PICKY 50: Past

105 3 0
                                    

KAITEY


       ANG ganda ng gising ko ngayon kaya lahat ng dinadaanan kong estudyante sa hallway ay nginingitian ko. Nagtatakang tinignan lang naman nila ako na parang nakakita sila ng multo. Psh, magandang multo. Hindi niyo ba tatanungin kung bakit maganda ang gising ko? Kahit naman hindi niyo tanungin sasabihin ko parin naman dahil nasa good mood ako hehe.

Paggising ko kasi ay katabi ko lang naman ang lalaking pinakamamahal ko. Akala ko nga nanaginip lang ako eh. Yun ata yung pinaka magandang tulog ko sa tanang buhay ko.

"Wow mukhang may good mood ngayon ah. Ang ganda ng ngiti natin" puna ni Vivian ng makalapit na ako sa mesa namin dito sa cafeteria. I rolled my eyes at her pero hindi parin nawawala ang ngiti.

"Care to explain? At kung ano ang magandang food ang nakain mo this morning?" Nakataas ang kilay na sabi naman ni Suzy.

"Wala noh. Bawal bang ngumiti?" Nakangusong sabi ko sa kanila.

"Para ka kasing timang diyan kakangiti. Ang creepy eh" sabi naman ni Vivian na tinawanan ni Suzy.

"Oo nga, kung sino kamang bad ghost na nasa body ni Kaitey, can you chupi-chupi? At ibalik na ang Kaitey masunget namin?"-Suzy.

"Magtigil nga kayo. Mga killjoy palibhasa mga walang love life" napamaang naman sila at ang sama na ng tingin sakin. Napangisi naman ako. Aha! Sapul!

"Sinong walang love life?! For your information meron na akong Shaun noh!" Sabi ni Suzy. Tinawanan naman namin siya ni Vivian.

"Shaun who? Ni hindi ka naman krina-crush back non. Move on ka na nga sa dugong na yun" nakaismid na sabi ni Vivian.

"What did you just say?! Sinong dugong?! Shaun is so handsome and hot to be a dugong noh!"

"Dugong yun kasi mahilig sa mga hipon at pusit" sabi naman ni Vivian. Napakunot noo naman kami ni Suzy kasi hindi namin naintindihan yung sinabi niya.

"Ewan ko sayo, nerd!...teka nga! Bakit ba napupunta kay Shaun my loves yung topic? We're talking about this picky brat here na kung makangiti ay parang wala ng tomorrow"
Napaikot na naman ang eyeballs ko nung matuon na naman ang pansin nila sakin.

"Siguro okay na sila ng pinakamamahal niyang si Kev" nakangisi ng sabi ni Vivian. Hindi ko nalang sila pinansin at binilisan nalang ang pagkain para makaalis na sa pang iintriga nila sakin.

"Whoa! Is that true Kait?! C'mon mag kwento ka naman!" Yinugyog pa ni Suzy ang magkabila kong balikat.

"Basta! We're okay na. Tapos!" Napasimangot naman sila.

"Tsk, ang damot talaga nitong e-share ang love life niya. Pag kami ng Shaun my loves ko magkatuluyan. Hindi ko rin e-shi-share sa inyo ang journey namin"

"Luh? Ba't pati ako? Wala pa naman talaga aking e-shi-share sa inyo kasi on-going at wala pang kasiguraduhan yung love life ko" pigil ang ngiti na sabi ni Vivian. Hmph! Tung nerd na'to luma-love life na din pala.

"Whoa! Sino naman yung malas na lalaking yan?" Natatawang tanong ni Suzy.

"Tse! I change my mind. Hindi ko nalang pala sasabihin" napaungot naman kami ni Suzy sa sinabi niya at kinulit-kulit pa siya. Pero ang bruha ayaw talaga sabihin.



That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon