Before kong simulan ang story na to, gusto ko lang mag thank you sa mga readers ng mga short story ko :)) Thank you sa mga votes and comments at sa mga nag fan :))
Gusto ko lang sabihin na magkakaroon po eto ng Part 2 kung nagustuhan po ninyo at kung nakareceive ng magandang feedback. Pero bago po ang lahat, sana mag vote at comment pa rin po kayo, I need suggestions po. Thank you uli :))
-Author
_________________________________________________________________________________________________________________________________
Madami ang may mala-fairytale love story, yung tipong makapangisay sa kilig. Pero ako, simple lang ang gusto ko; Ang magmahal at mahalin!
"Oi! oi! Baba na tayo! Nga nga ka pa jan!"
Nagulat pa ako dun. Istorbo talaga kahit kelan. Umayos naman na ako at nag-ayos. Bababa na nga pala kami ng bus, masyado atang malalim ang iniisip ko. PAG-IBIG! ^_______^
"Tulalels ka talaga palagi Rez, ano bang iniisip mo ha? At di mu na alam ang nangyayari sa palagid mo. Sa susunod talaga, iiwan na kita."
Di ko lang xa pinansin, diretso lang ng lakad, mapahaba pa ang usapan at sa huli baka mabisto pa ako.
By the way, i'm Kristel Rez Benz and si Cedy naman tong kasama ko. My bestfriend na makulit, brutal at madaldal. Yung sinasabi kong mabisto? Nagets niyo ba yun? Malamang hindi.
Here's what I'm talking about. I'm secretly inlove with a stranger.
Yeah, I know. Shunga shunga ako, pero lemme explain.
Well, everyday kasi kaming nagbabus nitong si Cedy pagpasok at pag-uwi. And often namin siyang nakakasabay. He caught my eye on the very first time I saw him. Eto na ata yung tinatawag na crush at first sight na nadevelop because 1 year na since then. Oo, isang taon na. Shunga ako at alam ko yun. Hindi alam ni Cedy to, kasi gaya ng sinabi ko makulit, brutal at MADALDAL siya. Di ko ata alam ang gagawin ko kapag sinabi niya sa guy na yun na gusto ko siya. And yes! Tama nanaman kayo, di ko alam pangalan niya, stranger nga diba?!
Di ko rin lubos na maisip na nagawa kong itago lahat ng sa loob ng isang taon noh?! Ako kasi yung taong tahimik, parang walang pakialam sa mundo. Kabaligtaran ko ang bestfriend ko.
Ang hirap ng sitwasyon ko noh? Nag aaral nga pala siya sa ibang school na medyo malapit lang sa school namin. Pano ko nalaman? Sa uniform po.
I'm 4th year high school and siya rin, "BUS GUY" as I call him.
Kelan niya kaya ako mapapansin? Sana di niya girlfriend yung kasabay niya nung isang araw.
I can't ask a question to anyone kasi eh, mahahalata nila. I've never been this interested to a guy before. Gaya nga ng sabi ko, tahimik lang ako, puro aral, dun lang umiikot ang mundo ko. NO GUYS. But, thats BEFORE until nga nung dumating si "BUS GUY".
Well, sa tingin ko, mananatili nalang tong ganito. I don't have the courage to talk to him or what, Gagraduate siguro ako ng di masaya. Well. thats life.
"Rez!"
"Rez huy!"
May nakita akong kamay na kumakaway sa harap ng muka ko
"AGAIN! Ano ba?! Palagi nalang ha? May sakit ka ba?"
"Hehe ^___^, pasensya Cedy, anu na nga ba yung sinasabi mo?"
"Sabi ko, lagpas na bahay niyo! <__<"
Ay kulugo ng nanay mo! Lagpas na me. Too much thinking.