Matamlay kaming apat na naglalakad sa hallway patungo sa cafeteria.
Napabuntong hininga naman ako, bumuntong hininga rin si Maggie.
Bumuntong hininga din si Aira."Wait- Anu ba! Required bang sabay sabay kayong magbuntong hininga?"
Inis na baling samin ni Nix."Hindi, kakainis naman kasi! Kakastart lang ng pasukan tas andami ng requirements, may assignment pa sa Gen. math ang hirap non!"
Inis na sabi ni Maggie.Ang dami dami nga naming gagawin. Kainis hindi man lang pinatapos ang week na to!
"Hay nako girls! Hindi na kayo nasanay! Last year na natin to, kaya kunting push nalang."
"Tama si Nix."
Sabat ni AiraNapatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Ay, nandiyan ka pala?!"
Natatawang wika ni Nix.Natawa naman kaming lahat.
"Tss, badtrip lang ako kanina. Pero nandito ako duh!"
Tinawanan lang namin si Aira.
Masaya naman kaming pumasok sa cafeteria.Lumilinga pa ako sa loob, nagbabakasakaling makita ko siya dito.
Siniko naman ako ng mahina ni Nix at tiningnan ang bandang na sa gilid niya.
Tiningnan ko din ang tinitingnan niya at nakita si Cielo kasama mga kaibigan niya and then si Clea!"Anong ginagawa ng haliparot na Cleang yan sa table nina Joaquin?"
Tanong ni Aira at umirap."Anong haliparot? Whore,Molly, hussy, slut kamo."
Natatawang ani Nix.Tinampal naman siya ni Maggie.
"Stop it ,Nix. It's not good."
Saway sakanya ni Maggie.Tinawanan ko lang sila at umorder na.
Sumama naman sakin si Aira samantala yung dalawa ay naiwan sa pwesto namin.Malapit na kami sa counter ng biglang humarang sa harap ko ang isang lalaki.
"Hi, Bril!"
Nakangiting bati niya.Napangiti naman ako sakanya.
"Hello."
"I'm Justin."
Nakangiting pakilala niya.Nginitian ko siya ulit, he seems good.
"I'm Briella, Bril for short."
"Yeah, I know you already.
I hope we can be friends."
Nakangiting aniya."Yeah, sure, but I need to order now, gutom na siguro yung mga kaibigan ko."
"Sure, see you around."
Ngumiti pa muna siya sakin at umalis."Naks, iba ka talaga!"
Ngingising sabi ni Aira.Tinawanan ko lang siya at hinarap na si ate at nag order.
"Ang gwapo ng isang yon, Bril! At sigurado akong mabait yun."
"Oo nga."
"Yan Lang?"
Gulat na gulat na tanong niya."Anong 'yan lang'?"
Nagtatakang tanong ko."Bakit yan lang ang reaksiyon mo, eh noon halos maging kamatis ka sa pula sa sobrang kilig mo tuwing may gwapong katulad ni Justin."
I rolled my eyes.
"Nagmamature din yung tao, Ai! I admit, I was so childish way back then.
At ngayon, ewan ko parang hindi na ko ganyan tulad ng dati."