Apat na araw na ang nakalipas at binabantayan ko lang si aira palagi sa kwarto para magpahinga,sinabihan na siya ng adviser namin kung gusto niya ng umuwi pero hindi siya pumayag.
"Beshie dapat kasi pumayag ka na,naghihirap ka na sa sakit ng puson mo oh",sabi ko sakaniya
"Eh beshie 2days nalang din naman wala na to edi may natitira pa akong araw para mag-saya", excited niyang sinabi
"Hay nako siguraduhin mo lang ah", binato ko siya ng unan
"Lumabas ka na muna beshie,hindi mo naman ako kailangang bantayan dito, mag-enjoy ka sa labas", utos sa'kin ni aira
"Oh basta ah magpahinga ka na muna diyan", bilin ko sakaniya at lumabas na ng kwarto.
Nagsuot lang ako ng sports bra at short dahil balak ko mag-jogging,nilagay ko na din ang earphone ko sa aking tenga at nagsimula ng tumakbo
Paikot-ikot lang ako sa resort at niyayaya ako ng mga kaklase kong mag volleyball pero tinatamad ako kaya tumanggi ako
Huminto muna ako at napansin kong ang layo na pala ng natakbo ko,mas maganda pala dito dahil nakaharang ang mga bato at walang ibang napunta dito dahil medyo creepy
Pero dahil gusto ko sa katahimikan nag stay muna ako at kumuha ng stick para sulatan ang buhangin.
"P O R T I A",sabi ko habang isa isang sinulat ang letter ng name ko
"D R A K E",nabitawan ko ang stick na hawak ko at agad na lumingon sakaniya
Nakita ko siyang nag-susulat din sa buhangin
Akala ko pa naman makakapag stay ako dito mag-isa.Sinuot ko na ulit ang earphone ko at tatakbo na sana uli pero niyakap ako ni drake
Pinilit kong kumawala pero masiyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.
Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko,wala na akong ibang nararamdaman kundi awa nalang.
Nawala na ang pagmamahal ko sakaniya at gusto kong kumawala sa pagkakayakap niya dahil naalala ko kung paano ikwento sakin ni cassandra kung paano siya nasasaktan
"Drake bitawan mo ako", utos ko sakaniya habang nagpupumilit na kumawala
"Please portia,saglit lang", mahina niyang sinabi at halata sa boses niya na naiiyak siya
"Drake maawa ka kay cassandra",mahinahon kong sinabi sakaniya
"Portia ikaw ang mahal ko,hindi ko na alam ang gagawin ko", umiiyak na siya habang mahigpit na yumakap sa'kin
"D-drake wala na akong nararamdaman sayo kaya pakiusap bitiwan mo na ako",pinipilit ko pa ding kumawala
"Hindi yan totoo,alam ko namang sinasabi mo lang yan dahil nasaktan kita portia",para na siyang baliw habang sinasabi ito
"D-drake tama na,nasasaktan na ako", sobrang higpit na ng pagkakayakap niya kaya hindi na ako komportable
Bigla nalang may humawak sa braso niya kaya lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at lumingon siya sa kung sino man ang humawak sa braso niya
Nagulat ako dahil seryosong seryoso ang mukha ni estevan habang nakahawak sa braso ni drake.Kumawala na ako sa pagkakayakap niya at napaatras si drake
"Ayos ka lang?", tanong sa'kin ni estevan
Tumango ako sakaniya pero napansin niya ang pamumula ng braso ko dahil sa higpit ng pagkakayakap ni drake
"Dahil ba sakaniya?", biglang nagsalita si drake kaya napalingon kaming pareho ni estevan sakaniya
"Drake please tama na.Tanggap ko na sa puso kong hindi talaga tayo tinadhana para sa isa't isa.Isipin mo nalang ang mararamdaman ni cassandra",sabi ko sakaniya
Magsasalita pa sana siya pero natulala siya bigla,tinignan ko kung saan siya nakatingin at nanlaki ang mga mata ko dahil nakatayo si cassandra sa gilid habang naiyak.
Tumakbo siya papalayo at hinabol siya ni drake,tumingin ako kay estevan at ganun din siya
"Ayos ka lang ba talaga?", nag-aalala niyang tanong
"Oo", mahina kong sinabi
"Sa susunod na lalabas ka mag-isa palagi mo akong isama para hindi na ito maulit", utos niya sa'kin
"Portiaaaaaaaaa!!",tumatakbo habang sinisigaw ni shina ang pangalan ko
"Are you okay friend?", tanong niya sa'kin
"Manahimik ka nga shin babatukan kita eh", sabi ni estevan kay shina
"Ayos lang ako shina,salamat estevan ah",nginitian ko siya
Bigla siyang namula at napakamot sa kaniyang ulo.Natawa ako sa reaksiyon niya.Napaka pogi niya talaga.
"Feeling superhero duh", asar sakaniya ni shina
Binatukan niya ito at kinagat siya ni shina sa braso at agad na tumakbo.Sumigaw sa sakit si drake at hinabol si shina para kutusan.
Tumawa lang ako habang pinapanuod silang nagkukulitan pero hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyare kanina
Nakita kaya ni cassandra ang pagyakap sa'kin ni drake?

BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...