That Guy: Eris

275 8 13
                                    

S A C H Z N A POV

Grade 8 tayo noong nakilala kita. Oo kilala kita. Pero malabo pa sa salitang malabo na makikilala mo ako.

Ako si Sachz Na taga section C ako, hindi ako matalino nasa average lang ako. Samantalang ikaw nasa section A. Ang section ng mga matalino. Paano mo nga ako makikilala no? Kung sa section palang daig na ang magkabilang mundo.

Tapos nasali ka pa sa varsity, kaya lalo kang sumikat. Di mo ba ako nakikita tuwing game niyo? Malamang hindi. Pero alam mo palagi kaya akong nandun nanonood at sumisigaw hanggang sa mapaos na ako kakasigaw sa tuwing may laban kayo. Pero kahit gaano pa kalakas ang sigaw ko, alam ko na di mo ako maririnig kahit kelan.

May boyband ka din pala yung SNAPBACKS. Grabee ang gagwapo niyong lahat doon pero syempre ikaw pa rin ang pinakagwapo sa lahat. Para sakin ikaw ang pinakamagaling kumanta at sumayaw. Dinownload ko pa nga yung kanta mo sa soundcloud eh, tapos yung mga sayaw niyo kinuha ko din. Ah sya nga pala wallpaper pala kita sa phone ko.

Di mo napapansin na lagi mo akong nakakasalubong? Lagi kasi kitang inaabangan sa hallway tapos pag nandiyan ka na pasimple na din akong maglalakad. Tinangka ko pa ngang magpasagi sayo pero diko nagawa napaka cliché kasi pag ganun eh.

Ako rin pala yung babaeng pinagtanungan mo kong saan yung dance studio ng school. Natatandaan mo pa ba? Kasi ako tandang tanda ko yun eh. Kasi yun ang unang beses na nag Hi ka sakin at nginitian ako. Grabee kinabahan ako noon buti nalang nasagot kita ng maayos pero deep inside kinikilig na ako. At hanggang ngayon pag naalala ko yun hindi ko parin mapigilang mapangiti. Kasi once in my life napansin mo ako.

Ganun pala yung feeling ng mapansin ng taong gusto mo. Sa isang ngiti lang niya parang natutunaw ka na.

Natapos ang isang taon natin sa grade 8 at Hello grade 9 na tayo.

At ganun parin crush pa din kita at dimo parin ako kilala. At ngayon mas lalo ka pang sumikat nung bakasyon kasi diba? Nasali ka sa Mr. Teen Faces dumami na naman ang nagkagusto sayo.

Ah sya nga pala HAPPY 1year and 4 months sa FRIEND REQUEST ko sayo. Akala ko kahit sa facebook lang mapapansin mo ako pero hindi pala. Pero okay lang baka wala ka pang time para magaccept naiintindihan ko namang busy ka kasi eh.

Lumipas ang araw, at buwan na di mo parin ako napapansin, hindi mo parin ako kilala.

Malapit na pala ang foundation day ng school natin. At pinipilit ako nung class adviser namin na mag represent ng section namin para sa gaganaping Mr. and Ms. Brent. Sa una tumanggi ako pero dahil sa sinabi ni Dall ay agad akong pumayag. Sinabi niya kasi na baka yung pageant na yung way para magkalapit tayo. Kaya pumayag na din ako.

Nakakakaba lalo na nung pinatawag lahat ng candidate. Andun ka kasi... Tapos pinagpakilala nila tayo sa harap. At malamang naturn off ka na sakin. Pano ba naman kasi sa sobrang kaba ko hindi na ako nakapag salita ng maayos.

"Are you stupid? Pageant ang sasalihan mo Iha! Pero para kang kinder kong magsalita. No wonder nasa last section ka!" sigaw nung coordinator at pagkatapos nun ay pinagtawanan nila akong lahat maliban sayo.

Masyado akong napahiya tatayo na sana ako nung narinig kitang sumagot sa coordinator.

"You? are you stupid? Did you ever ask her kung bakit siya kinakabahan. Baka kasi firstime niyang sumali sa ganitong contest. Why so judgmental people huh?" kalmadong sabi mo sa coordinator ng pageant.

Pagkatapos kong marinig yun ay lumabas na ako at di ko na mapigilan ang luha ko. Minsan na nga lang ako mapahiya sa harap mo pa.

"Oi Miss!" sigaw mo. Oo alam na alam ko yung boses mo. Kahit amoy at likod mo kilala ko. Pero nahihiya akong lumingon kaya nilapitan mo ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Guy: ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon