Chapter 5

15 0 0
                                    

"Hoy, kumusta ka na pala," tanong ni Mikay sa kanya. Binalingan niya ito "I heard may bago kang tayo na coffee shop." Nilunok muna niya ang nginu-nguyang pagkain bago sumagot.

"Oo, sa awa ng Diyos. 'Nga pala punta kayo sa opening. Marami na kayong utang kasi hindi na kayo mahagilap ilang buwan na ah," inikot niya ang kinakaing carbonara. Hindi naman talaga niya hilig ang pasta. Mas gusto niya iyong pinoy na luto iyong mga kawali, pinakbet at kung anu-ano pa. Ngunit masarap rin pala ang pasta naparami tuloy ang kain niya.

"Maghinay-hinay ka nga sa kinakain mo," saka nito tinuro ang gilid nang labi. Iminiwestra na may dumi siya sa gilid nang bibig. Agad niya naman pinahiran gamit ang napkin cloth. "Dito muna ako nang ilang linggo, gagamitin ko iyong vacation leave ko." Call center agent kasi si Mikay ngunit hindi sa Metro nka base kung kaya hindi ito lumalabas kasama nila.

"Maghanap ka na kasi nang ibang trabaho, iyong medyo dito lang para naman malapit lang sa nanay mo." Si Liza naman ay isang secretarya sa isang advertisement company at dahil secretary ito kung kaya't hindi ito masyado namamalagi sa metro. Kadalasan kasa-kasama ito nang amo nito na tinatawag nilang Mr. snoopy. Napagdiskitahan kasi ito nila Rex, Adam at Aljohn dahil ni-like nito lahat nang posts ni Liza. Hindi lang iyon parati rin itong sunod nang sunod sa kanila nung nag outing silang magbarkada sa Subic. Ayon iyon na talaga ang tawag nila sa amo nito.

"Kesa naman tumulad ako sa iyo na palaging nag-a-awol," Inirapan ni Mikay si Liza. Umiling iling nalang siya sa pagbabangayan nang mga ito. "Pasalamat ka sa amo mong si Mr. snoopy kung bakit hindi ka pa nawalan nang trabaho." Lumabi pa ang loka.

"Hep, hep! Huwag kayo mag away. Bawal mag away sa hapagkainan, okay. Umayos kayong dalawa kung hindi ay kukutusan ko kayo." Sabi niya sa mga ito. Bumalik nalang ang mag kaibigan sa pagkain. Timing naman bumalik si Rex at Adam sa mesa nila. Galing kasi ang mga ito sa pag-vape.

"Himala at kumain ka na ngayon nang Carbonara, Vine." Bungad ni Rex. Hindi kasi talaga siya mahilig sa pasta. Pero hindi ba pwede mag change ang taste buds nang tao?

"Bawal na ba akong kumain nang pasta ha," nguso niya rito. Tumawa lang ito saka ginulo ang buhok niya. Nayamot naman siya sa ginawa nito. "Huwag ka nga!" saway niya rito saka hinampas ang kamay nito. Magugulo na naman ang ayos nang buhok niya.

"Love, kumuha ako nang steamed fish with black bean sauce. Favorite mo ito diba?" tanong niya sa kasintahan habang tinutulak ang pinggan na naglalaman nang pagkain.

"Hindi ka pa nasanay eh, wala namang pili ang nobyo mo pagdating sa pagkain ah!" sabi ni Rex. Nakita niyang ubos na ang pagkain nito kaya hinati niya sa dalawang lalaki ang steamed fish. Hinimay pa niya at sinigurado na walang tinik iyon kahit alam niyang wala naman. Napatitig lang ang binata sa kanya.

Binalingan niya ang nobyo "May gusto ka pa?" tanong niya rito. Umiling ito ngunit nakayuko ang ulo. Ipinagkibit balikat nalang niya iyon. Ilang sandali pa ay umingay ang bulwagan at isa-isa nang nagsasayawan ang mga may edad.

"Isayaw mo ako, Love." Mahinang lambing niya rito. Hinawakan pa ang hita nito sa ilalim ng mesa. He smiled at her and groped her hand. Dumating ang mag-asawang Greg at Cindy at inaya silang magsayaw ngunit dahil hindi pa tapos kumain ang nobyo kaya siya at ang mga babae lang ang nakuha ni Cindy. Nagpaiwan naman sa mesa ang tatlong lalake na sina Adam, Greg at Rex.

"Bakit nga pala wala si Aljohn?" tanong niya kay Cindy. Si Aljohn ang kanilang baklang kaibigan. Huli niyang kita rito ay noong kasal nang mag-asawang Greg at Cindy.

"Hindi nagre-reply ang bakla." Bumunghalit sila nang tawa sa turan ni Cindy. Ilang sandali pa ay sinayawan siya ni Cindy. Para bang tinutuya. Kaya ang nangyari ay nagpasabugan sila nang sayaw. Hindi naman nagpahuli sina Liza at Mikay. Gumiling giling pa ang mga ito. Humalakhak siya nang nagte-twerk pa si Liza sa mukha ni Mikay. Para bang in your face iyon. Mga gaga talaga ang mga ito.

Take me in your arms, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon