"Iced Americano, large, please"
"Your name, ma'am?," sabi ng barista. Nandito ako sa isang coffee shop. Naghihintay ng customer ko sa aking little business.
"Uhm, Tiana"
"Come again, madam?," sabi ng barista, now leaning towards me to hear me louder. Ugh, I hate this! Of course they wouldn't get my name right!
"Cris na lang," I said, para matapos na lang. Ang hirap pang i-explain eh! Tutal Cris naman talaga ang nickname ko, but that's personal! Baka makita pa ng customer ko at maging affiliated pa ako sa kanya! I don't like to mix in my personal life into my career.
I paid for my drink and sat on the couch to wait for my name to be called. Ang tagal naman nitong client ko! Kung hindi lang ako kumikita ng malaki dahil dito, matagal ko na 'tong sinukuan eh!
"Iced Americano for Cris!"
I stood up to get my coffee from the bar. While I was on the way back to my couch, a girl was staring at me. She was with a guy, but I can't see his face. The newspaper he's holding is covering his face. The girl looked familiar to me, but I can't remember when and where I met her.
I felt awkward so I broke the stare. The next thing I knew, she was already walking towards me. "Cris? Christiana?," she said and sat beside me.
I took my shades off to see her face more clearly.
"Ashley, hello??? From your old highschool!," she said while waving her hand. Ohhhh! Fuck. I don't know what to act.
"Hi, Ash! Kumusta ka na?," I said and let out a smile. Alam kong mukhang awkward yung ngiting 'yon. Pero hindi ko talaga alam ang gagawin!
"Eto, okay lang naman! Nakapasa ako ng board exam! RMT na hehe, road to MD!," sabi niya at humigop ng kape niya. "Ikaw, Cris? Balita ko diba med din ang ite-take mo?"
Napalunok ako. Iyon ang mga tanong na iniiwasan ko ever since umalis ako dito sa Manila. "Okay lang naman, uhhh," napakamot ako sa ulo ko at hindi na alam ang susunod na sasabihin. "Med rep, med rep muna ako ngayon. Wala pang budget pang med school eh!"
Shit. Ang hirap.
"Ahhh, ganun ba. Buti nga, tinutulungan ako ni kuya ngayon e. Actually, pasado na siya ng bar exam," sabi niya. Kuya. Yung kuya niya. "Ay, eto pala-"
Napatayo ako bigla at kinuha na ang mga gamit ko. Hindi. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya makita.
"Una na ako, Ash. Nice seeing you again!," sabi ko at naglakad na papaalis. Ngunit napahinto ako nang muntik ko nang mabangga ang isang matangkad na lalaki. Napaangat ang tingin ko sa mukha niya. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.
Lumapit si Ashley sa kanya. Humawak siya sa braso niya, "Cris, si Xavier, fiancee ko. Love, si Cristiana, remember her?"
Putangina. Kinabahan ako.
Akala ko...
Akala ko kuya niya.
"Christiana Magdalene Jacinto! Yung prom queen!," nakangiting sabi ni Xavier at naglahad ng kamay. Oo, naaalala ko siya. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.
"Xavier, yung varsity ng basketball," sabi ko at naglahad ng ngiti.
May pumasok sa coffee shop na lalaking matipuno ang katawan. He was wearing a white short sleeve polo shirt, black shorts, and Sperry's. Iyon ang binanggit ng client kong suot niya.
Nagmadali na ako at nagpaalam sa dalawa, mahirap na at baka kung ano pa ang maungkat. Lumapit ako sa client ko na palinga-linga kung saan saan, probably finding for me.
"Francis?," I said with a small smile.
He nodded and I gestured him to go outside of the coffee shop.
Habang naglalakad kami palabas, may lalaking papasok sa loob ng coffee shop. "Sorry man," sabi niya nang magkasalisihan sila ni Francis sa pinto. Bumitaw si Francis sa handle at hinayaan ang lalaki sa labas na hilahin ang pinto. Hinawakan niya iyon at sumenyas na lumabas na kami.
Pinauna ako ng lakad ni Francis at nang makalagpas na ako sa pinto, inangat ko ang tingin ko sa lalaki, para magpasalamat. "Thank--"
Nanlaki ang mata ko nang maaninaw ko nang maayos ang mukha ng lalaki.
"Thank you-- thank you, Sandrino"
BINABASA MO ANG
No Calls
General FictionChristiana and Sandrino, past lovers, had met again in their hometown. They both have their lives in places, or haven't they? The reason behind their failed relationship still remains unknown to Sandrino, so he is still in the hunt for a closure. Bu...