Nadala lang ako

1 0 0
                                    

Ang ganda ng ating simula parang pang wattpad lang. Nag kakilala, naging mag kaibigan hanggang sa mas naging mag bestfriend tayo. Nakuwento mo na mahal na mahal mo ang babae pero hindi kayo nagkatuluyan sapagkat madaming nahadlang.
Naging malapit tayo, sobrang lapit. Hanggang sa inaasar tayo kasi nga daw meron DAW tayong relasyon. Nakakatuwang isipin kasi may nakilala akong ikaw sa buhay ko. Isang lalakeng sobra kung mag-alala, sobrang mag selos, sobrang takot na mawala ako. Hanggang sa umamin ka sa akin, mahal mo na pala ako. Ngunit natakot ako dahil baka nagkamali ka lang ng iyong nararamdaman, na baka nadala ka lang kasi ako lang yung laging nandyan sa tabi mo ng nawala siya sa buhay mo. Umabot ng isang taon ngunit patuloy ka parin sa pag paparamadam na mahal mo ako. Hanggang sa binigyan kita ng pagkakataon. Oo, gusto ko ng sumugal sayo. Sobrang saya mo nga e, gusto mong sumigaw pero hindi mo magawa kasi tulog na yung tao sa inyo. Isang linggo, isang buwan sobrang saya natin. Alam mo sasagutin na dapat kita sa iyong kaarawan.
Ngunit may bumalik sa iyong nakaraan, ang babaeng dati mong minahal ng sobra. Naghahanap ng kausap sapagkat sila'y naghiwalay ng kanyang kasintahan na aking kaibigan. Tanda mo, sinuportahan kita na kausapin siya kasi kaibigan ko siya. Ngunit ilang araw lang kayong nagkausap. Bumigay ka na agad. Ikaw'y nanlamig pero hindi ako tumigil at patuloy sayo nangulit. Hanggang sa dumating ang araw na aking kinakatukan ang araw na sabihin mo na " may sasabihin ako sayo, pasensiya na. " labis ang aking kaba, ang dami kong naisip bigla ito na ba yun? Ito na ba yung kinakatakot ko. Sinabi mo na " okay na kami. " " sorry nadala lang ako, pasensiya na. " ngunit wala kang narinig na ano mang salita kundi ang salita lamang na " okay lang, promise. " " at least masaya ka na ngayon. " at ng araw na din yan naging kayo agad.
Wait, ang bilis yata? Kakahiwalay pa lang nila diba? Tapos kayo agad? Bakit ganun? Wait, nalilito ako.
Ayun pala lahat ng iyong pinakita ay peke lang. Nanahimik ako sa buhay ka pero pilit kang pumasok dito tapos iiwan mo din pala ako. Sana hindi mo na lang sinabi ang salitang " mahal kita " kung hindi naman pala ito totoo.
Nakakatawang isipin na niloko mo lang ako. Nang panahon na pinapakita at sinabi mo na mahal mo ako ay hindi pala totoo. Ang galing mo. Napaniwala mo ako at pati yung mga taong nasa paligid ko.
Sana hindi ka niya saktan. Sana hindi mo maranasan sa kanya kung paano gamitin at lokohin katulad ng ginawa mo. Paalam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nadala Where stories live. Discover now