Mabuti naman at nadugtungan ko kaagad ang chapter 2...
Flashback...
( 2 months ago )
Uwian na... Sa labas ng school... May dalawang lalaki na humarang sa magkaibigan na Pamela at Mikaella...
'' Ikaw ba si Mikaella Peralta...??'' tanong ng unang lalaki
'' Ako nga po... Bakit??'' sagot ni Mikaella
'' May ibabalita ako tungkol sa mama mo...'' sabat ng pangalawang lalaki
'' Balita..?? Ano pong balita...???'' excited na tanong ni Mikaella
'' May ipinamana ang iyong mama sayo...'' sabi ng unang lalaki
'' Mana...?? Oh talaga??'' si Pamela ang nagtanong
'' 100,000,000 milyon...'' sabi ng pangalawang lalaki
'' 100,000,000 milyon?? Yung number na may 6 na zero..??'' nagulat si Pamela
'' Pagkatapos kaming iwan ni mama bibigyan niya ako ng mana...??'' nagulat din si Mikaella
'' Hindi na kami magpapaliguy-ligoy pa, PINAMANAHAN KA NIYA NG 100,000,000 NA UTANG...'' boung sabi ng unang lalaki
'' 100,000,000 MILYON NA UTANG...?? '' sabay na tanong nina Pamela at Mikaella
''Ano pong ibig niyong sabihin...??'' tanong ni Mikaella
'' Ang ibig sabihin lang nun ay kailangan mong bayaran ang 100,000,000 milyon...'' sabi ng pangalawang lalaki
Inilabas ng unang lalaki ang isang papel...
'' Ito ang kontratang pinirmahan ng mama mo... At sa baba nitong kontrata ay nakapirma ka as a co-signer *itinuro ang pinirmahan ni Mikaella* Ang ibig sabihin naman nun ay dahil pinagtaguan kami ng nanay mo, ay ikaw ang sisisngilin namin... *itinago ang papel na kinasusulatan ng kontrata* '' madiin na sabi ng unang lalaki
'' Wala naman po akong matandaan na may pinirmahan akong ganyang kontrata..'' sabi ni Mikaella
'' Baka 'di mo lang matandaan kasi baka 1st year ka palang yata nun...'' sabi naman ng pangalawang lalaki
'' Wala talaga ak- Wait lang *may naalala*''
Flashback again...
( First year si Mikaella)
2:00 pm... Masayang nanonood ng T.V si Mikaella ng bigla siyang tinawag ng ina...
'' Anak, pwede mo bang pirmahan ito...??'' tanong ni Mrs. Peralta
'' Para san po yan, Ma??''
'' Para 'to sa trabaho ko, kailangan ng pirma ng pamilya...'' sagot ni Mrs. Peralta
'' Himala! Kailan pa po kayo nagkaroon ng trabaho...??'' tanong ni Mikaella
'' Huwag ng maraming tanong Anak... Pirmahan mo nalang 'to''
'' Ok..po!!'' payag ni Mikaella
Tumayo si Mikaella at lumapit sa lamesa kung saan nakalapag ang papel na may kontrata...''
Bago pa makapirma si Mikaella ay may napansin siya...
'' Ma..??'' tanong ni Mikaella
'' Bakit...??'' napalunok si Mrs. Peralta
'' Bakit po wala yung pirma ni papa...??'' tanong ni Mikaella
'' Kasi wala pa ang papa mo, diba nasa biyahe pa siya....siguro mamayang pag-uwi nalang niya ''
'' Ok..''
Dahil sa english ang nakasulat at hindi naman maintindihan ni Mikaella ang nakasulat ay pinirmahan na lang niya ito...
Continuation....
'' Ano...?? Naalala mo na ba ang kalokohang ginawa ng mama mo...??'' tanong ng unang lalaki
'' Pero paano kapag wala po akong pera na pambayad....??'' tanong naman ni Mikaella
'' Eh..di ang papa mo ang sisingilin namin....'' sabat ulit ng pangalawa
'' Hwag po....may sakit ang papa ko...'' sabi ni Mikaella
'' Kaya nga ikaw ang una naming pinuntahan... Dahil alam namin malapit ng matigok ang papa mo samantalang ikaw eh...matagal-tagal mo ring bubunuin ang 100,000,000 milyon...''
'' Kailan ko dapat mabayaran...??'' tanong ni Mikaella
'' Mika...??''si Pamela
'' Kailangan mabayaran mo sa loob ng 6 na buwan....''
'' 6 na buwan...?? Agad-agad??'' singit ni Pamela
'' Sige....payag na ako..'' sagot ni Mikaella
'' Pero Mika....??'' nagulat si Pamela
'' Madali ka naman pala kausap eh.....''
'' Pero sana di mo kami takbuhan katulad ng ginawa ng mama mo...''
'' Kung sakaling wala kang pambayad, madali lang remedyuhan yan tutal maganda ka naman eh....'' isang nakakalokong ngiti ng pangalawang lalaki
'' *ibinigay ang calling card* aalis na kami, Kung sakaling may pambayad ka na... Tawagan mo kami dyan...''
Kinuha ni Mikaella ang ibinigay na calling card...
BINABASA MO ANG
Editing: Dont Read...
RomancePROPERTY OF:YAMADA_CHAN... Under construction.. BAWAL BASAHIN