Kabanata 19

414 18 2
                                    

Huling araw na namin sa vacation trip ngayon.Nagkamali si aira sa prediction niya na matatapos agad ang menstruation niya dahil hanggang ngayon meron pa din siya

Kaya eto nagmumukmok siya sa isang gilid.

Si cassandra at drake naman ay hindi ko na nakitang magkasama ulit at lagi nalang nasa kwarto si cassandra habang nagbabasa ng libro at kahit kailan di na niya ako pinansin.

Si estevan naman at shina ay palagi akong sinasamahan kung saan saan dito sa resort kapag nabobored kami pareho

"Eto na ang worst vacation trip ko", padabog niyang nilagay ang mga gamit niya sa bag niya

Nag-aayos na kasi kami ng gamit dahil maya maya ay aalis na kami.Tinawan ko lang siya at nilagay na din ang mga gamit sa bag ko

Napa-tingin ako kay cassandra at nakita kong nag-aayos na din siya.Ano kayang nangyare sakanila?

"Girls limang minuto nalang at parating na ang bus natin", paalala ng adviser namin

"Yes po", sagot naming lahat

Lumabas na kami ni aira at pumila na sa section namin.Nakita kong nakapila na si drake sa linya ng boys at seryoso lang ang mukha niya habang naka-earphone

Nagka-titigan kami pareho at umiwas siya ng tingin,walang emosyon ang mukha niya lalong lalo na ang mga mata niya.Nakakapanibago si drake

Dumating na ang bus namin at nagulat ako dahil nandito si shina at estevan kahit hindi kami pareho ng strand

"Ano ginagawa niyo dito?", tanong ko

"Wala eh,kulang nanaman upuan sa bus namin", sabi ni shina

Nakatingin lang sa amin si aira habang nagtataka.Oo nga pala hindi niya alam na close na kami ni shina

Umupo kami sa tabi nila estevan,nasa pinaka-dulo kami ng bus.Nakita kong napa-tingin sa amin si drake at agad na umupo sa harapan ng bus at ganun din si cassandra

"By the way my name is Aira Climente", pakilala ni aira sa sarili niya

"Ako si shina pero you can call me shin", masiglang sinabi ni shina

Akala ko ay magiging awkward sila pareho pero una palang nagdadaldalan na silang dalawa at parang may sarili pang mundo,nagsama ang dalawang madaldal jusko

Kaming dalawa lang ni estevan ang tahimik at tinignan ko ang pinapanuod niya

"Ano naman yan?", tanong ko

"Kimi no na wa", sagot niya

Naintriga ako sa pinapanuod niya kaya nakinuod din ako.Buong byahe ay nanunuod nanaman kami at hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa school

"Putsa ano yun!?", reklamo ko kay estevan

Napakamot ako sa ulo ko dahil sobrang bitin ng anime na ito.Ang inaasahan ko ay magyayakapan sila sa ending or hindi kaya ay magkikiss pero bakit ayun ang naging ending!!!

Natatawa lang sakin si estevan habang ako kay naiinis sa ending ng pinanuod naming anime.

Tinignan ko si aira at shina at nakita ko silang dalawa na parehong tulog.Grabe kaya pala tumahimik

Tinapik ko na sila dahil andito na kami sa school.Tapos na ang vacation trip,isa isa na kaming nag-paalam sa isa't isa

"Bye portia and aira mami-miss ko kayong dalawa huhu,sa amerika kami magbabakasyon nito ni kuya estevan eh kaya hindi tayo magkakaroon pa ng bonding", malungkot niyang sinabi

Amerika?bakit naman sila dun magbabakasyon? dun ba sila naka-tira?

"We have to go,thank you sa mga memories sa vacation trip na yon", paalam ni estevan

"Thank you", sambit ko

Kinawayan ko na silang dalawa ni shina at sumakay na sila sa kotseng itim.

Mayaman pala talaga si estevan

"Sa amerika kaya sila nakatira beshie?", curious na tanong ni aira

"Hindi ko nga din alam beshie eh sayang naman at hindi natin sila maaaya kapag aalis tayo ngayong bakasyon", sabi ko sakaniya

Umuwi na muna si aira sa bahay nila at mag-isa akong umuwi ng bahay.Sinalubong ako ni mama at papa ng isang mahigpit na yakap at pinaghandaan pa nila ako ng paborito kong pagkain.

Kung masaya sa vacation trip na yon,mas masaya pa din magbakasyon kasama ang magulang.

Na-miss ko kasama sila mama kaya sa mga nagdaang araw ay hindi na ako lumabas ng bahay at ang tangi ko lang ginagawa ay tumulong sakanila sa gawaing bahay

Dahil wala naman na akong magawa,nagbukas na ako ng facebook ko at nakita ko sa friend request ang pangalan ni shina at ni estevan

Ini-stalk ko muna sila pareho at talaga ngang mayaman sila dahil ang laki ng bahay nila kumpara sa bahay namin.Tinignan ko ang profile picture ni estevan at anime ito,pambihira pati ba naman dito

Sa lahat ng profile picture niya wala akong nakitang mukha niya kundi mga anime kumpara kay shina na ang gaganda ng quality ng mga profile picture at umaabot sa 1k ang likes.

Inaccept ko sila pareho at biglang tumunog ang messenger ko at pagkabukas ko dito ay nag-send ng picture si shina habang nasa amerika

"I miss you portia", chat niya sa'kin

"I miss you too ingat kayo diyan :)", reply ko sakaniya

Tinurn off ko na ang cp ko at balak ko na sana matulog nang bigla uli itong tumunog.Binuksan ko ang messenger ko at nagulat ako dahil si estevan ang nag-chat

"Ipapaalala ko lang yung ending ng kimi no na wa, sana mainis ka :P", chat niya sa'kin

Sabay nag-send siya ng gif na naiyak na baby. Napaka bwiset mo talaga estevan! grrr

Sinendan ko lang siya ng like emoji at pinower off na ang phone ko.

Natawa ako bigla ng maalala ang chat niya,napakasiraulo talaga ni estevan,pinikit ko na ang aking mata at tuluyan ng naka-tulog.

------------

"Hi baby good morning", naka-tuwalya lang si estevan habang kitang kita ang kaniyang abs

"Estevan anong ginagawa mo?", natataranta kong tanong

"Pinag-luto kita ng masarap na pagkain pero bago yun ako muna ang kakain sayo", sabay tanggal niya ng tuwalya at tumalon na sa kama ko

"WAAHHHHH!!!!", pawis na pawis akong napa-bangon ng higaan ko

Oh my balasubas!,anong klaseng panaginip 'yon!!!!, tinignan ko ang alarm clock ko at 8am na ng umaga

Bakit ganun ang panaginip ko? masyadong malaswa!!!, ano bang nangyayare sakin?

Tumakbo ako papuntang salamin ko at tinignan ang sarili ko,panaginip lang naman yon hindi naman yon mangyayare,pero bakit ko yun napanaginipan

Sinabunutan ko ang sarili ko para magising lalo,ano bang mga naiisip ko at ayun ang napanaginipan ko?

Naalala ko nanaman kung paano niya tanggalin ang tuwalya niya sa harap ko,pinagpawisan ako lalo kaya nilakasan ko ang aircon ko

"Woohhh ang init", tumatalon talon ako para mahimasmasan

Grabe ano bang nangyayare sa'kin!?

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon