Kabanata 10
Hard
Matapos ang halos kalahating oras ko sa sahig ay wala sa sarili akong tumayo. I need to call Linsey. I want to know if they knew about this.
"Hello, Eve! Napatawag ka? Kakatapos lang ng exams namin. Kayo ba?" sunod-sunod niyang tanong pagkasagot niya sa tawag ko ngunit nanatili lamang akong tahimik.
"Azalea Eve? What's wrong? Did Kuya Azriel broke up with you?" nag-aalala niyang dagdag.
"Matagal niyo na rin bang alam ang totoo?" malamig kong tanong sa kaniya.
"What are you talking about? Anong totoo? Lasing ka ba?" naguguluhan niyang tanong pabalik sa akin.
Hindi niya rin alam o hindi lang rin sa kaniya ipinaalam?
"Eve, ano bang nangyayari sayo? Katabi ko si Mama ngayon. Gusto mo bang kausapin?" dagdag niya.
"Put your phone on speaker. May kailangan akong sabihin," namamaos ko namang sambit.
Pilit kong kinakalma ng sarili ko dahil ayaw na talagang tumigil ng mga luha ko sa pag-agos.
"Eve, si Tita Yolly mo 'to. Ayos ka lang ba?" tanong niya at halos ilang segundo akong hindi nakasagot.
"Azalea Eve, kinakabahan na kami!" natatarantang sambit naman ni Linsey kaya't pinilit ko nang magsalita.
"May pamilyang iba si Mommy," I said with a broken voice.
Natahimik lamang sila sa kabilang linya habang ako naman ay pilit na pinipigilan ang aking paghikbi.
"Impossible 'yan, Eve. Walang ibang pamilya si Althea," sambit ni Tita Yolly.
"Tita, meron po," sagot ko.
"I saw her with her r-real family in a restaurant," I added weakly.
"Hindi pwede 'yan! Kakausapin ko sina Nanay!" galit na sambit ni Tita Yolly at biglaan na lang naputol ang tawag.
Napaupo na lang naman akong muli sa sahig at binitawan ko na muna ang cellphone ko. Mas bumibigat na ang pakiramdam ko at mas tumitindi pa ang iyak ko. Pakiramdam ko ngayon ay anumang oras ay pwede na akong mawalan ng malay dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko kayang tanggapin ang nalaman ko. Hindi ko kaya.
"Why does it need to hurt like this?" sambit ko na sa aking sarili at pilit kong pinakiusapan ang mga mata ko na tumigil na sa pag-iyak.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tumunog bigla ang binitawan kong cellphone. It's my father. Nanghihina ko naman itong sinagot.