Chapter 35
"Ugh! Kainis! Bakit ba namatay ang aircon dito?!" Ungot ni Bryce.
After the shooting, napagpasiyahan naming lima na kumain muna sa mall. Walang masiyadong nakapansin sa amin dahil nakasuot kami ng mask.
I feel Bryce. Maging ako ay naiirita sa restaurant na ito dahil ten minutes pa raw bago maibalik ang electricity! Kung hindi ko lang inaalala ang reputasyon ko, kanina ko pa sinigawan ang mga staff!
Fuck them all! Ang ayaw ko sa lahat ay iyong naiinitan ako!
"Hindi pa ba lumilipas ang ten minutes?" I groaned. "Nakakagigil..."
Sumimangot silang lahat.
"Sabi ko naman sa inyo, sa ibang place na lang tayo kumain." Bulong sa amin ni Pat.
"The best kasi ang mga pagkain dito! Iyon nga lang, hindi pala ang service! Tss." Si Jenna na nag-suggest ng restaurant na ito.
"Kung hindi ko lang iniisip ang magiging reaksyon ng public, kanina pa ako nagsisigaw rito."
All of them agreed. "Ugh! Same..."
"Guys, seven minutes na lang." Pagpapakalma ni Major. "Be patient, alright?"
"We're trying, Major." Bryce grunted. "Kaya lang gusto ko na talagang saksakin sa mata iyong waitress na grabe kung makatingin sa'yo! Look!"
Sinulyapan ko ang babaeng tinutukoy ni Bryce. Nandoon siya sa sink, naghuhugas ng kamay habang patingin-tingin kay Major. Nakangisi pa ito nang bahagya na para bang may kung anong iniisip.
Nakakairita nga siyang tignan.
Humalakhak na lang si Major. "That's fine, Bryce. Hanggang tingin lang naman siya. Wala siyang magagawa sa'kin..."
"At ako mismo ang bubugbog sa kaniya kapag may ginawa siya sa'yo."
"Seryoso?" Natatawang sabat ni Pat. "Jowa ka, girl? Kung makaarte, akala mo naman may relasyon kayo..."
I don't think Bryce has feelings for Major. I know he's just playing around. At saka, alam niyo na... kapag gays, hirap pa ring makasabay sa mga usuals. Lalo na sa relationship. Ang daming kailangang i-consider.
"Tss. Porke't walang kayong mga jowa... ang bi-bitter niyo na sa love life ko!"
"Wow, love life daw pero one sided. Ano iyon?"
"Ay, one sided naman pala!"
"Hindi baleng wala kaming jowa, 'no! Kaysa naman isa lang ang may feelings!"
Sinamaan niya kami ng tingin. "See? Ang bitter niyo talagang lahat!"
"Mag-boyfriend na kasi kayo..." Major smirked.
"Hindi namin kailangan ng taong sasaktan lang kami, 'no!" Sigaw ni Jenna. Hindi pa rin kasi siya maka-move on sa ex niya.
"True! Mga manloloko kasi ang mga lalaki!" Si Pat.
Umismid sa'kin si Bryce nang makitang wala akong imik. "Hindi maka-relate 'yung isa riyan. Palibhasa, siya ang nagloloko, eh."
I laughed, trying to joke. "To be honest, masayang magloko..."
Napailing sila. "Playgirl.."
Before, I wanna add. But gee, no thanks.
"Hindi ka masasaktan kasi ikaw 'yung mananakit..." I smirked.
"Yeah, right. Kaya ka nga kinarma ngayon, 'di ba?"
My forehead wrinkled. "What do you mean?"
"Hindi ba’t... mahal mo pa rin iyong yummy mong bodyguard?"
YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romance[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...