XYXE's POV
"Fylene? Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Dad.
"Nasa HUNTERS dad, kasama ko si Kit, nagbonding lang po hehe don't worry dad, 12 midnight nandyan na kami" sagot ko naman.
"Okay lang sa akin anak dahil alam ko namang makakaya mo ang sarili mo, pero paano si Kit? Baka pagalitan na naman yan sa kanila"
"Don't worry dad, ihahatid ko siya tapos ako ng bahala kila tita"
"Okay basta wag uuwi ng may galos ah! Ah! Anyways, ang celebration natin sa pagpasa sa bagong miyembro ay thursday next week, ikaw na ang mag sabi o magtext sa kanila kasi may iba pa akong tatapusin, okay?"
'Bakit ba kasi kailangan pa ng celebration eh! Arte talaga ni dad, mabuti nalang di ako nagaya sa kanya HAHA'
"Okay dad, at! Hinding hindi ko na yan kakalimutan hehe" sagot ko sa kanya.
"Okay anak, bye, take care love you" ahihihi ang sweet talaga ni dad.
"Aye! Love you more dad! Bye!" Sagot ko naman habang nakangiti at saka binaba ang tawag at itenext ang ibang miyembro saka sinuksok ang phone ko sa bulsa ko.
Bumalik ako sa cr ng di ko mahagilap si Kit. Kanina kasi habang naghuhugas siya ay nagvibrate ang phone ko at tumawag si dad kaya lumayolayo ako sa bandang cr kasi maingay.
Tinignan ko ang starting line pero wala na sila don, meaning, nagsimula na ang laban niya. Pumunta nalang ako sa pinwestohan niya kanina ng pinanood niya ako, at sumandal sa pader.
'Uy! HAHAHA akalain mo nga naman! Ang gwapo kong nakita kanina ay sumalang pala'
Magaling din ito, nasa ikalawang pwesto siya habang si Kit naman ay nasa pangatlo. Pilit humahabol si Kit ke'melabs pero mabilis talaga at mautak ang me'labs ko kaya di niya naabutan pero nung kumambya si Kit ng pangalawang beses ay napantayan na niya ito. Sa pagkakataong yun ay nagtataka ako, kayang kaya na ni Kit na lampasan si me'labs sa tagpong yun pero pinantayan lang niya ito. Tinignan ko ang mukha niya kahit sobrang bilis nila ay inaninag ko talaga ang mukha ni Kit at.....BAKLANG KABAYO! Nakangiti si Kit habang si me'labs ay seryoso naman pero halata ang inis sa mukha.
'Magkakilala ba 'tong dalawang to? Ba't di sinabi sa akin ni Kit na may gwapo pala siyang kakilala?'
Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanila kahit sobrang bilis. Nilingon ni Kit si me'labs habang seryoso at naiinis parin si me'labs hanggang sa lumingon ng saglit si me'labs kay Kit ng bahagya, hindi ko na masyadong maaninag ang reaksiyon niya kasi ang bibilis na nila dahil malapit na sila sa finish line. Bumaling ako kay Kit at bahagyang bumagal ang takbo niya habang nakatingin sa pwesto ni me'labs at saka bumaling ulit sa race track at pinaangat ang motor pero nalintikan na dahil di pa man siya masyadong nakalapag ay kumambya na siya! Kaya napadiretso ako ng tayo.
*BLAAAG* *BAAALAAAG* *CRASSSH*
'tumilapon si Kit! Ohemgey! Ano ba kasi ang ginagawa niya!'
Di na ako mapakali sa aking kinatatayuan habang tinitignan si Kit. Di kasi pwedeng pumunta sa racetrack habang may naglalaro pa, pwede ka lang pumunta kapag tapos na ang laban.
'Bwiset! Patay ako kay tita nito!'
Binalingan ko ng tingin si me'labs kung huminto ba ito pero ang lintik na lalaking me'labs ko na SANA ay lumingon lang sa direksiyon ni Kit at saka ngumiti ng NAPAKALAWAK at may halong pang aasar.
'Piste kang Lalaki ka! Me'labs sana kita pero pinag iba mo ang isip ko! Antayin mo akong makaalis dito't makatikim ka!'
Natapos ang laban at di ko na inaalam kung sino ang nanalo at dali dali akong tumakbo papunta kay Kit pero maraming tao kaya hirapan ako sa pagalis! Ng maakalis na ako sa mga taong nakaharang ay tinignan ko si Kit na ngayon ay.....ANG BILIS MO ATANG NAKAPUNTA DIYANG PANDAK KA?!