Letter

0 0 0
                                    

Tiniis ko ang init at ngawit sa iyong pagdating. Kahit na alam kong hindi lang ako. Hindi lang ako nag-aantay at nasasabik na makita ka. Masakit sa damdamin na malamang marami kaming nagmamahal sayo. Hindi ko alam kung tatanggapin mo ba ang isang katulad ko pero susubukan ko.

Sa wakas, dumating na rin ang oras ng iyong pagdating. Na lahat kami'y tuwang-tuwa na para kaming sasabog anumang oras. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman nung ikaw ay aking nasilayan. Onti-unti ay lumapit ka samin. Walang sigla ang iyong itsura dahil sa suliraning iyong dinadala. Ako na mismo ang humihingi ng tawad dahil nadagdagan pa.

Lumagpas ka sakin. May konting lungkot at inis ang bumalot sa aking isipan. Natulala at hindi alam ang gagawin. Lumingon at pumunta pa rin ako sayo kahit na alam kong masasaktan lang ako. Tumakbo ako nang mabilis katulad ng aking puso na para lang sayo.

Para kaming mga zombies na nag-uunahan diyan sa puso mo. Tinanggap mo pa rin sila kahit na alam mong masasaktan lang kami isa-isa. Sinubukan ko ring pumasok. Nakipagtulakan at siksikan ako sa maraming tao. Pero hindi sapat dahil nasa dulo lang ako. Masakit dahil okay lang kahit option lang ako pero hindi. Nasa dulo ako.

Wala akong parte sa buhay mo na kahit scratch paper ay mahalaga pa kesa sakin. Umiiyak ako sa loob-looban ko pero kailangan kong tiisin. Ayokong ipakita sa lahat na apektido ako sa ginawa mo.

At ito na naman ako. Mag-aantay ulit.

Commuter

LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon