Chapter 14
Nasa kalagitnaan na kami ng school year when may bali-balitang may magttransfer daw sa fourth year. Since ka-year namin siya doon lang ang room niya sa katabi ng aming room, hindi ko na masyadong tinapunan ng interes. Tutal mas may interes ako sa katabi ko— kay Marie. May gusto na nga ata ako. Cliché lang, syempre. Kapag may gusto kang tao, one thing you would like to do ay ang ayusin ang sarili mo. Ang physical attributes kaya ay isa sa mga factor na tinitingnan ngayon. Kahit pa sabihin niyang personality mo ang gusto niya, hahanap pa rin yan sayo ng itsura. Presentable. Ganon.
"Rone, andyan na yung transferee, katabi lang pala natin ng room. Alam mo na, puno na kasi tayo pero matalino daw yun. Di na nga lang kasya sa room natin kaya sa kabilang section nilagay." Sabi nung isang kaklase ko
"Ah ganon ba?"
"Alam mo ikaw lang talaga ang walang gana na makita siya. Bakit?"
"Ah eh. Aalis din naman yan. Mawawala din ang usapan na yan. Asan ba siya?"
"Ayun oh!" Sabay turo sa isang babae na nakangiting nakikipag-usap sa mga taong nasa paligid niya. Ta-tama ba ang tingin ko? Siya yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang kababata ko, nagbalik na. Ang first love ko.
BINABASA MO ANG
Can You Be Mine?
Roman pour AdolescentsKagaya ng ibang stories, cliché lang din ang akin. Pero imposible namang magkaparehas kami ng ending diba?