Mina's POV
Naglalakad ako palabas ng building ng makita ko siya na naghihintay sa akin. Nakangiti ako kumaway sa kanya at sumakay sa passenger seat.
"HOY MINA! GISING NA! ANONG ORAS NA NATULOG KA PA!" sigaw sa akin ng best friend ko. Ano nanaman kaya ang ginagawa nung babaitang yun dito.
"Oo na. Tss. Bakit ka ba nadito?" Tanong ko sa kanya. Siya nga pala si Minji ang best friend ko mula pagkabata.
"Wow ha. Ganyan mo na pala salubungin ang best friend mo na kakauwi lang galing sa US?"
"Sorry na. Nananaginip kasi ako eh. Hays. Baka makikita ko na muka niya." Sagot ko sa kanya habang nag-aayos ako.
"Yun nanaman bang panaginip mo na sinusundo ka? Naniniwala ka ba dun? Epekto lang yan ng kakapanood mo ng mga k-drama." Sermon nanaman niya sa akin. Lagi ko kasi kinukwento sa kanya na napanaginipan ko yun.
"Wala namang masamang umasa diba? Hello, NBSB kaya ako. Malay mo lang naman diba." Umiling-iling lang siya sa sagot ko.
"Kelan ka ba magsisimula magtrabaho?" Tanong sa akin ni minji. Sa US kasi siya nag-aral ng college at kakauwi niya lang. Last week yung graduation niya.
"Di ko alam. Kakagraduate ko lang no. Baka magpahinga muna ako ng mga isang buwan." Sabi ko sa kanya pero nagapply na ako sa isang hotel sa Australia pero malabo siguro akong matanggap at kakagraduate ko pa lang. HRM nga pala ang natapos kong kurso. HRM as in Hotel and Restaurant Management hindi Human Resource Management.
"Okiiie. Nagapply ka na ba?" Minji
"Oo. Dun sa isang hotel sa Australia. Pero baka di naman ako tanggapin at kakagraduate ko pa lang." Ako
*ring ring ring*
"Hello?" Ako
"Is this Ms. Mina?"
"Yes, speaking"
"I would like to inform you that you are hired. Please report to the office in 1 week"
"Really? Yes, yes, thank you" huli kong sabi bago ko patayin ang telepono ko.
"Minjiiii. Hired daw akooo. Kailangan ko magreport dun in 1 week. Kailangan ko na magempake. Wait bibili rin pala akong ticket. Waaah. Excited na akooo." Sabi ko sabay alog sa best friend ko. Hihi
"Oo na. Congrats sayo. HAHAHAH. baka mahanap mo na si 'the one' mo dun. kasi kakapanood mo ng mga tarot card reading sa youtube sabi mo sa akin sabi dun sa first day of work mo makikilala ang soulmate mo diba?" Minji
"Hula lang naman yun. Di dapat ako umasa sa mga ganun. Tsaka generalized reading kaya yun. Baka mamaya wala pala akong soulmate. Biruin mo naman kasi, buong high school at college wala man lang nanligaw sa akin." Ako
"Hay nako. Magempake ka na nga." Minji
Di lang yun ang unang beses na nanaginip ako. Hays. Yung isang beses nasa party daw ako kaso lasing na ata ako kaya ako nakatulog ng nakaubob sa lamesa tapos may nakita akong lalaking nakasuit na pinatong yung coat niya sa akin. Pero di ko naman maalala yung muka kasi paggising ko blurred yung naaalala ko. Pero feel ko iisa lang yung lalaking sumusundo sa akin at yung nagpatong ng coat sa akin. Pero di dapat ako nagpapaniwala sa mga ganun. Baka dahil yun sa kakapanood ko ng k-drama tulad ng sabi ni minji. Hays. Di ko muna dapat isipin yun. Ang mahalaga may tabaho na akooo. Yippeee.
-2 days later-
"Tatawag ka ha. Magiingat ka roon." Mama
"Opo. Ingat din po kayo rito" ako
"Sige na. Baka mahuli ka sa flight mo." Papa
"Opo" ako
Umalis na ako pagkatapos kong magpaalam. Ngayon na ang byahe ko papuntang Australia. Kinakabahan ako sa trabaho. Hays. Kaya ko to. Hwaiting!