Second day pa rin namin sa Baguio. Grabe lang ah. Panimula nng sinabi ko kay DJ na takot ako dun sa baklang Vice Ganda na yun, lagi na lang niya ako inaasar.
"Haay nako Kath. Let's change the topic. Baka umiyak ka pa dahil ni Vice Ganda eh. Tara dun sa may bench."
Andito kase kami ngayon sa Mines View Park sa may place kung saan kitang-kita na ang view. Grabe talaga ang ganda. Bawat hampas ng hangin sa aking mukha, damang-dama ko talaga.
"Nabobored ka ba?" Tanong ni DJ.
"Mabored? Sa isang lugar tulad nito? Imposible naman ata." Sagot ko.
Umupo muna kami ni DJ dun sa may table kase may couple na nakaupo dun sa bench eh.
Pinikit ko muna ang mga mata ko for one minute. Grabe. Feel na feel ko ang good vibes.
Biglang kong naramdaman na umalis yung katabi ko.
"DJ?" Minulat ko ang mata ko. Pumunta siya dun sa part na may magkakabarkadang naggigitara.
"Kuya, pwedeng mahiram?" Sabi ni DJ. Gulat kayo no? Yan pang si DJ eh ang kapal ng mukha niyan.
Pumayag naman yung mga lalaki. Don't tell me pati boys nadadala na sa charm ni DJ.
Tumabi ulit saken si DJ at nagsimula na siyang mag-strum nng gitara.
Pamilyar yung kanta. Lagi ko tong naririnig kanila Julia eh.
Yun tama! Buko! Yung kinanta ni Jireh Lim!
~
Naalala ko pa nung una pa tayong nagkita
Lagi nang magkagalit, at kadalasan ay nagsusungit
At ika'y sasabihan
Pwede ba tayong maging magkaibigan.
Buo ang araw ko, marinig ko lang ang mga himig mo.
Self-composed pero tinono niya yung mga yun sa kantang Buko ni Jireh Lim.
Kung inaakala mo, na ang pag-ibig magbabagoItaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko
Talk about eye contact. Grabe siya makatitig ah. Matutunaw ako. Swear!
Kahit na, di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko
~
Spell unexpected. :"> Ang ganda lang talaga ng boses niya. Kakatunaw.
BINABASA MO ANG
It All Started in a Tweet (ON-HOLD)
Подростковая литератураON-HOLD. Sorry my dearest readers. :/