𝙶𝚒𝚛𝚕𝚏𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍
Wala kaming imik ni Crunos, lalo na nang tatlo, alam yata nila na may natira pa akong pagtatampo sa kanila. Ngayon yung araw na sinabi ni sir na ipakita ang talento namin. Ano nga ba ang talento ko? Mahirap pumili sa tatlo, pero heto ako at pagkanta nalang ang napili ko. Andito na kami sa loob ng room at tinitingnan ang mga tinatawag ni sir, nag-uumpisa na kase kami.
Nakakamangha ang talento nila lalo na sa pagdrawing o di naman eh painting. May may mga magagaling sumayaw, may mga kumakanta din na birit at malambing na boses o di kaya ay boritono o husky. Si Green ay Sumayaw na ikinanganga ko, ang galing niya! Grabe! Medyo napanganga din ang ibang babae dahil kinuha ni Green ang salamin niya dahil sa pagsasayaw, sabi ko na ngaba eh, pogi talaga siya di nako nagulat.
Sumunod naman sina Moon Sayaw din ang ginawa nila, may tumitili at may napapapaypay sa sarili. Sus kalandian nila.
Ang swabe nila tingnan, ang galing at ang linis. Bakit ba ganon? Gwapo na nga ang apat na yan tapos may talento pa, unfair naman. Natapos sila na may kunwaring nahimatay sa kilig na isang haliparot, natawa ako dahil sinampal siya ng kasama niya para magising at nagising nga ang babae at tiningnan ulit ang apat at nahimatay ulit, Jusko napaka OA.
"Miss. Orean, it's your turn"
Napatango ako kay Sir, nahagip ng mata ko ang gitara na hawak ng isa sa mga kaklase ko. Nilapitan ko eto at ngumiti ng pagkatamis tamis.
"Pwede makahiram?" tanong ko at itinuro ang gitarang hawak niya.
"O-oo Orean" sagot niya at ibinigay iyon saakin.
Pinapwesto ako ni sir sa harap at nagulat ako nang may lumahad saakin ng upuan kaya nginitian ko ang lalaking yon na kinantyawan naman ng barkada niya.
"Nice Sean!"
"Kinilig yan kay Orean!"
"Sino di kikiligin kung nginitian ni Crush?"
"Ayown oh!"
Natahimik lang sila ng sinita sila ni sir. Nag umpisa na akong mag strum at kumanta, walang bumabasag at walang maingay dahil nakikinig sila saakin. Pinili ko ang kantang Imahe ng Heavens. Medyo ayos kase ito eh
Kinukulayan ang isipan
Pabalik sa nakaraan
Wag mo nang balikan
Patuloy kalang masasaktan
Nagulat sina Vlad dahil sa unang kanta ko, malamig kase ang boses ko na may pagkamalambing kaya maayos pakinggan. Nakikinig lang ang lahat saakin at iniismiran ako ng ibang babae.
Di nagkulang kakaisip sa isang
magandang larawan
Paulit ulit na binabanggit ang
pangalang nakasanayan
Tinitingnan ako ng lahat at saakin ang atensiyon, medyo nahihiya ako dahil sa marami sila pero sabi nga saakin ni Lola eh ipakita ang talento at wag ikahiya.