Ang malusog na longganisa

20 2 0
                                    

Dear Diary,

Hello diary alam mo sobrang sira ng araw ko ngayon, alam mo kung bakit?
Ito kasing si Carlos Francis pinag kalat na crush ko raw siya! Shuta kapal ng muka. Ganito kasi yon diary, Nangongolekta ako ng pangpa photo copy namin sa isang activity sheet, e itong si Francis ke yabang! Piso lang hinihingi ko , isang libo ba naman ang binigay! Ilibre nya nalang kaming lahat. Matutuwa pa ko, kaso hindi bigyan ko daw siya ng 999.

"E kung siyam na raan at siyamnaput siyam na sampal ang isukli ko sayo"

Matapang na sagot ko habang nakatayo sa harap niya.

E yung mga shutang nagtiktok na mga kaklase ko tinulak ako, dahilan para mapa subsob sa baba ng tiyan ni Francis, naka pikit lang ako non nang maramdaman kong may nakabukol na kinadidikitan ng ilong ko. Mabilis akong tinulak ni Francis at napagtanto kong kahabaan niya pala ang kinasubsuban ko.

"Ano ba!? Manyak ka a! Sabi mo virgin ka pa? Daig mo pa hokage a"
Sigaw sakin ni Francis

"FYI! Hindi ako hokage aanhin ko yang... Yang.. ano mo! E sing liit lang yata ng longganisa yan e!"

Sagot ko, nagpalusot lang ako diary daks siya in fairness malusog na longganisa yata ang ano niya, pero naiinis parin ako sa kanya

"Classmates! Eto nga pala si
Nakia Carolina Eloisa Kristine Emmanuela D. Tan, VIRGIN, pero may pagnanasa yata sakin"

"Pre Crush ka talaga niyan kaya ang sungit sungit sayo" sambit ng katabi niya

"O baka naman tigang na tigang na kaya ang sungit" gatong pa ng isa sa likod

Inis akong tumalikod at naupo sa puwesto ko, pero nagulat nalang ako nang may bumato ng notebook sa ulo ko, nagtawanan ang lahat. Pag tingin ko kung kanino galing kay Francis pala, hindi ko nalang ginantihan diary sa sobrang inis ko nalaglag nalang ang luha ko, ganito ba ka brutal ang mga tao dito? tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa puwesto ni Francis at sinauli ang notebook na hinagis niya sa akin

"Francis notebook mo, ingatan mo baka may iba pang masaktan"

Walang gana kong sambit sabay punas ng luha pag talikod ko.

"Hala lagot si Francis"

Pananakot ng mga TikTokerist kong kaklase

Tumingin ako kay Francis bakas sa muka niya na sobra siyang nakonsensya sa ginawa nya, matipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kanya.

Maya maya pa ay uwian na tumayo na ako sa aking kinauupuan at naglakad, napa hinto ako nang may kamay na pumigil sa akin, nang lingunin ko ito, yung bakulaw na mayabang pala ang may-ari ng kamay na iyon. Ano nanaman kayang trip nito? Hmm mukang nadala na siya sa ginawa niya, aba'y dapat lang, kung hindi lalagyan ko na talaga ng pinag shave-an kong cuvic hair ang bag niya. Hikhik joke! Tream tream lang ako makati pag shaved.

"Cars, I-.. I'm sorry, sorry sa kasalanan ko"

Nauutal na sabi ng mokong, ginawa pa 'kong kotse ng hinayupak na ito, paamoy ko kaya sa kanya ang napkin kong ginamit kahapon.

"Alin don? Marami rami narin kasi"

Sarakstiko kong tanong

"Uh....argh! Mga pre 'di ko kaya! Kinikilabutan ako habang sinasabi sa kanya ang salitang sorry. Truth nalang hindi ko kaya yang dare niyo"

Aba damuho na 'to "sorry" nalang ginawa pang dare, ang taas din ng pride ng gung gong na 'to. Nasstress ang pussy ko este ang beauty ko sa lalaking to. Tumalikod nalang ako diary at pinagpatuloy ang pag lalakad ko.

Bago ako makalabas ng eskwelahan, nakita ko si Francis na naghihintay sa tapat ng isang room, sino kayang inaantay ng damuhong 'to, napansin kong tumingin siya sa gawi ko ngunit inirapan ko lang ang gung gong at naglakad na palabas.

Hanggang dito nalang diary, sana bukas magkaron ng himala at bumait na sakin si Carlos Francis. Hayy nung umulan yata ng sama ng ugali sinalo lahat ng lalaking iyon.

Journey ng aking VirginityWhere stories live. Discover now