Wish

39 3 0
                                    

"Love dito oh! Picturan kita dito!"

"Love ang ganda ng lighting! Pang-IG mo bilis!"

"Love, ang ganda ng tanawin pero mas maganda ka."

"Love, sobra pa sa sobra yung ganda mo."

"Love, hindi kita iiwan."

"Love, ayaw kong nagugutom ka."

"Love, pag nakaipon na ako pakakasalan kita agad! Promise ko yan sayo!"

Lahat ng sinabi niya, totoo. Hindi niya ako binigo.

"Love, anong gusto mong style ng gown?" tanong niya habang nakaupo sa may terrace.

Ngumiti lang ako. Sobrang saya ko ngayon. Naiiyak ako sa sobrang saya.

"Hay nako, umiiyak ka na naman. Halika ka nga dito." niyakap niya ako. Nanginig ang buong katawan ko. Halo-halong emosyon ang dahilan.

"Alam mo, matutuwa si Mama kapag nalaman niyang nagpropose na ako sayo." sabi niya. Yep. Nagpropose na siya sakin, kaya siguro ganito nararamdaman ko.

Sa ilang taong pinagsamahan namin ni Eric, sobrang saya ko. Pag may tampuhan siya yung laging mag-aayos. Hindi niya hahayaang tumagal yung tampuhan namin.

Noong nag-aaral pa ako, lagi siyang nakaalalay sakin. Since ahead siya ng one year sakin, siya ang guide ko nung last year ko na sa college. Habang siya nagtatrabaho, sinasabi niya sakin ang mga experience niya para mas mapagbutihan ko ang studies ko.

Pagdating sa pamilya, sobrang galang niya. Grabe yung respeto na binibigay niya samin ng pamilya ko.

Sobrang swerte ko kay Eric. Wala na akong hahanapin pang iba sa taong ito.

"Love kanina ka pa hindi nagsasalita. Wag ka na kasi umiyak! Para namang ewan 'to!" natawa ako sa reaksyon niya.

"Promise, hindi na." sabi ko. Hindi ko talaga alam kung ano 'tong nararamdaman ko.

"Iimbitahan ko sila Matt, Blair at Bont ha! Imbitahan mo rin sila Cha." sabi niya sakin at tutok na tutok siya sa laptop niya.

"S-Sige." sagot ko.

"Uhm Love, yung classmates ko nung highschool... sila Benedict at Kristel? Iimbitahan ko din!" sabi niya. Grabe yung tuwa niya. Sobrang saya ko para sa kanya. Sobrang buti niyang tao kaya deserve niya lahat ng 'to.

"Go lang Love, invite mo yung gusto mo." nakangiti kong sabi. I am so happy for him.

"Love, excited na akong maging tatay
Excited na akong mamuhay kasama ka. Yung tipong pagkagising ko sa umaga, ikaw makikita ko." hinawakan ko ang kamay niya at sumandal sa balikat niya.

Sobrang saya sa pakiramdam na may nagmamahal sayo. Sobrang saya ko dahil may nagmamahal sakin. Sobrang saya ko dahil nakilala ko si Eric.

"Uhm, Eric?"

"Yes?"

"I love you."

"I love you more, Aria."

Nanatili kami sa ganung pwesto.

"Aria! Mahal na mahal kita! Can you  be my girlfriend?" Graduation day. Tapos na kami mag-aral at saktong naging kami. That was the happiest memory I ever had.

"Yes! Yes Eric!" niyakap niya ako bigla at nagpalakpakan ang mga tao. I can't imagine my life without him.

Never niyang pinaramdam na nagkamali siya sa pagpili sakin. Never niya akong sinigawan. Never niya talaga akong inaway. Grabe lang. 8 years kaming naging magkasintahan. Sa walong taon na yon, puro pagmamahal lang ang pinakita niya sakin.

Siya din yung tipo ng tao na planado lahat. Nung 7th year namin, nagpaplano na siya for our future. Naghanap na siya ng bahay. May kotse na kami. He even told my family na sooner or later ikasal na kami.

"Love, ano gusto mong itawag sayo ng magiging anak natin?" humagulgol na ako. Hindi ko na kaya.

"Hay nako. Para kang bata eh!" niyakap niya ako. Pinatahan. Pinakalma.

"Eric, thank you for everything. Thank you sa lahat ng binigay mo sakin. Love, trust, respect. Kahit anong materyal na bagay, hindi matutumbasan yan." sabi ko.

"But we need to face reality, Love. Sana matanggap mo." naiiyak ako.

"W-What do you mean? Are you rejecting my proposal?" tanong niya. Ramdam ko ang kaba sa boses niya.

"I really want to marry you. I j-just can't." sabi ko. Hindi pwede. Hinding hindi.

"Buntis ka ba? At ibang.... ibang lalaki ang ama?" Agad akong umiling. Sana yun na lang ang nangyari kasi magagawan pa ng paraan kung ganoon.

"Are you worrying na baka tutol ang parents mo dito?" Umiling din ako.

"E-Eric please check your phone." Sinunod niya ang utos ko at nabagsak niya ang phone niya nang mabasa ang message.

"Patay na ako. Naaksidente ako kanina Eric."

Sobrang sakit makita na umiiyak ang mahal mo.

"Wag ka ngang magjoke!" sabi niya. Mas umiyak ako.

"Eric, sorry kung di ako lumaban. Sorry kung pinaghintay kita sa wala. I know you deserve someone better, yung hindi ka iiwan." sabi ko. Sobrang sakit. Planado na eh.

"Anak." Napatingin kami ni Ericsa nagsalita. Si Tita Erlinda.

"B-Bakit Ma?"

"Hindi mo ba bibisitahin si Aria?" naiyak ako lalo.

"Ma hindi pa siya patay! Nandito siya oh—Aria?" Hindi na ako nagpakita. Mas lalo siyang masasaktan.

"Eric anak, don't be too hard with yourself. Let's just... accept the fact—" Hindi natuloy ni Tita yung sasabihin niya.

"Ma, bakit ganito? Bakit kailangan akong iwan ni Aria? Bakit kailangan niyang mawala?" Sabi ni Eric. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Hindi ko alam kung bakit kailangan mangyari 'to. Sobrang saya na ng buhay ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan magtapos dito.

I wish....I wish na sana... maging masaya ka pa rin kahit hindi mo na ako makakasama.

***
10 YEARS LATER

***

Eric's POV

Ang lakas ng simoy ng hangin.

"It's been 10 years na pala Aria." sabi ko habang nakatingin sa puntod niya.

"Kahit di ko man natupad ang mga pangako ko sayo, nagawa ko naman ang mga gusto mong mangyari sa buhay ko." sabi ko.

"Daddy na ako. I married my childhood bestfriend, Olivia. We met in Alaska nung may vacation ako. Nahulog ako. Nahulog din siya. Ayun, after 4 years of relationship, nagpropose ako." sabi ko. I wish... I wish na si Aria ang kasama ko ngayon. I wish... she never had to leave me.

"Aria, I never stopped loving you. You will be in my heart forever pero kailangan ko muna magpaalam. Sa Los Angeles na kami titira ni Olivia with our daughter, Alvia." pumatak ang luha ko. Masakit pa rin pala.

"Masakit pa rin Aria pero isa lang ang makakapagtanggal ng sakit. Acceptance." sabi ko at tumayo na.

"Goodbye Aria, until we meet again." Ayan ang mga huling salitang binitawan ko bago ko siya iwan.

I think... that's it. Tapos na ang mission mo para mapaganda ang buhay ko. I should live in the present.

-

END.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon