Belle's POV
"Isabelle..." pagtawag sakin ni donato kaya lumingon ako sakanya
"Kay ganda ng iyong pag awit" papuri nya
"Ahh, salamat" ngiti kong sagot
"maari ba k-kitang isataw?" nahihiya panniyang tanong
"Oo naman" sabi ko at inilahad pa ang kamay ko sa harap niya.
hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa gitna kung saan nagsasayawan.
ang kaso hindi ako marunong sumayaw!
"A-ahh hindi ako marunong sumayaw" nahihiyang pagamin ko
napatingin siya sakin saglit at saka ngimiti "Tumapak ka sa aking mga paa, ako ang sasayaw para saatin" nakagiti niyang sabi.
ngumiti ako at saka dahan dahang tumapak sa mga paa niya, nihihiya ako dahil hindi naman ako ganon ka gaan.
Sinimulan niyang mag sway ng dahan dahan. Ang mga mata namin ay naka tingin lang sa isa't isa, hindi nawawala ang mga ngiti namin.
Unti unting nababawasan ang mga sumasayaw sa gitna kaya mas lalo kaming napapansin ng mga tao."Kay ganda ng iyong mga mata" muling papuri ni donato saakin
"S-salamat" iyon lang ang naitugon ko
"Naalala mo na ba kung saan ka nakatira?" biglang tanong niya
napaluwag ang taban ko sa leeg niya pero hindi parin ako bumibitaw "H-hindi pa eh, pero pag naalala ko na sasabihin ko agad sayo"
ngumiti lang siya saakin.Nagulat ako ng bahagya niya akong buhatin at ipaikot-ikot.
"Hoy! a-ano ba ibaba mo nga ako!" hampas ko sakaniya
natawa lang siya at pinabilis pa ang pag ikot
"Ano ba! nahihilo na ako. Donato!" sigaw ko pa kaya naman naagaw namin ang lahat ng pansin.
"Donato." bigkas ni tanya
sa tingin ko ay nagulat si donato dahil bigla siyang napahinto sa pag ikot at ibinaba ako, Marahan siyang umikot hanggang sa makaharap niya nga kanyang nobya
"Hindi ba't sinabi mong wala kang gana sumayaw? ngunit bakit narito ka kasama siya at ligaliw na ligaliw na nakikipagsayaw?" galit at lungkot ang nababasa ko sa mga mata ni tanya ngayon.
aish! kingina, dapat hindi nalang ako pumayag eh! pambihira naman oh!
"Sunog!" biglang may sumigaw
nagsimulang magpanic yung mga tao may mga tumatakbo at sumisigaw na.
pero ako.....
"Mommy!" iyak ko habang naglalakad sa bahay na kinakain na ng apoy
"Daddy! Bella!" kahit anong sigaw ko ay walang nakakarinig saakin
kasalanan ko to kung hindi ko itinuloy yung experiment ko walang mangyayaring sunog.
iyak lang ako ng iyak hanggang sa narinig ko yung sigaw ng ate ko
"ahhh!" sigaw ni ate bella kaya dali dali akong tumakbo papunta sakanya
naririnig ko narin ang mga bumbero sa labas.Ubo na ako ng ubo pero kailangan kong matulungan si ate. Nakita ko ang ate pero may nakadagan sakanyang kahoy na nasusunog umiiyak na si ate, sa puntong to di ko na alam ang gagawin ko.
"Belle tulu-ngan mo ako dito" sigaw ni ate bella
pero hindi ako magawang gumalaw
"Isabelle!"
"Isabelle!"
Nakasquat ako habang nakatakip ang mga kamay ko sa tenga ko
"Sorry ate! Sorry" iyak na sabi ko
"Isabelle!" napalingon ako sa sumigaw "kailangan na nating umalis,kakainin tayo ang apoy dito!" dagdag pa niya pero napatiyig lang ako sakaniya
Ilang segundo lang ay nawalan na ako ng malay....
BINABASA MO ANG
Time machine
Roman d'amourWalang naniniwala sa 'time machine' siguro ang iba, kasama sa iba nayon si isabelle mariano. isabelle lost her family from a fire, naniniwala si isabelle na siya ang may kasalanan kung bakit nasunog ang bahay nila at kung bakit wala na ang pamilya n...