ONE SHOT: 5th Anniversary

499 18 9
  • Dedicated kay All my beloved readers! You guys ROCK! \m/
                                    

5TH ANNIVERSARY

GENRE: ONE SHOT STORY

ALL RIGHTS RESERVED © 2012 by MNotYourOrdinaryGirl

[Dixie’s Note: one shot only, another product of my kabaliwan XD say hi to my 6th baby ^__^ gift ko to for everybody! Thanks thanks a lot for supporting my stories.]

“Babe, hindi na muna kita masusundo ngayon ha” sabi ni Christian sa kabilang linya. Ngayon? Eh nung nakaraang araw niya pa ako hindi sinunsundo dito sa trabaho ko eh.

Nakakainis! Ano nanaman bang ibibigay niya sa’king dahilan ngayon? Nung nakaraang araw, emergency sa office nila, kahapon ganun din. Wag mong sabihin na pati ngayon, emergency pa rin? Mga ilang beses niya bang gagamitin yun for excuse. Hindi na ako natutuwa -____- Haay. Pinilit kong ikalma ang sarili ko tsaka ko siya sinagot.

“Babe? You still there?”

“Ah. Oo nandito pa. ano bang nangyari?” 

“Nothing serious babes, basta hindi na muna kita masusundo sa work mo ngayon ha, ill just see you after ko matapos ‘tong ginagawa ko”

“Pero babes—“ hindi pa ako matapos sa sinasabi ko, binabaan niya na ako nang telepono. Shit! Almost 5 years of relationship, ngayon niya lang nagawa sa’kin na babaan ako nang telepono.

Ano bang nangyayari?! Nakakainins naman si Christian eh! Ilang araw na siyang ganyan sa’kin. Nagsasawa na ba siya sa relasyon namin? Ayaw niya na ba sa’kin? Damn -___- ano bang nagawa ko? Bakit biglaan na lang naging ganyan ang turing niya sa’kin? He’s been cold to me lately T__T baka may nahanap na siyang iba. Baka may mahal na siyang iba. Am I not enough for him? Hindi na ba siya inlove sa’kin?

Those thoughts make me feel depressed. Anniversary pa naman na namin bukas. 5th anniversary, tapos ganito nangyayari sa’min. Hindi ko alam, ano bang nagawa kong mali? May nagawa ba akong mali?

Naantala ako sa pag-iisip ko nang may biglang nagbukas nang pinto sa office ko “Ana, uwi ka na ba? Come, sabay na tayo” tumingala ako to meet Tin’s eyes from a distance. Nakaupo kasi ako sa table ko tapos siya nandun sa pintuan nakatayo habang bahagyang nakabukas yung pinto.

“No Tin, una ka na. Maya maya na lang ako” pinilit kong ngumiti sa kanya.

She frowns then pumasok na siya nang tuluyan sa office ko at lumapit sa table ko “Are you okay, girl?” she ask me softly.

This time nilalabanan ko yung luha ko na gustong tumakas sa mga mata ko. I breathed deeply then I answer her question “Yup. Ayos lang ako Tin, pagod lang” don’t cry Ana, don’t cry!

“Hmm..Sige. Iwan na kita dito. Take care pag-uwi huh!Medyo late na rin” she extends her arms to reach my hands. “Una na ko, just call me if you need someone to talk to.” I just nod at her. Afterwards, tumayo na siya sa kinauupuan niya at tuluyang umalis sa office ko.

I glance up my wall clock, 10:50 pm. 2 more hours, anniversary na namin. Nakaramdam nanaman ako nang lungkot at sakit sa dibdib. I shake my head to dismiss those thoughts.

Mga ilang minuto rin umalis na ako sa office, sa condo na lang ako magmumukmok. Nasasaktan ako sa ginagawa niya sa’kin nitong mga nakaraan. Kung ayaw niya na sa’kin pwede niya naman sabihin, hindi yung pinahihirapan niya ako nang ganito. Totoo nga siguro yung sabi nila, kapag tumatagal na ang relasyon, nagkakasawaan na.

On my way home, tulala lang ako. Pilit na binibigyan nang sapat na dahilan kung bakit lately ganito ang inaasal ni Christian sa’kin. Pero wala akong makitang sapat na rason para tratuhin niya ako nang ganito, maliban na lang talaga kung wala na akong ibig sabihin para sa kanya.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon