Chapter 41

999 33 2
                                    

Maayos ang naging araw ko sa sumunod na araw. Normal lang at walang nangyari. Alam ko, dahil pinipilit kong gawing normal ang lahat. Ayokong magpadala sa nararamdaman ko dahil wala akong mapapala.

Linggo ay nagpasya ang mga magulang kong lumabas kami. Lumabas kaming apat at namasyal sa ibat ibang pasyalan sa seoul at kumain sa isang sikat na restaurant na dinadayo pa ng mga taga ibang bansa. Habang nakikipagtawanan ay natatanaw ko ang nagmamasid na mata ni kuya kyle kaya ngingitian ko nalang ito.

Dumating ang lunes. Naglalakad na ako ngayon papuntang hallway. Madami ang istudyanteng nakakalat at nagkwekwentuhan sa tabi tabi. I wonder.. sa bawat ngiti at tawa kaya nila, alin kaya don ang totoo? Masaya ba sila o pinipilit maging masaya? Hays bakit nga ba ako nakikielam.

Napatingin naman ako sa babaeng nasa sulok at magisa. Nakatulala ito sa kawalan habang pinagmamasdan ang grupo ng mga kababaihan na nagkwekwentuhan.

Lahat talaga tayo may kanya kanyang problema. Kung sumuko ka agad.. maliit man o malaki ang problema ay magbibigay ito ng impact sa buhay mo na kailan man ay hindi makakalimutan.

Mabilis akong napaubo sa sahig at nahulog kasabay ng bag at mga libro. Ininda ko ang sakit sa puwitan ko habang paulit ulit na naririnig ang paghingi ng tawad ng nakabangga sakin.

"A-ang sakit.." pikit matang sabi ko.

"I-I'm really sorry miss! Does it really h-hurts? I'll take you to the clinic---"

"No. N-no need. Arghh.." pinilit kong tumayo at inalalayan naman ako ng nakabunggo sakin.

Mabilis ko itong tinignan at nakita ang familiar nyang mata. Nanliit mata ko at pinakatignan sya mula ulo hanggang paa. Kalat ang mga libro at bag nya sa sahig pero mas inuna ako netong itinayo. Napatingin ako sa id nya na nakaipit sa kanyang polo.

Marvin Kim • Civil Engineering

Sya yung lalaking nakikita ko laging nakatingin at umiiling saakin. Talaga bang nagkabangga kami o sadya ang nangyari?

"I'm really sorry miss.. kylie. I was busy looking for my glasses and I didn't see you coming that's why we bumped to each other." Nagaalala itong nakatingin saakin at hinihintay akong magsalita pero natameme ako.

"Its okay. But do you k-know me?" Gulat na tanong ko.

"Ahm.. your I.D miss kylie." Nahihiyang sagot neto at tinuro ang id na nakasabit sa leeg ko. Napatingin ako sa id ko at napamaang sa katangahan.

"Ohh right! Don't worry I'm fine. It was just a little ache and it will be gone any minutes. Can I ask you?" Tanong ko.

"Yeah.. what is it?" pinulot neto ang kanyang gamit sa sahig at ng matapos ay tumingin ito saakin ulit.

Mas gusto ko pa yata yung may pinagkakaabalaan sya kesa sa nakatingin sakin ng walang paaalinlangan. Hindi nya ba nakikitang natetense ako sa tingin nya?

"Are you the guy I always caught looking at.. ahm me? Your eyes.. it seems familiar."

Umiwas ito ng tingin at mabilis na tumango.

"But why?" Tanong ko.

Tumingin ito saakin ng ilang saglit bago bumugtong hininga.

"I don't think.. this is the right time to talk about this. We're late in our classes." Anito at tipid na ngumiti.

Nanlaki naman mata ko at napatingin sa aking relo. 8 minutes na nga lang ay maguumpisa na ang klase!

"You're right! Can we talk later? Breaktime? Or free time? I'm really curious.. its like I already saw you before but I can't really remember."

BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon