Totoong Biro

1 1 0
                                    


Isa ito sa mga naisulat kong tula 'sang taon na ang nakararaan, nais ko lamang siyang ilagay rito dahil isa ito sa mga paborito ko.

——————————————————

"Totoong Biro"
Ni: John Paolo Espiritu

Alas tres ng hapon, katatapos ko lamang mag- siyesta,
Mainit ang panahon banayad ang pagdampi ng hangin sa mga mata,
At dumating siya— mukhang mahalaga ang ipinunta,
Hindi ko mawari, ang hirap basahin ng emosyong sa kaniya'y nakapinta.

Medyo kinabahan,
Nag- alinlangan,
Ayokong marinig,
Ayokong magsalita siya,
Siya lang mag- isa at hindi ka kasama,
Inisip na baka may surpresa,
Tulad noong palagi mong ginagawa habang nakasakay sa kalesa.

Gumuho ang mundo ng sinabi niyang patay ka na.
Hindi nakaimik,
Hindi nakapagsalita,
Natuod ang mga paa,
Naalala ko tuloy ang masasaya nating mga alaala,
Mga biro mong hindi nakakatawa.

Nananatiling nakatayo,
Mata'y nakatingin sa malayo,
Nagbabakasaling isa ito sa libo- libo mong mga biro,
Magpapakita ka't tatakbo at sasabihing, "mahal pasensiya ako lamang ay nagbibiro" sabay yakap ng mahigpit dahil dugo ko'y kumulo.

Isa,
Dalawa,
Tatlo, tatlong minuto akong naghintay,
Walang bakas ng luha dahil alam kong makakatikim ka sa akin ng latay,
Mahal, limang minuto na, hindi na ako natutuwa tuluyan na talaga kitang makakatay.

Hindi,
Dito lang ako sayo maghihintay,
Magbibilang muli hanggang sa ikaw na ang bumigay,
Pumatak na ang mga luhang kanina pa gustong umayaw,
Kahit kailan pala'y hindi na kita maisasayaw, talaga ka, lagot ka nanaman nito kay inay.

Ika- tatlo ng hapon,
Katatapos lamang mag- siyesta,
Mainit ang panahon banayad ang pagdampi ng hangin sa mga mata,
Dumating siya at mukhang mahalaga ang ipinunta,
Bigla siyang nagsalita,
Kasamahan mo sa militar pala,
Hindi mapakali,
Nanlalamig,
Bumabaha ang mga pawis,
Ako'y natawa dahil makikitae pala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Words By PawieWhere stories live. Discover now