CRAIG's POV
Ako nga pala si Craig. Ako ang pinakabatang propesor sa Trenton University, isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa bansa. Pasahan na naman ng mga grade kaya maaga akong nagising upang ituloy pagkokompyut na hindi ko natapos kagabi. Pangalawang taon ko pa lang sa pagtuturo sa unibersidad kung saan din ako nagtapos ay parang hindi pa rin ako sanay. Tuwing pasahan na lang ng grades ay abala ako sa pag-iisip kung paano ipapasa ang mga estudyanteng hindi naman pumapasok sa klase o kung pumapasok man ay hindi naman nagpapasa ng requirements. Pero ngayon ay sumabay pa sa aking isipin ang makilala ang palaging nagtetext sa akin. Unregistered number sa phonebook ko at talaga naming napakakulit. Buti sana kung 'yong mga spam at scam text message lang katulad ng "Ako si Atty... at nanalo ka ng 100M" o kaya naman 'yong mga, "Ma, si ano ako. Nakitext lang, p'wede mo ba akong iload sa ganitong number..." Pero hindi eh.
Katulad ngayon, katatapos ko lang magdasal at habang nakatutok sa aking laptop ay sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko.
"Good morning, Sir."
"Did you dream of me?"
"Have a good day ahead, Sir. See you around."
Sino kaya ito? Kung estudyante ko man ay wala akong maisip, sa dami ba naman ng hawak kong klase. Hanggang sa makapasok na ako sa school ay iniisip ko pa rin ang makulit na nagtetext sa akin. Pagkatapos ng klase ko ay dumeretso na ako sa office namin at itinuloy ang pag-eencode ng grades. Nang maya-maya'y tumunog na naman ang cellphone ko.
"Lunch na, Sir. Masyado kang subsob diyan. Hindi mo na mababago ang grades ng mga estudyante mo. Except kung PCOS Machine ka. Haha!"
Nagpalinga-linga ako sa paligid, pero tanging dalawang co-teachers ko lamang ang nasa loob ng office. May hawak din silang cellphone pero imposible naman na sila ang magpaprank sa akin. Sa sobrang busy namin ay wala na kaming time para sa mga ganitong bagay.
STUDENT's POV
Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko. Kung may powers lang ako katulad ni Scarlet Witch ay baka natunaw na ito. Wala pa rin siyang reply sa mga text ko. Mas masakit pa 'yong pagsnob niya sa mga messages ko kaysa sa malaglag ang cellphone sa mukha ko eh.
Alam ko namang nababasa niya 'yon. Kung bakit kasi wala man lang itong social media accounts. Maliban nga pala sa email account niya na strictly for school purposes lang yata. Sa panahon ngayon, kahit grade schoolers ay may FB, IG, Twitter, Skype, Whatsapp, at Youtube accounts na. May kilala nga ako, pagkapanganak pa lang ay ginawan na ng FB account 'yong anak niya. Tapos, siya, kahit isa, wala! Wala! Wala! Kaya pinagtitiyagaan ko na lang na itext.
"Bago ako matulog, ikikiss muna kita Sir. Kahit dito lang. Muaaahhhhhtssuuuup."
Kasabay ng pagsend ko sa message ay ang paghalik ko sa screen ng cellphone ko kung saan, siya rin ang nasa lockscreen at homescreen wallpaper ko. Pati nga ang keypad ko ay siya rin ay picture niya noong minsang nakasimple ako ng kuha habang may school assembly. Hindi naman ako obsessed sa kaniya no? Crush ko lang talaga siya.
Nang biglang umilaw ang screen ng cellphone ko at nakita ko na may text. And guess what!?
"Can you please stop bothering me??"
Kahit na ganoon lang text niya, gawd, 'yong kilig ko na halos naitapon ko 'yong cellphone ko, kaso naisip ko kabibili ko nga lang pala. Kaya nagkasya na lang ako sa pagsipa kay Pikachu na bigay ng bestfriend ko. "Sorry Pika," sabi ko pagkadampot sa kaniya, naupo sa may carpet at sumandal sa kama habang nirereplayan ko si Sir.
"OwEmGeeee!!!! Nagreply si Sir!!!!"
After 5 minutes pa siguro bago siya nagreply ulit. Inisip ko na lang na baka busy siya.
BINABASA MO ANG
LOVE IN TRAUMA
RomanceTwo people with wounded hearts are caught in a web of deceit and love, and interwoven by fate. Will they overcome their hurts and brokenness to be able to love again? Will they find love in the midst of the fear to be left again by someone they l...