Akala ko napakasuwerte ko nang ligawan ako ni John. Lahat kasi ng girls sa university naghahabol sa kanya. Yup, naghahabol sa kanya kahit pa sabihing chickboy siya. Yup, marami na siyang naging girlfriends. Sabi nila 'yun ha, hindi ko pa napapatunayan, Kasi bago lang ako sa university. Sophomore ako, si John naman, fourth year college.
He impressed me with his looks, intiligence and kindness. Kind nga ba? Yup, sa umpisa kind siya. Tama, Pero nung kami na, saka ko nakita ang tunay niyang kulay. Hayyyyyyy........
First heartache: Tinanong niya kung siya ba talaga ang first girlfriend ko. I said 'yes'. Pero anong sabi niya. "Kahit sino namang girl pwedeng magsinualing sa guy na siya ang first boyfriend. Lalo na kung bago lang silang magkakilala."
Iniyakan ko nang gabing iyon ang sinabi niya. Hindi siya naniniwala na siya nga ang una kong boyfriend, eh siya naman talaga. Ang sakit-sakit, talagang umiiyak ang puso ko.
Second heartache: Nanonood kami ng sine sa SM Mall Of Asia. He kissed me sa lips sa kalagitnaan ng English film. I was nervous at kahit tapos na niya akong halikan ay nakakapit pa rin ako. Nahihiya na kasi akong makita niya. Nahihiya na akong mag eye to eye kami. Alam nyo ba kung anong sinabi niya?
"Hoy, Aula, gising na, matatapos na ang palaba," ang lakas ng boses ni John.
Dumilat agad ako. Bumulong naman siya sa akin. "Gusto mo pa yata ng isa eh. Sanay na sanay ka ano?" at tumawa siya. Nasaktan ako. Pero parang wala lang sa kanya. Nag concentrate na siya sa plabas. Ako nman, umayaw na makipag holding k=hands sa kanya hanggang sa matapos ang film. Talagang nasaktan ako sa hindi niya dinugtunggan ang sinabi niya na joke o biro lang.