***
[Lexine's Point of View]
Tulala ako habang nakatingin sa kawalan. Nandito na ako ngayon sa school, gustuhin ko mang tumulong kina papa para hanapin si Ate Sab ay hindi ko magawa dahil ngayon kami magtetake ng exam sa Empire College. Hindi rin ako pinayagan ni Papa na sumama sa kanila, ganon din sina Cedric at Kian na hindi rin pinayagan ni Papa.
"Tulaley ka, girl. Anong iniisip mo?" si Kristelle yun. Nandito kasi kami sa library dahil nagrereview kami para sa quiz namin mamaya sa Philippine History.
Umiling kaagad ako. "Wala.." sabi ko.
Akmang dadaldal pa si Kristelle pero nakita ko sa peripheral vision ko na pinigilan siya nina Jeselle at Danica. Hindi nalang ulit sila nagsalita at nagreview nalang ulit. Hindi ko alam kung bakit nanunubig ang mata ko. Siguro ay natatakot ako. Damn. Sana naman ay walang masamang mangyari kay Ate Sab. Hindi ko kakayanin.
"Umiiyak ka, Lexi." ani Jeselle kaya naman napahawak ako sa pisnge ko. Umiiyak nga ako! Ni hindi ko man lang napansin!
"What's your problem ba, Lexine? You can always tell us naman, eh." marahang sinabi ni Kristelle habang hinahaplos ang likod ko.
"Nag-away ba kayo ni Justine?" tanong ni Angel, umiling ako sa kanya.
"Eh, nagbreak?" pabirong tanong ni Loraine kaya naman agad siyang sinamaan ng tingin ni Danica.
"Family... problem?" nag-aalinlangang tanong ni Danica at mas lalo akong umiyak.
Hinayaan nila ako hanggang sa kumalma ako. Ngayon ko lang din napansin na basa na pala ang libro na kanina ay binabasa ko. Nang tuluyang kumalma ay tsaka ako tumingin sa kanilang lima at nagsimulang magsalita.
"Si Sab, nawawala. Hindi namin siya mahanap at mas lalo kaming nahihirapan hanapin siya kasi iniwan niya ang phone niya.." I sob.
Hindi sila sumagot at nanatiling nakikinig lang sa mga pinagsasabi ko. Mapait akong ngumiti. Kaya swerte ako sa mga kaibigan ko, eh. Kasi kapag may problema kami, ay hindi namin hinuhusgahan ang isa't-isa. Instead, we help each other and give some advices. Nang tumunog ang bell ay tumayo kami kaagad. Sinasabihan nila ako ng comforting words kaya medyo nahimasmasan ako. Medyo nawala ang kaba ko.
Nang matapos ang morning class ay sabay-sabay kaming naglakad papuntang Cafeteria, kasama namin ang XBANG. Kaso nauna kaming maglakad sa kanila, nasa likod naman sila. Maya-maya ay siniko ako ni Loraine, tamad ko siyang tiningnan.
"May sinabi ba sa'yo si Ced?" bulong niya.
Nanatili ang poker face ko kahit gusto kong ngumisi. "Sabi lang naman ni Ced na nagpapadala ka daw sa kuya mo na nag-aaral sa SFIS ng mga gusto mong ibigay sa kanya. So he's your secret crush, huh? Ngayon lang namin nalaman. Akala namin, si Val." humalakhak ako. Sinadya ko talaga iyon. At sa tingin ko naman ay narinig yun nila Danica kaya agad silang pumunta kay Loraine. Lori glared at me nang nasa hotseat na siya ngayon! haha!
Nagulat ako nang may umakbay sa akin. Tumingala ako at nakita si Kevin. "I have something to tell you," bulong niya. Nanlalaki ang mata kong lumingon sa likod at nakitang hindi sa amin nakatingin si Justine! Sinenyasan ko si Kurt na idistract si Justine. Nagthumbs-up naman siya sa akin kaya naman hinila na ako ni Kevin sa isang sulok dito sa school.
"Ano yun?" agad na tanong ko nang tumigil kami.
Seryoso siyang tumingin sa akin. "Nalaman ko ang balita, nawawala si Sabina." wika niya.
YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Teen Fiction"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."