Kabanata 9
Hurt
Our exams are finally done, but I am not even happy about it. Halos dalawang linggo na kasi simula noong nanaginip si Azriel pero hindi pa rin 'yon maalis sa isip ko.
"Eve, gusto mo bang sumama sa amin? Kakain lang kami diyan sa malapit," aya sa akin ni Olive. She's one of my classmates.
"Thank you, but I need to go home. Next time na lang," nakangiti ko namang sagot bago ako tuluyang lumabas ng classroom at dumiretso na rin ako kaagad sa labas ng school para makahanap ng taxi.
That was a bit rude, but I just really need to go home. Kaninang tanghali pa hindi sumasagot sa mga tawag ko si Azriel. Medyo nag-aalala na ako.
"Come on. Pick up your phone," sambit ko sa aking sarili habang sinusubukan ko ulit na tawagan siya.
"How's your exams, baby?" bungad niya nang sa wakas ay sagutin niya na ang tawag ko.
Lumawag naman kaagad ang paghinga ko dahil mukhang ayos lang siya.
"It's fine, but why aren't you answering my calls earlier?" diretso ko namang sambit habang naghihintay pa rin ako ng taxi.
"Pauwi ka na ba?" tanong niya naman na ikinakunot kaagad ng noo ko.
"You're not answering my questions, Engineer Montegrande," I replied seriously kaya't natigilan siya sa kabilang linya.
"I was so worried about you," I added.
"I'm sorry," sagot niya naman kaagad.
I want an answer, not an apology.
"It's okay. May inaasikaso ka yata kaya hindi mo nasasagot ang mga tawag ko," sambit ko naman at narinig ko ang biglaan niyang pagbuntong hininga.
Something's wrong, I guess.
"May nangyari kasi sa kompanya nila Eris. We're currently helping them right now," seryoso niyang sagot.
"What happened? Are they okay?" tanong ko naman kaagad at itinigil ko muna ang pagpara ng taxi.
"They are alright. Mayroon lang gustong sumira sa kanila," he answered.
"Ikaw, ayos ka lang ba?" malambing ko namang tanong.
Sasagot na sana siya pero may biglang tumawag sa pangalan niya.
"Eve, I need to hang up," sambit niya naman kaagad sa akin.
BINABASA MO ANG
Waiting for You (Surigao Series #2)
Roman d'amourEngr. Azriel Easton A. Montegrande