Panaginip

10 3 2
                                    

Kadiliman

Yan lamang ang nakikita ko. Nasan nga ba ako?

Panaganip

Panaginip lamang ang lahat ng ito. Pero bakit? Bakit hindi ko alam kung pano ako makakawala dito.

'Mira , Mira ,Mira Mira'

"Sino ka? "

'Mira ,Mira ,Mir---

"Sino ka? Bakit ka nandito" nanginginig kong hinahanap ang pinggalingan ng boses na yon.

'Mira,Mira, Mira, Mira (ahhhhhhhhh) Mira'

"Sino ka sabi e, please tumahimik ka" unti unti akong dumadausdos pababa.

'HAHAHAHA, hindi mo ba ako kilala Mira?'

Palakas ng palakas ang kaniyang mga binubulong sa akin.Ano to, bakit ko nadidinig ang bulong na to?

"Hindi sino ka ba talaga hah, bakit parati mo akong kinukulong dito?" Hindi ko na kaya, unti unting tumulo ang mga luhang galing sa aking mata.

'Mina, natatandaan mo ba ang pangalang yan?'

Suminghap ako at unti unting nalalaman kung sino ang taong ito, kung tao nga ba.

MINA  , ang kakambal ko na kinulong ko sa panaginip niya at ako yung pumalit sa kanya , sa katawan niya.

Patay na ako, oo.
Matagal na akong patay dahil pinatay ako ni Mina. Kaya ko siya kinulong sa panaginip niya at inagaw ang lahat ng kanya.

Unti unti siyang lumapit sa akin. Hanggang sa hinawakan niya ang mukha ko.

Natatakot ako, nanginginig akong humarap sa kanya habang tumutulo ang luha sa mata.

'Ibalik mo na ako sa katawan ko Mira, maawa ka sakin' pagsusumamo niya

"Hindi, hindi, hindi pwede Mina. Pinatay mo ako kaya dapat lang na kunin ko ang katawan mo at ang lahat ng iyo"

Unti unting naging itim ang kanyang mata at ang buo niyang katawan.

Binigyan niya ako ng isang nakakatakot na ngisi

'hah ...hahha...hahahha..HHAHAHAHAHAH
DAPAT KITANG PATAYIN MIRA DAHIL KINUHA MO ANG MAHAL KO. INIWAN AKO NI ANTON NG DAHIL SAYO'

"H-hindi ko k-kasalanan na ako ang pinili ni Anton ,Mina."

'Ako, ako dapat ang nasa posisyon mo ngayon,dapat nasakin na si Anton dahil patay ka na Mira, patay ka na'

"Hindi, hindi ako patay dahil ako na ang nagmamay ari sa katawan mo Mina."

Nagtaka ako ng unti unting lumiwanag ang katawan ni Mina at parang nasasaktan siya.

Pilit niyang inaabot ang kamay ko pero lumalayo din ako.

'Hindiiiiiiiii...ahhhhhhhhhhhhhhhh'

"A-anong n-nangyayari sayo Mina????"

'Tulungan mo akooooo Miraaaaa

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH'













"AHHHHHHHHHH"

"MOMMY" *pakk
Nagising ako dahil sa malakas na sampal ng anak ko.

Dali dali kong hinila ang anak ko at niyakap siya

'Panaginip lamang ang lahat' yang ang katagang ipinapasok ko sa aking isipan ,pero hindi , ang lahat ng aking napanaginipan ay ang katotohanan

ANG KATOTOHANAN
AYAW KO MANG BALIKAN
Pero pumapasok sa isip ko na
ANG LAHAT NG MERON AKO
AY ALAM KO NA PURO KASINUNGALINGAN LANG



Panaginip (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon