Chapter 00

11 1 0
                                    

"Siraulo ka ba!?" Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko. Sumabay pa ang malamig na hangin na lalong dumagdag sa panginginig ko sa galit.

"Lysse, alam kong marami akong kalokohan sa'yo pero putangina, hindi ako magbibiro tungkol sa ganitong bagay." Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa mga sinasabi ng babaeng ito. Gusto kong humila ng upuan at ihampas iyon diretso sa ulo niya. Baka sakaling maliwanagan siya na hindi iyon magandang biro.

"Manahimik ka binabanas ako sa'yo." Gusto kong kumuha ng kahit na anong puwede kong ihampas sa kanya dahil ang kamatayan ng isang tao ay hindi magandang biro. Hindi, kailanman.

"Lysse, kapag nakinig ka ay hindi na ulit ako magbibiro nang malala sayo. Kailangan mong umuwi, kailangan mo siyang makita, at sigurado akong kailangan ka niya." Napatitig ako sa mata niya, namumula iyon. Napakagaling talagang umarte, halatang vlogger na tinalo pa si --- basta 'yong greatest prankster kuno.

Pero hindi. Noong umulan ng katangahan ay hindi naliligo sa labas si Zy. Naroon siya sa loob ng bahay pero nakahanda ang timba sa labas. Grabeng katanga, inipon pa talaga ang tubig kasya magpabasa sa ulan. Kasing laki na nga lang ng kalamansi ang utak nitong kaibigan ko, bulok pa ata ang kalahati.

Hindi mo ako mauuto ngayon. Hindi ako babalik sa lugar na dumurog sa akin para lamang sa walang kwentang vlog.

"Putangina mo, Zyrhene!" Sabay itinaas ko ang daliring nasa pagitan ng aking hintuturo at palasingsingan.

"Putangina ka rin naman ano. Hindi ako super insensitive para magbiro tungkol sa mga namatay chuchu. Duwag ako."

"Putangina ka" ulit ko.

"Napakakitid ng utak mo, Lysse. Kung ayaw mong maniwala, pakiusap, buksan mo ang Facebook Account mo, at ikaw na ang umalam ng totoo. Handa ang balikat ko mamaya, kahit gago ka." Binagsak nito ang pinto at rinig ko pa rin ang pagdadabog niya habang pababa siya ng hagdan.

Naghahanap ako ng hidden camera. Ngayon ko lamang ipinanalangin na sana ay may makita ako. Saanman ako lumingon ay wala. Ayaw kong sumuko.

Meron sanang camera, putangina. Meron sana, parang awa ninyo na sawang-sawa na akong mamatayan. Ayaw ko na sa puti, ayoko na sa kabaong. Pakiusap, kahit ngayon man lang sana niloloko ako ni Zy.

Tumingin ako sa itaas, kung wala ang camera ni Zy para sa vlog, baka may CCTV camera.

Pero wala.

Nanlambot ang tuhod ko. Nanginginig na kinuha ko ang aking cellphone. Matagal na akong nagdeactivate ng lahat ng social media accounts. Halos tatlo o limang taon ata. Hindi ko na maalala. Nanginginig pa rin ang kamay ko nang makita ko na nag-install na ang Facebook.

Pinilit kong inalala ang password ko. Iniisip ko pa rin kung mabubuksan ko ito kahit sobrang tagal ko nang nagdeactivate. Hindi ako makahinga nang nakita ko na naglo-loading. Ang sikip ng dibdib ko. Bakit ako umalis? Bakit pinili kong lumayo muna at manahimik?

Halos mapaluhod ako, tumulo ang luhang apat na taon nang nagpupumiglas. Lahat ng nakikita ko ay itim. Ang salitang paulit-ulit tumutusok sa puso ko noon.

CONDOLENCE
REST IN PARADISE
FLY HIGH, CAPTAIN LEGASPI

Engulfed by the Surge (CUE Series No. 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon