lang naisipang umupo sa kanyang swivel chair. "But the thing is... wala ka bang tiwala sa amin? We've been together for a long time."

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now