Chapter 5

273 16 4
                                    

Kate's POV

"Good morning everyone. I would like to introduce our new CEO, Mr. Kiel Vergara."
Panimula ng Department Head namin.

Wala akong nagawa kundi ang mapaatras na lang. Sa dami ng tao bakit siya pa? Bakit?

"May problema ba Miss Kate?" tanong ng Dept. Head namin. Mukhang nahalata niya yata ang pagiging balisa ko.

"No Sir. I- I'm just surprise. Hehe. Kasi ang bata pa ng bagong CEO natin."

"Paano mo nalaman ang edad niya Miss Kate? I don't remember giving you the information regarding Mr. Vergara's age."

Hindi ako nakasagot. Bigla kasi akong kinabahan dahil lahat ng atensyon nila ay nasaakin. Mukhang ipapahiya pa yata ako ng boss ko sa bagong Big boss namin. Ang malas malas mo talaga Kate!

"It's because she knows me. We both came from the same school back in highschool." paliwanag ni Kiel.
"It's nice to see you again Kate." dagdag niya habang malawak ang pagkakangiti. At dahilan para marinig ko ang pigil na pigil na kilig ng mga kasama ko.

"It's nice to see you too Sir."  masayang bati ko.

Nagkaroon lang ng maiksing introduction speech si Kiel saamin saka sila umalis para magtungo na sa bagong office niya. Na nasa tapat lang ng department namin.
At paglabas nila sa opisina ay nagsimula nang umingay ang paligid.

"Grabe di ko kinaya ang killer smile ni Sir Kiel. Ang pogi pogi niya!" - Charlie

"Oo nga e. Tsaka mukhang mabait nga siya. At friendly din. Palangiti kasi kaya hindi nakakailang na lapitan." -Pamela

"Pero infairness ang swerte ni Kate. Akalain mo batchmate pala sila. Magkwento ka naman Kate tungkol kay Sir Kiel." -Annie

Lahat naman sila ay napatingin saakin. Ayoko talaga pag ganito sila magbigay ng atensyon saakin. Hindi kasi ako sanay na maging center of attention.

"Wala naman akong dapat ikwento. Hindi naman kami close ni Kiel este Sir Kiel."

"Sus! Parang hindi ako naniniwala. Kitang kita ko girl ang tinginan niyo kanina. Naku naku hindi mo ako maloloko."

Ang lakas naman talaga ng pang amoy ng baklang si Charlie.

"Wala nga Charlie. Kilala ko siya at kilala niya ko yon lang. Sino bang hindi makakakilala sakanya e varsity siya sa school. Kaya natural na kilala ko rin siya."

"Paano ka niya nakilala? Kung siya nakilala mo dahil varsity siya ikaw paano ka nagpakilala sakanya?" tanong ni Annie.

"Syempre classmate ko siya. Kaya alam niya ang pangalan ko. Naku wag na nga kayong magtanong. Magtrabaho na nga tayo." pag iiba ko sa usapan. Hahaba lang kasi ang usapan namin pag nagkwento pa ako.

Natigil lang sila sa pamimilit ng biglang pumasok ang secretary ng CEO.

"Miss Kate pinapatawag ka ni Sir Kiel. Pumunta ka daw sa office niya. Pakidala na rin ang bago niyong proposal para sa next project niyo."

"Sige susunod na ko. Ihahanda ko lang yung mga files ko."

Isa isa kong tinignan ang mga dadalhin ko sa presentation. At ng handa na ang lahat ay nagtungo na ako sa office ni Kiel.
Kumatok muna ako bago pumasok.

"Have a seat."

"Yes Sir."

Inutusan niya muna ang secretary niya na magdala ng maiinom bago siya lumapit saakin. Magkatapat na kami ngayon habang nasa pagitan namin ang isang maliit na mesa. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa harap niya. Ni sa panaginip ay hindi ko inakala na magiging boss ko si Kiel.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon