4

21 13 24
                                    


Hinihingal ako na pumasok sa sunod kong klase. Paano ba naman kung saan saang lupalop na ng university ko sya hinanap pero hindi ko nakita ang the great Felix.

At ng malaman ko ay may klase pala sya, grr. Hindi ko namalayan ang oras at saka ko lang naalala na may klase na ako kaya naman tinakbo ko na kung saan man ako naroroon papunta dito.

Tiningnan ko ang harapan kung nandoon na ang prof namin pero buti na lang at mukhang nalate dahil kung hindi sigurado na hindi na ako makakapasok dito.

Nilibot ko ang tingin sa buong room at nakita ko si Tere na nakaupo sa medyo likuran.

'Tanungin ko kaya sya ng paraan na ginawa nya para makapag interview?'

Tama tama para naman kahit papaano ay magkaroon ako ng idea kung paano maginterview.

Lumakad na ako papunta sa vacant seat na katabi ng upuan ni Tere at umupo dun. Hindi naman umangat ang tingin nito para tingnan kung sinong umupo sa tabi nito.

Nang hindi pa din ako nito nilingon ay ako na lang ang kumausap dito.

"Hi Tere, ahh pwede bang magtanong?" Tanong ko dito. Napaangat naman siya ng tingin at tiningnan ako.

Inayos nito ang salamin bago magsalita. "Ha? Ah, sige ano ba yun?" Tapos sinara ang libro na binabasa nya kani kanina lamang.

"Ano kasi, alam mo na yung sa club room kanina, diba?" Tanong ko at tumango naman sya.

"Gusto ko kasing itanong kung paano ka nakapag-interview, hehe yun lang naman" sabi ko dito.

Tumango sya para iparating na naiintindihan nya ako. Hayy buti naman.

"Yung una ko kasing task ay ma-interview ang kahit sinong stockholder ng university, kaya naman ang ginawa ko ay nagpa schedule lang ng meeting sa kahit sino na stockholder" paliwanag nya. Tumango naman ako.

'Ang dali,pero hindi yun pwede kay Felix dahil una sa lahat hindi naman sya nagtatrabaho sa kompanya'

"Ahh ganon ba eh dun sa last year mo na na-interview?" tanong ko sigurado ako na estudyante yun, di ko lang maalala kung sino.

Tumikhim sya bago magsalita "Ang task kasi nun sakin ay ma-interview ang kahit sino sa magkapatid na Martinez. Si Spring sana ang kakausapin ko kaso mailap sya sa tao at maraming body gaurds kaya naman tiniis ko na lang kay Autumn". Sabi nito

Well, ang magkapatid na Martinez ay sina Spring at Autumn Martinez. Katulad nina Felix at Hani sikat sila dahil pamilya nila ang isa sa may malaking shares dito. Spring is the timid and more lady like one and Autumn is the party girl.

"Binigyan lamang ako ni Autumn ng mga gagawin bilang kapalit para sa interview". Pagtatapos nya at nagbasa na uli.

Baka naman ganun din ang ipagawa sa akin ni Felix? Sana nga.

Sobrang bagal ng oras noong nagsimula na ang klase halos makatulog na ako sa dalawang oras. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay dumiretso agad ako sa club room para kunin ang iba ko pang gamit.

Pagkapasok ko sa club room ay walang tao. Madali kong kinuha ang mga kailangan ko at nialagay sa bag.

Nagmamadali ako kasi kailangan ko pang hanapin ang prinsepe ng mga nyebe para masimulan na ang task na ito. Napakahirap pa naman hagilapan ng isang yun argggh.

Palabas na ako ng room ng mapatalon ako sa gulat nang makasalubong si Iñigo na papasok naman ng room. Muntik na kaming magbangga wew.

"Alice? Bakit ka nagmamadali?" tanong nya sa akin. Si Iñigo talaga ngayon pa ako chinika. "By the way tapos na ba ang klase mo?"

"Ahh oo bakit?" Tanong ko nginitian naman ako nito. Nakakatunaw, promise.

"Ano, ahhmm gusto mo bang kumain libre ko" at ngumiti nanaman siya. Gusto ko umoo pero kasi, kailangan ko na itong masimulan.

"Sorry Iñigo medyo busy ako ngayon, pero promise babawi ako sa ibang araw"  totoo naman diba?.

Nakita kong medyo nalungkot sya pero ngumiti din naman agad. "Sabi mo yan ah" sabi nito na tinanguan ko naman with smile.

'Wait baka nakasalubong nya or alam nya kung nasaan si Felix?'

Papasok na sana sya nang magsalita ako. "Ah nga pala Iñigo" dahil sa sinabi ko napalingon sya sa akin. "Alam mo ba kung nasaan or nakita mo si Felix?"

Para naman syang nagulat sa tinanong ko. Pero agad din na nakabawi. "Hindi ko lang sure pero try mo sa library, open area at garden baka nandon. Bakit mo nga pala sya hinahanap?" Tanong nito.

"Alam mo na, task" simple kong sagot at nginitian sya at aalis na sana nang tawagin nya uli ako.

"Alice.." kaya napalingon naman ako. "If you need help, you can ask me" seryoso sya habang sinasabi yun.

Napatawa naman ako dahil sa sobra nyang seryoso at pagkapatapos ng ilang segundo ay napatawa na din ito. "Ano ka ba, Ako kaya si Alice kaya  ko ito." Sabi ko at nginitian sya.

Ngumiti sya pagkatapos nun ay tuluyan na akong lumabas at hinanap na ang target ko.

Una kong tiningnan ang library. Inisa isa ko ang bawat gilid gilid ng library pero negative dun si Felix. Ahhh nasan na kaya yun?

'I swear pag ito nasa klase nanaman sobrang malas ko na talaga'

Sunod ko namang tiningnan ay ang open area. Dahil malaki dun ay tumungtong pa ako sa mataas na platform para matingnan kung nandun sya pero negative din.

Last ay ang garden pag wala pa sya dun ay uuwi na ako at didiretso sa part time job ko.

Nang makarating dun ay tanaw ko na agad sya at agad na nilapitan. Nakahiga sya, ang isang kamay ay pinagpapatungan ng kanyang ulo habang ang isa ay hawa ang libro. May suot din sya headset.

This guy is really something. Mainit na at lahat dito pero mukha pa rin siyang fresh. Samatanalang ako mukha na akong natutunaw na patatas.

Kaya naman I can't blame the girls na nagkakagusto sa prinsepe ng nyebe na ito. He got the looks and the brains but honestly not the attitude.

But maybe may dahilan kung bakit siya ganun. Imposible naman na wala lang diba. Pero nabawi naman ng looks kaya keri pa din.

'Gwapo sana masyado lang malamig'




Snow PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon