Kabanata 17

451 17 2
                                    

"Grabe hindi ko akalaing magiging ganun sayo si cassandra", kinwento ko kay aira ang nangyare kahapon sa amin ni cassandra

Hindi siya makapaniwalang nag-open up sa akin ng problema si cassandra

"Masyado akong naawa sakaniya beshie kahapon,hindi ko talaga alam na sobrang sakit din para sakaniya ng mga nangyare", nakatulala kong sinabi

Nasa wooden swing kaming dalawa ni aira na nakakabit sa puno.Sobrang peaceful ng lugar na ito

"Akala ko pinagpalit mo na ako eh", nakanguso niyang sinabi

"Siraulo ka", binatukan ko siya at bigla kong naaninag sa malayo si estevan

Kasama nanaman niya ang babaeng kasama niya sa kubo kahapon.Sila na ba?

"Ang cute nila tignan no,sayang bagay pa naman kayo", nagulat ako sa sinabi ni aira at naka-tingin din pala siya kela estevan

Himala at wala ng hawak na cellphone si estevan ngayon at mag-kasama lang sila ng babae habang naglalakad sa malayo.

Bakit ang weird ng pakiramdam ko?

Feeling ko nakakapanibago na makita siyang ganiyan

Iniwas ko nalang ang tingin ko at pinaglaruan nalang ang mga buhangin sa paa ko

"Alam mo beshie buti talaga may bonding tayong ganito", aniya ni aira

"Oo nga eh,thank you aira ah pinilit mo akong sumama", natatawa kong sinabi

"You're so pabebe kasi beshie pero buti nalang talaga napilit kita", nag flip pa siya ng hair niya at biglang tumayo

"Oh my balasubas!, beshie samahan mo ako sa cr!", natataranta niyang sinabi

Hindi pa ako nakakapagtanong kung bakit pero agad ko ng nakita ito

"Hala ang malas mo naman beshie, oh eto isuot mo muna sa bewang mo", tumatawa kong sinabi at inabot sakanya ang sweater ko

"8 days pa tayo dito,paano na ako makakapagsaya", naiiyak niyang sinabi

"Pwede naman tayo mag-enjoy ah,kaso lang hindi ka masyadong makakapag-swimming", malungkot kong sinabi sakaniya

"Ang dami ko pa man ding biniling swimsuit dahil ipopost ko yun sa instagram ko dahil makikita ni kristoff", nag-mamaktol siya habang naglakad papuntang cr

Buti nalang at may baon siyang napkin at agad na din siyang nagpalit ng short.

Sayang naman at hindi niya masusuot ang iba niyang swimsuit at hindi niya masyadong maeenjoy ang pagsiswimming dahil grabe sumakit ang puson niya sa ganitong panahon.

"Beshie sorry ah,pahinga na muna ako sa kwarto", paalam sa akin ni aira

Hinatid ko muna siya sa kwarto ng mga girls at humiga na lang din siya sa kama niya.

Lumabas ako ng pinto para magpahangin.Nilibot ko ang beach,napakaganda talaga dito.

Pumunta ako sa mabatong lugar at nakita kong ang daming mga sea shells,kaya pinulot ko ito isa isa.

"Wow gandang trip niyan ah", narinig ko palang ang boses niya ay naitapon ko agad ang mga sea shell sa kamay ko

"A-ah ano ginagawa mo dito?",agad kong sinabi sakaniya

"Bakit ikaw lang ba may karapatan pumunta dito?",masungit niyang sinabi

Agad akong tumayo at nakita kong may binabasa siyang comics at detective conan ang nakalagay dito.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon