Jeep ni Kuya Francis

92 3 0
                                    

Naranasan mo na bang sumakay ng jeep pero pagpanik mo may nakita kang kabighabighani. Yung tipong nasigawan ka na ng driver kasi na stuck-up ka.

E naranasan mo na bang sumakay ng parehong jeep araw araw para lang makita yung taong dahilan ng pagbuo ng araw mo?

Ako kasi OO.

---

KOKOY BILISAN MO MALIGO AT SUSUNOD PA ANG KAPATID MO! Ang "GoodMorning" sakin ng Nanay ko. How sweet.

Oo, patapos na ko. Sabi ko. Pero ang totoo nagshashampoo palang ako.

HOY KOY! BILISAN MO! AT MALELATE KA NA NAMAN!! Ang ingay -_-

Nakakainis yung ganitong mga eksena sa bahay, yung tipong walang gustong maligo ng una tas pag nasimulan mo pamamadaliin ka. Punyemas -_-

Eto na. Magsiligo na kayo! Sabi ko paglabas ng mahiwagang banyo.

Buti naman. Sabi ng nagmamagandang kapatid kong si Ana.

Apat kaming magkakapatid, ako ang panganay pero mas matanda pa kumilos at magsalita ang mga kapatid kong bata sakin lalo na si Ana na syang pangatlo.

Parepareho lang ang nangyayare sa pang araw araw kong buhay. Talak sa pagligo, walang pansinan sa kainan. At ang pinaka masaya ay yung
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagpasok sa eskwela.

Correction. Hindi sa eskwela ha yung byahe ko papunta dun.

Sa terminal kasi ako nasakay bukod sa madaling makasakay at hindi ka mag-aamoy usok ng tambucho bago pa man sumakay ay may libre ka pang sight sa DreamGirl mo. O diba? Di ka na lugi.

Manong para ho. Sabi ni DreamGirl. Nakatingin ako sakanya habang sinasambit ang mga yan. Ang ganda nya talaga, maputi, mahaba ang pilikmata, at walang make-up. Sabay na naman sila nung lalaki na di ko alam kung mag-ano sila.

Sa araw araw kong pagsakay sa Jeep ni Kuya Francis ni minsan di ko nakatabi ang DreamGirl ko. Bukod kasi sa nahihiya ako ay meron syang lalaking laging kasama. Sabay sila lagi bumaba at lagi din magkatabi pero hindi naman sila ganun nagpapansinan. Napakadalang nga nilang magusap.

Sa tabi nalang ako Kuya Francis. Pagpapatigil ko.

Sige. Bukas ulit ha! Sagot nya sakin. Oo close kami. Nakasabay ko kasi sya magyosi dati habang nagaantay ng ibang pasahero.

Andito na naman ako sa nakakaboring kong eskwelahan. Di naman ako panget sa totoo nga lang e hearthrob ako sa campus namin, maraming mga babae at nagpapakababae na gusto akong makadate. May maganda din naman dito kaso kulang pa rin para pumantay kay DreamGirl.

Nakakasawa na yung araw araw na paulitulit na pangyayare. Pero biglang nabago yun isang gabi habang naglalakad ako pauwi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakita ko ang DreamGirl ko sa Plaza na nakatingin sa malayo habang umiiyak. Ang sakit nung makita ko syang ganun. At pagtingin ko sa direksyong tinitignan nya ay nakita ko yung lalaking lagi nyang katabi na may kasamang iba. Kaya di ko na napigilan ang sarili kong lapitan sya.

Miss. Okay ka lang? Inabot ko ang panyo ko sakanya.

Okay lang ako. Wag mo ko intindihin. Tinanggihan nya yung panyo ko pero tinapik nya ko sa braso. Gusto kong ngumiti pero awkward naman ata.

Nako Miss. Yung mga ganyang sagot, alam na alam ko na. Kwento mo na di naman tayo magkakilala e. Ako hindi mo kilala. Pero ikaw kilalangkilala ko.

Jeep ni Kuya Francis *Not Your Ordinary Jeepney Love Story* (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon