SECRET...
Hinahanap ko ang tirador ng tinawag ni nanay ang pangalan namin..
"Leilibeth, natalia!!!" Nanay...
"Dalian mo inday magbihis tawag tayo" anya ko kay beth..
"Eh.. ikaw anong ganap mo diyan?" Si inday na nagbibihis ng pang itaas..
Napabusangot na ang muka ko..
"Kita muba yung tirador ko? Beth?" Tanong ko..
Umiling naman ang isa...
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago napag desisyunan titigil na sa paghahanap at gagawa nalamang ng bago...
Sabay kaming bumaba ni beth sa hagdanan..
"Nay?" Beth.
"Halinga kayo dito.. may pag uusapan tayo.." nanay
"Enrollment nyo na sa sunod na linggo aa? Anong balak nyo sa buhay nyo?" Nakataas pa ang kilay ni nanay..
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay nanay...
"Hala ka nay!? Enrollment na? Teka ambilis naman ng bakasyon?" Naiiyak kong tanong..
Hindi ko pa nga nagagawa ang mga list ko para sa bakasyon..
"Siguro inay sa lunes na ako mag e-enroll" beth..
Tumango ang nanay, sabay tingin sakin..
"Ikaw nanak sumabay kana din sa pinsan mo"
Agad akong napabusangot..
"Nay hinto kaya ako ngayong taon? Tutal magiging absenera lang rin nam-ARAYYYYY!!" napahawak ako sa kamay ni nanay na masakit na pinipingot ang teynga ko.
"Buti at pinaalala mong bata ka!! Napaka suwail mo! Nalaman kupa sa nanay ni Rina na minsan daw ay nakita kang tumatawid sa bako para makapag cutting!" Nanay..
May butil ng luha na ang tumulo sa mga mata ko sa sobrang sakit..
"Naayyyyyy! Masakit pooooo!!!" Sigaw ko..
Nakita ko ang takot sa mga mata ni beth..
"Alam mong ako lang magisang tumataguyod sa inyo tas ganyan pa ang ginagawa mo! Bat dika tumulad kay inday!? Magagandang grado at lagi pang sinasali sa labanan ng patalinuhan!" Hinanakit ni nanay.
Tumigil ito sa pagpingot at nanghihinang umupo sa tabi ni beth...
Habang si beth ay agad na inabutan ng tubig si nanay...
Nasa grade 10 nakami ngayong darating na pasukan, at nakakatuwang isipin na nakapasa ako.
Ngunit para saakin ang pag aaral ay abala lamang yan...
Kaya ko naman kumita ng pera kahit hindi ako mag aral..
Tignan munga nitong nakaraan lang ay tumutulong ako sa magasawang facturan sa pag aani ng mga prutas na idedeliver pa manila ay kahit paano ay kumita ako ng kunting halaga..
Napakamot ako ng ulo..
"Nay kaya ko naman kumita ng pera kahit hindi ako makatapos ee, at isa pa dipaba sapat ang nakakabasa at nakakasulat ako?" Tanong ko dito..
Napahilot sa sariling sentido si nanay na ipinag kibit balikat ko lamang..
Tahimik akong gumagawa ng tirador sa may gilidan ng bahay sa labas ng bakuran..
"Hindi kaba sasabay mag enroll sakin sa monday?" Beth
Inilapag nito ang piniritong saging sa harap ko..
Saglit akong sumulyap dito bago pinagpatuloy muli ang ginagawa..
"Sa huling enrollment na siguro" sagot ko dito..
"Hindi ko alam kung anong balak mo sa buhay naty pero, sana bawasan mo muna ang pagiging pasaway kay nanay.. tama ito nag iisa lang siyang kumakayod para sating dalawa.. kahit sa ganitong paraan lang ay masuklian natin si nanay" madamdaming mungkahi ng aking pinsan..
Pumalatak lamang ako at bumusangot..
"Ano kaba, kung magtatrabaho na ako agad mas mapapagaan kabuhayan natin.. mapag aaral kapa namin ng koloheyo" anya kopa..
Tumitig ito sakin bigla na siya ding ginawa ko..
Nginisihan kupanga para makumbinsi, ngunit tanging pag iling lamang ang ginawa nito..
"Balang araw maiitindihan mo din ang mga sinasabi namin ni nanay sayo"
Babala nito bago ako iwan doon.
Nawalan ako ng ganang tapusin ang tirador na balak ko sanang gawin..
Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at tumakbo palabas ng bakuran para pumunta sa baraks..
Sisingilin ko na lang siguro si inang doon sa huling ani naman nila ng mga ubas..
Nasa limang daan din iyon..
Pasipol sipol akong naglalakad papuntang baraks ng mapansin ang mga nagkukumpunang mga babae sa isang parke...
"Kay gwapo ng magkapatid na Narcosmo anuhh?" Komento ng babaeng nasa harapan ko
"Nakuuuu.. answerte natin kung magiging nobyo natin ang mga iyan.. balita ko ay kaedaran lamang natin ngunit isang taon naman ang tanda ni white kay Blue" anya din ng isang babae..
"Oo nga ee.. at tignan mo ang pigura ng muka.. parang isang babae sa sobrang hinhin hihihi" napa ismid ang muka ko sa huling ginawa nito..
Para kasing tunog kabayo ee..
"Kkyyaahhh naka 3points si Blue ang gwapoo" tili ng kung saan..
At nag sipag tilian nadin..
At dahil may lahi akong chismosa ay mabilis kong hinanap ang mga taong tinutukoy ng mga ito..
Nakakita ako ng maliit na puno ng mangga at pinagdiskitahang akyatin iyon..
At doon natanaw ko ang grupo nila angelo na nakikipag laban sa kaibang kalig ng bayan...
Naka 2points si angelo at may isang player ang nakipag apiran sakanya..
Doon ay parang natigil ang oras ng makita ang kagwapuhang kausap ni Angelo..
Ngayon ko lamang ito nakita doon bag ba sila dito?
Baka sila ang tinutukoy nung mga babae kanina?
Ay ewan Ma. Natalia Aumbre Saltan!?
May makukuha kang sagot..
Umiling nalamang ako at napag desisyunang bababa na sana ng..
Magtagpo ang mga mata namin nung batang kaedaran ko doon sa simbahan....
Nanlalaki ang mga ito at halos di ata makapaniwala..
Agad kong nilagay ang hintuturo ko sa gitnang labi at tiyaka ngumisi..
Secret lang..
Kamuntikan kunang mabitawan ang sangang kinakapitan ko ng mala anghel itong ngumiti pasagot...
Mabilis akong umiling at dagli ding bumaba...
Kay gwapo ng mga iyon aa...
BINABASA MO ANG
√The Person I love (La Isla Salvation#1)
Romance'The way you smiled, the more I want to prison you'