Muli akong naglibot sa town ng Bloody desert upang makahanap ng quest sa mga npc dito pero nakakapagtaka, tuwing kakausapin ko sila ay di ako makakuha ng quest.
Alam kong may special circumstances para ma-trigger ang quest pero di ko inaasahan na ganito kahirap.
Sinubukan ko pang magmakaawa o mangulit upang mabigyan lamang ng quest pero ang ending lamang ay bumababa ang affinity ko sa mga ito at hindi maganda iyon.
Madalas ini-ignore lang ako ng npc dahil busy okaya naman ay may mga kausap na customer o ibang player.Ang malas ko naman, bat di ako makakuha quest?
Bat ang ibang player eh mistulang parang kusa na lamang ibinibigay sakanila ang quest?
Nakaka-stress, nadidismaya ako na ewan kahit alam kong laro lamang ito.
Ayoko naman ma-stock sa level 1, kaya ang ginawa ko, lumabas ako ng town at nasa field ako ng monsters.
Mas mabuti na to kesa masayang oras ko sa pagpipilit makakuha ng quest at bumaba ng husto ng reputasyon ko sa town na to.
Di naman kalayuan ang kinaruruonan ko mula town dahil puro dry sand lamang ang buong paligid at tanaw ko pa ang entrance ng town ng Bloody desert.
Sinubukan kong ilibot ang paningin at maghanap ng mobs at di naman ako nabigo dahil bigla na lamang ako may nakitang biglang umuumbok sa buhangin at gumagalaw, paglabas nito mula ilalim ng buhangin ay isang malaking beetle.
Ang laki ng monster na ito na parang isang gulong ng kotse.
May pumapagaspas na pakpak na lumilikha ng alikabok.
May sungay ito sa harap na medyo letter Y.
Ang laki naman ng beetle na to.Nilibot ko ang paningin at nakita na may mga ilan pang lumilitaw galing sa ilalim ng buhangin na kalahi ng beetle na to.
Ibinalik ko ang tuon sa beetle na una kong nadiskubre, hindi ito agresibo dahil hindi parin ako neto inaatake kahit pa ilang metro na ang lapit ko dito.
Nasa 5 meter na ang lapit ko sa naturang mob ngunit di parin ito umaatake, mukang di nga aggressive to at di ako aatakihin hanggat di ko sinasaktan.
Beetle Lvl. 2
TIIING!
Insight stat has risen by 1.
Ayos ah, napapataas sya through observations, that's a good development for me. Hehe
Agad akong naging agresibo papalapit sa beetle dahilan upang matuon ang pansin neto sakin at tila minamanmanan ang kilos ko.
Ilang hakbang lamang ay nakalapit na ko, di na ko nag-atubili at hinugot ang blade sa hilt na nasa tagilirin ko at iwinasiwas ito ng marahas upang lumikha ng basic swordamanship na side slash, ngunit nagulat ako sa naging reaction ng beetle mob, mabilis itong lumipad patagilid sa taas na 2 meter.
The heck? Di ko naisip na iilag to, akala ko'y hahayaan muna ako neto makapag-hit kahit isa bago ako neto kilalanin as a threat.
Kakaibang laro ito, wag mong sabihin lahat ng monster sa LLO na hindi agresibo ay may defense mechanism at threat awareness?
Too complicated man! Pero satisfying thing. Haha
Ang saya neto! Exhilarating!
Masyado akong caught up sa moment at na-daze sa amazement sa larong ito.
Matapos nito lumipad ay agad itong pumagaspas ng mabilis palalapit sakin at may badyang pagsuwag gamit ang naturang sungay neto.
Isinangga ko ang blade sa aking harapan, one hand at both end.
BINABASA MO ANG
Lifeline Online: New World Order
Science FictionIsang makabagong mundo sa loob ng isang laro. Birtwal na mundo na syang magbabago sa reyalidad mo. New era, New life start, New journey. . . New world And... a NEW WORLD ORDER.