[Adara]
'Do not give away the keys to the kingdom to anyone less than a king.' – Lang Leav
Nakangiti kong isinarado ang librong binabasa ko nang lumabas sa banyo si Christian. Ang lalaking pagkakatiwalaan ko ng susi sa aking kaharian.
We're temporarily back in Virginia dahil may mga kailangan siyang personal na asikasuhin sa kanyang firm. Hindi ito pwedeng idaan sa simpleng conference call like before, so he had no choice. Alam kong mahirap itong ginagawa niya dahil nasa malayo siya habang narito ang trabaho niya, but still, he chose to stay with me in the Philippines. Pero dahil ayaw niya 'kong ma-miss, sinama niya 'kong bumalik dito and besides, na-miss ko rin itong lugar na nagsilbing ikalawang tahanan naming dalawa. Dito sa lugar kung saan nahulog ang loob namin sa isa't isa.
We're currently staying at the historic Cavalier Hotel & Beach Club in Atlantic Ave. Gusto rin kasi niyang sulitin ang pagkakataong ito para makapag-relax daw kami bago kami mag-asikaso ng kasal namin pag-uwi. We're planning to do the wedding next year. Ayoko naman kasing madaliin dahil espesyal ang araw na 'yon para sa aming dalawa. At isa pa, marami pa kaming mga bagay na kailangang ayusin sa trabaho.
I was enjoying the view of my future husband in front of me when suddenly, my phone rang. Tiningnan ko si Christian na nakatapis lamang ng puting tuwalya sa kanyang pang-ibaba bago ko sinagot ang tawag. Si Portia.
"What's with the long distance call?" bungad na tanong ko pagkasagot ng tawag niya. Hindi ito basta-bastang tatawag nang ganito kamahal kung hindi importante.
"You told me that Sam was nice! The hell! He's so arrogant!" Feel na feel ko hanggang dito ang inis sa boses niya. "Alam mo bang ni-reject niya ang panlalandi ko sa kanya sa harapan ng lahat?!"
Napaawang ang labi ko. Kaya naman pala mainit ang ulo ng kaibigan ko. Once she sets a target, she always gets it 100% sure. Ganyang kalakas ang dating ni Portia sa mga lalaki. I just don't know what happened with Sam.
"Baka naman binigla mo kasi?" alangan kong tanong. Medyo may pagka-wild din kasi ang babaeng 'to. Hindi ko naman sure kung ano ang background ni Sam pagdatig sa babae kaya hindi ko rin siya mabigyan ng proper tips.
"Anong binigla? Napaka-basic nga lang ng ginawa ko!" I could feel her rolling her eyes, but the annoyance in her voice quickly turned into excitement. "But you know what? Mas lalo ko lang siyang nagustuhan sa ginawa niya," she giggled. Oh god. Malakas ang tama nito.
Good luck, Sam.
"Ano ba kasing ginawa mo?" nagtataka kong tanong.
Umupo si Christian sa gilid ko at nakasimangot na nakatingin sa cellphone ko. Sinenyasan ko siyang si Portia ang kausap ko. Ni-loud speaker ko para marinig niya ang ginawa ng kambal niya sa kaibigan ko.
"Sinundan ko lang naman siya and just did a few touches when we got into a club. Of course, it's a club and I was a bit tipsy already! And do you know what his reaction was?! Nilatagan niya 'ko ng batas about anti-stalking law and if I don't stop, he'll see me in court!" excited niyang pagsasalaysay sa nangyari. "Alam mo ba kung gaano siya kaguwapo habang ipinapaliwanag sa 'kin 'yong mga posibleng kasong pwede kong kaharapin?! Ugh! Sobrang naging crush ko siya lalo!" kilig na kilig na kwento pa niya.
Humagalpak ako ng tawa dahil naiimahe ko ang itsura nilang dalawa ro'n sa eksena. Pati si Christian ay napangingiti sa kwento ng kaibigan ko tungkol sa kakambal niya. Mabait naman talaga si Sam, pero may pagka-perfectionist din kasi ang attitude n'on.
Before we came here, nakapag-usap na silang dalawa ni Christian. I don't know what they talked about dahil ayaw namang i-share ng madamot kong fiance, but he assured me that they're already okay.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romantizm[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...