A.N.: Hi guys! At last naka-GCQ na tayo ngayon but still,we have to be careful po. Maintain the use of mask and social distancing na din. Wala munang jug jug ahh ahh please baka may virus iyong ka-ano mo. Anyways, extra caresa mga taga-Maynila. I hope everything will be fine. Let us also hope na makaka-discover na tayo ng effective na vaccine na talagang makakapatay sa virus. Huwag na din nating sisihin ang mga taga-China dahil wala rin iyong magagawa in times like this. Maging alerto na lang po tayo at alagaan ang mga sarili at pamilya natin :)
"BYE, Sir. Sayo din po ma'am. Ingat po sa biyahe,"nakangiting pahayag ng isa sa mga crew sa resort na iyon. Medyo may edad na rin kung titingnan ang ginang.
"Sayo din po. Salamat sa pag-asikaso sa'min dito," aniya.
"Aba siyempre po. Nobya po kayo nitong boss namin, kaya natural lang na asikasuhin namin kayong mabuti katulad ng pag-aasikaso namin sa mga bakasyonista rito."
Nginitian na lang niya ang ginang. Hapon na nang linggong iyon nila napagpasyahang umuwi sa ka-Maynilaan dahil may trabaho pa siya kinabukasan. Gustuhin man niya na manatili pa nang matagal-tagal sa lugar na iyon, alam niyang hindi siya papayagan ng kaniyang trabaho. Isang beses pa niyang inilibot ang paningin sa kapaligiran at dinama ang simoy ng pang-hapong simoy ng hangin. Marami siyang magagandang alaala na babaunin sa syudad.
"Don't worry. We could come here anytime. Basta ba hindi ka busy sa trabaho mo, I'll be happy to offer you to rest and relax in this place," untag ni Shaun sa kaniya.
Lumingon siya rito saka ngumiti. "Thank you. Masaya ako at nakapunta ako rito. I had so much fun. Hindi lang pagligo sa dagat ang dahilan kung ba't ako nag-enjoy rito. I also enjoyed the bungee jumping, zipline and even the food that they serve here,"aniya. Totoo naman kasi iyon. Kung hindi dahil sa binata, hindi niya magagawa ang mga bagay na matagal na niyang ginustong gawin. Hindi niya mararanasan ang magpahinga nang matagal. Naiiba ang out of town travel na iyon sa mga naranasan niya noon. Hindi niya kasi naranasan na kapag gumising siya, may pagkain na agad sa hapag. Kailangan pa niyang tumungo sa mga restaurant o magpa-deliver na lamg which is ginagawa niya rin kapag nasa condo unit siya.
Humugot siya ng malalim na hininga. "Hindi ko alam kung paano kita masusuklian sa ginawa mo. But, I'll think of it."
"Okay. Ikaw bahala," sabi nito saka pumasok na sa kotse nito. Ganoon din ang kaniyang ginawa. Si Shaun na ang nagsuot sa kaniya ng seatbelt.
Pinaandar na nito ang makina ng sasakyan saka pinausad iyon. Siya naman ay nagpasyang matulog muna upang hindi kulangin sa tulog kinabukasan. May nakatakda pa naman siyang operasyon sa dalawang pasyente kinabukasan kaya mas maigi na ang makapagpahinga siya ng maayos upang walang maging problema kinabukasan.
PANAY ang pagsulyap ni Shaun sa mahimbing na natutulog na si Samantha. Minsan ay naririnig niya itong humihilik dahil siguro sa pagod. Masyado kasing nakakapagod ang mga ginawa nila sa araw na iyon. But the exciting part was that they made love inside the cave that is also part of his father's resort. Masaya siya dahil kahit hindi pa gaanong matagal mula nang magtagpo ulit ang kanilang mga landas, kusang ipinapaubaya sa kaniya ng dalaga ang katawan nito na para bang wala itong kahit na anong pagtutol o disgusto sa mga ginagawa niya rito.
Napangiti na lang siya. Kay Sam lang talaga siya naging ganoon. Kakaiba ang pagre-respond ng katawan niya sa babae. Aaminin niya na sinubukan niyang makipagtalik sa iba noong hindi pa ulit nagtatagpo ang mga landas nila ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili na magkagusto sa ibang babae at kalimutan ang pagmamahal na inilaan niya para kay Sam, lagi pa rin niyang natatagpuan ang sarili na hinahanap-hanap ito at patuloy na inaalala ito.
Sam was really different from the others. She's the only one who have the capability to ignite the fire inside him. To make him go crazy.
Medyo malayo-layo pa ang biyahe nila kaya hindi na muna niya ito inistorbo dahil iniisip niya na baka nagpapahinga ito dahil may gagawing importante kinabukasan. At saka, napakahimbing ng tulog nito.
BINABASA MO ANG
Return of Her Ex- (COMPLETED)
RomansaSam didn't regret when she left Shaun one and a half decade ago. She knew that she have enough reasons why she did that. She couldn't take the pain and disappointment that it kept hurting her habang ipinagpapatuloy niya ang kanilang relasyon. After...