First

1.3K 15 1
                                    


1 - The Project Idea

"I'm sorry, Gale." Coleen said, looking guilty at me.

Umiling na lang ako and smiled at her. "It's fine. Malapit na naman matapos ito."

Andito kami sa library at gumagawa ng proposal for our one minor subject. Dito ko lang naging classmate si Coleen na housemate ko din. Coleen is a computer science student.

"Sorry talaga, Gale. Ang kulit kasi ni Tommy. Sabing ayaw ko e."

Nginitian ko na lang s'ya. Naikwento na kasi sa akin ni Coleen na isinasama siya ng boyfriend niya para ipakilala sa parents ng binata. Ayaw muna kasing makilala ni Coleen ang magulang ng kasintahan dahil sa nahihiya ito.

"Don't worry, Gale. I'll make bawi later sa house natin." She grinned at me.

"Ayos lang sabi. Ako na ang bahala. Run along."

Tumango siya at naglakad palabas ng library pero bumalik agad. "Wait. Where's Awit?"

"With her boyfriend. May date daw sila." I told her. Naayos ko na ang gamit namin at nailagay ko na sa paper bag. Sumabay na ako kay Coleen na lumabas ng library.

"Sorry talaga, Gale. Nababawasan na ang friendship time nating tatlo." Malungkot na sabi ng kaibigan.

Natawa naman ako, "Anong sinasabi mo?"

"Eh kasi naman. Simula ng magkaboyfriend kami ni Awit, di na tayo magkaroon ng bonding time. Lagi na lang kaming acads, at boyfriend. Hays."

Lalong akong napatawa. "Seriously, C?"

"Di ka namin nakakasama ng madalas. I'm sorry, G. Sasabihan ko na rin si A about it. We're sorry, G." madramang wika ng kaibigan. Nagpunas pa ng kunwaring luha.

"Pagpatuloy mo lang yan, C, at masasabunutan na kita. We always see each other naman, everyday at wag mong itanggi na every night din. Roommies kaya tayo. So enough with the drama, andiyan na si Tommy mo." I said, laughing at her antics. May pagka-OA talaga itong si Coleen.

"Ooooooh! I have this bright idea. Mag-boyfriend ka na rin, G. Then, we'll have a triple date." Excited na banggit ni C at agad na niyakap ang braso ni Tom. "Am I a genius, Tommy ko?"

Tumawa ako at umiling, "Hi Tom. Sigurado ka na ba at ipapakilala mo itong baliw na ito sa parents mo?"

Sandaling tumingala at nag-isip si Tom. "I think I'm having a second thought. Sweet, wag na natin ituloy."

Nanlaki ang mga mata ni Coleen sa akin at pinalo si Tom sa braso. "TOMMY KO NAMAN E!!"

"Joke lang naman, Sweet."

Lalo pa akong napatawa. Ka-jive ko talaga sa kalokohan si Tom.

"Anyway, I need to go. Ingat kayo." I said at umuwi na sa apartment namin.

Pagdating ko sa apartment, sinimulan ko ng tapusin ung project namin.

After two hours, natapos ko naman iyon. Ipi-print na lang pero ipapa-check ko pa kay C kung satisfied na sya sa magiging output namin.

7pm. Di pa rin dumadating kahit isa dun sa dalawa so I decided to eat outside. Fastfood or dun sa eatery na lang sa may gate ng campus? I usually asked the two tsaka na lang kami magbobotohan. Pero wala ung dalawa. Well, magpapakasaya na lang muna ako sa cafe na lang ako mag-pasta.

I ate alone at the cafe. Dito kami tumatambay during our second year in college at kanya-kanya kaming review kasi magkaka-iba kami ng course. Si Awit ay Business Management, si Coleen Computer Science at ako naman ay Journalism.

Pagkatapos kong kumain, dumaan muna ako sa Mcdo para mag-sundae at umuwi na sa apartment.

It's only 8:30 pm. Masyado pang maaga para matulog. And it's not me na magreview ng acads kasi kakatapos pa lang ng exams.

I took a novel sa stack ng mga libro and decided to re-read some classics. Pero agad na naman na nawala ang focus ko. Before, nag-chi-chikahan kaming tatlo about our day then tawanan. Pero ang nangyari ngayon para akong loner na mag-isa sa apartment namin.

"AAAAHHH" I screamed at my pillow. Bigla kong naalala yung sinabi ni Coleen.

"Ano kayang feeling ng magka-boyfriend?" I mumbled at myself.

Maghanap kaya ako? Coleen said that we could go on a triple date. It would be fun.

Hindi naman siguro ganun kahirap maghanap.

Diba?

-------

Thank you for reading!

Vote and comment your thoughts!

Mwah!

The Boyfriend Project (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon