Sumilip na ang araw at ramdam na ramdam ko ang ginaw ng Baguio. Sa aking tabi ang aking magandang nobya na natutulog pa. Humarap ako sa kanya at pinagtutuka ang kanyang balikat, ilang sandali pa ay nagising siya at nginitian ako. “Umagang umaga horny ka nanaman Jeff” bulong niya at humarap siya sa akin at niyakap ako. Nagkadikit ang mga noo namin at nginitian niya ako sabay kinagat ang ibabang labi ko. “Ikaw umagang umaga naglilikot ka” sabi ni Maureen habang ang kamay niya gumagapang sa aking mga hita at agad nahanap ang aking manoy. “Excuse me tumutuka lang ako kanina, look who’s horny now o, ano yang hawak mo?” sagot ko at natawa siya at tinuka ako sa labi. Biglang nagring ang cellphone ko at nagkatitigan kami, “Sagutin mo naman kaya for a change. Malay mo importante ang tawag na yan” sabi ni Maureen pero pano nga naman ako magkakagana sagutin e kanina pa niya hinihimas ang ari ko. “O sige mamaya pag natapos ka” biro ko at bigla siyang tumigil. “O ayan game sagutin mo na” bawi niya at natawa ako. “Labs naman, wag na sagutin e alam naman nila sa work naka bakasyon ako e. Si Tonyo na bahala don, kung di man sa work malamang si Miyu lang yan at mangungulit ulet” sabi ko. “E what if she needs help? Di mo ba naisip yon?” sabi nya at nakonsensya ako bigla. Inabot ko ang phone at nagulat ako pagkat si Tessa ang tumatawag. “Si Tessa naman pala…hello” sabi ko. “Kuya! Thank God, pakausap naman kay ate Maureen” sabi ni Tessa. “Ha? Ate Maureen?” tanong ko. “Aysus kuya wag ka na magpapalusot sige na importante lang” sabi niya kaya agad ko pinasa ang telepono kay Maureen. “Ikaw daw gusto makausap” sabi ko at nagulat si Maureen. “Ako? Bakit ako?” sagot ni Maureen at kinuha niya ang phone at nag usap sila. “Oh my God! Where is she?” narinig kong sinabi ni Maureen kaya medyo ninerbyos narin ako. “Sige sige I will tell him, nandito kami sa Baguio but sige don’t worry pupuntahan namin siya” sabi ni Maureen saka binaba na niya ang cellphone. “Ano nangyari?” tanong ko at tinitigan ako ni Mau. “Jeff, si Janice, the new girl, nagkaroon sila ng family problem” kwento niya. “Oh so that’s normal, family problem yon so di tayo pwede makialam” sagot ko. “I think we should kasi they are letting her stop, Janice doesn’t want to. Now she told Tessa na hahanap siya ng paraan to make money” sabi niya sa akin. “Well then good, working student, ano problema don?” tanong ko. “Jeff! Insensitive ka na ba or nagbobobohan?” sermon ni Maureen. “Working student as in you know, fast money, benta katawan” sabi nya at nagulat na ako at napabangon. “Holy Shet, wag ganon!” sabi ko. “Now you know, so we have to go and talk to her. She wants to continue schooling and kaya mo siya tulungan” sabi niya sa akin. “Pero di ba natin matatapakan ang pride ng parents niya if we do that?” tanong ko. “Oo pero alam ko matalino ka at makakaisip ka ng way, basta tara na kasi the last text of Janice daw was last night. Oh my God Jeff, isang gabi na lumipas baka naman napano na yung bata” alala ni Maureen kaya agad kami naligo at nagbihis. Naudlot ang bakasyon namin ni Maureen, mag New Year pa sana kami sa Baguio pero kailangan namin puntahan si Janice at hanapin. At least nakapag Christmas kami doon para wala masabi ang mga kapamilya ko ngunit ang twins gusto talaga sumama pero buti nalang nanaig ang kanilang ina. Habang nasa daan ay natawa ako bigla at napatingin si Mau sa akin. “Natatawa ako sa sinabi mo kanina, yung bata, grabe she is eighteen at di naman ganon kalayo age natin sa kanya pero you sounded as if ang tanda na natin” kwento ko at pati siya natawa.
“Oy sorry naman ha, kasi sa work ganon e. We call our students bata, kasi they are younger. Pati nga sis ko naiinis sa akin if I call her bata, pero oo nga no parang tunog 40 na ako kanina” sabi nya at tawa kami ng tawa. “So pano if we find her? At pano yung rest of our vacation? The house is still under renovation” tanong ko at nginitian niya ako. “May bahay naman kami” sabi nya at bigla ako natawa. “Mau, nakakahiya” sabi ko. “O bakit ka mahihiya e kilala ka naman na ng parents ko and my sis, they actually like you. O ano nakakahiya don?” tanong niya. “Nakakahiya kasi baka marinig nila ingay mo sa gabi” banat ko at tumawa siya ng malakas at pinagkukurot ako. Nakarating kami sa probinsya ng hapon at kay tagal namin hinanap ang bahay nila. Nakausap namin ang magulang niya at di nga umuwi nung gabi ang dalaga. Agad kami lumabas at sinimulan hanapin si Janice pero gutom na kami kaya naghanap kami ng makakainan. “Jeff kanina ka pa tahimik, ano iniisip mo?” tanong ni Maureen. “Oh shet, di ko maalis sa mind ko itsura ng parents niya, they really have a big problem. Nahiya lang ako tanungin kasi ayaw ko magmukhang mayabang” sabi ko. “Yan ang kilala kong Jeff, labs welcome back, nagbakasyon ka rin ng matagal ha” banat ni Maureen at napangiti ako. “Sa tingin ko di na nakabalik tatay ni Janice sa abroad, so he needs a job, I can give him pero I saw yung family picture nila at medyo madami sila at eldest si Janice. Mas malaki kita sa abroad so problema talaga pag papaaral ng kids. Si Janice eighteen na konti nalang she can help out din. Okay then, work for the father and scholarship for Janice” sabi ko at biglang nag beautiful eyes si Maureen at hinaplos ang kamay ko. “Grabe ka Jeff, kaya ako inlove sa iyo kasi…basta ang galing mo. Now ang problema natin ay hanapin si Janice and hopefully wala pang masama nangyari sa kanya or else she will be traumatized” sabi ni Maureen. Mabilis kami kumain at naglibot libot para hanapin si Janice. Sinubukan namin tawagin ang phone niya pero nakapatay ito. Gabi na at napadpad kami sa labas ng isang bar at parang himala at nakita namin si Janice na nakikipag usap sa dalawang lalake. “Oh my God Jeff, dalian mo stop her! She might be dealing herself already” sabi ni Maureen. “Dito ka lang and keep the doors locked” sabi ko at agad ako lumabas at nagtungo kay Janice. Medyo kinakabahan ako pero agad ako nakita ni Janice at nagulat siya. Agad ko hinawakan ang kamay niya at lumapit siya sa akin. “Teka teka brod walang sawsaw” sabi ng isa. “Janice si Maureen nasa kotse ko takbo ka doon, ako bahala dito” bulong ko pero nang tatakbo siya nahawakan siya ng isang lalake. “Saan ka pupunta? May usapan na tayo e walang atrasan na” sabi ng lalake. “Teka mga brod, nagkaabutan na ng pera?” tanong ko at napayuko si Janice. “Di pa pero may usapan na pare” sabi ng isa. “Sige bayaran ko nalang kayo doble ng alok niyo at iba nalang hanapin niyo pwede?” alok ko at nagmatigas sila. Nagkainitian na pero naitago ko na sa likod ko si Janice, ako na ang pinag iinitan nung dalawa kaya inutusan ko na si Janice tumakbo papunta sa kotse. Sumigaw siya bigla at paglingon ko susuntukin na sana ako ng isa pero may nakauna sa kanya. Bugbog sarado ang dalawang lalake, si Maureen lumapit bigla, “Boss tara na alis na tayo bago dumating pa ang police” sabi ni George sa akin. “Sinundan mo kami George?” tanong ko. “E ang kulit nung twins boss, sabi sundan ko daw kayo at nag aalala sila” sabi niya kaya nagmadali na kami umalis at nagtungo sa bahay nina Janice. Sa daan ay napatingin sa akin si Maureen, “Di ko alam labs may bodyguard tayo” sabi nya at natawa ako. “Bodyguard ng twins si George, e yung twins nag alala daw siguro narinig usapan natin kaya yan. Pero tahimik yung kasama natin sa likod ha” sabi ko at napatingin si Mau kay Janice.