This Time I Mean It!

83 4 0
                                    

Lahat ng hirap may KATAPUSAN.

--------

Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.

Natatandaan ko pa nung sinulat ko yung unang part nito.

Umiiyak ako.

Luhang puno nang sakit...

... paghihirap

... at kalungkutan.

Akala hanggang doon na lang.

Akala ko matatagalan pa bago ko masabi ang mga huling salitang iyon.

Akala ko may iluluha pa ko.

Akala ko patuloy parin ang burol ng puso kong namamatay sa tuwing nakikita ko sila.

Akala ko....

Akala ko lang pala lahat.

Yung pala hindi lang hanggang doon dahil simula pa lang iyon.

Yung pala masasabi ko din ang mga salitang iyon sa tamang panahon.

Yung pala napapagod din ang mga mata kong lumuha pa.

Yung pala matapos ang matagal na panahong burol, maililibing ko din ang nararamdaman ko para sa kanya...

... at ang lahat ng sakit at pighati.

Dadating din pala ang araw na mawawala na lang lahat at magigising na lang ako na nabago na ko.

Yung taong hindi na umiiyak.

Na this time mas matatag na...

... mas matapang

... mas palaban

... at may tunay nang ngiti na nakaguhit sa mga labi ko.

Yung makakatingin ka na nang diretso sa mga mata niya.

Yung masusungitan mo na siya.

Yung parang hangin lang ang presence niya.

Yung wala ka nang nadarama sa kanya.

Mahirap man ang pinagdaanan ko.

Minsan man ay muntik ko nang sukuan ito.

At least ngayon eto ako.

Nasa harap niyo.

Nakatayo ng tuwid.

Nakangiti.

Tumatawa.

At hindi na nasasaktan pa.

And now I can proudly say, "I'm totally and absolutely moved on..."

"... and this time I mean it!"

----------

Hello po again readers! Sorry po kung nacomplete ko agad. Pero actually dapat one shot lang po talaga ito at hanggang doon na lang. But after seeing my friends reaction after reading the first part, naisipan ko pong duktungan. Yung lang po. Hope you also like this.

- Ate Issa

#ConnectToPagIbig

I'm Totally And Absolutely Moved On!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon