"OMG shet ang gwapo nya talaga, besh!"
"Sayang nga lang 1 month lang sila dito"
"Pamatay smile nung taga-France eh no?"
Tinititigan ko ang picture ko kasama si Yohan sa cellphone ko. Hay Yohan, ba't ang gwapo mo? Kung pwede lang sana na araw araw yung pag welcome namin sa inyong mga exchange students eh, siguradong di parin ako magsasawa sa pagmumukha mo.
"HOY!" nagulat naman ako nang biglang inagaw ng kaibigan kong si Lalaine ang cellphone na hawak hawak ko. Aba ah, sinisira nya ang pag ddaydream ko kay Yohan. >___< "Besh naman, buti di pa natutunaw tong cellphone mo sa kakatitig mo dyan. Ano? Inlove ka na nyan?"
"HEH! Manahimik ka. Hindi ako inlove no. Tss, asa naman akong makilala nya ako o mas lalong magkakagusto sya sakin" Reality hurts nga naman di ba? Magkaiba kaya mundo namin. Gwapo sya, ewan ako. Maputi sya, tan ako. Marunong sya mag taekwondo, sipa lang alam ko. At higit sa lahat, KOREANO SYA AT PINAY AKO! Masaklap pa, exchange student lang sya for 1month dito sa school. Oh diba? Reality hurts. </3
"Buti alam mo Micka! HAHAHA Ano ba nakita mo sa kanya at crush mo sya?" tanong pa ng isa kong kaibigan na si Faith.
"Hindi ko sya crush noh" sagot ko tsaka ko inigaw ang phone ko kay Lalaine.
"Deny pa eh. Crush mo yun!" at ginagalaw pa talaga nila ako noh?
"Ewan. Kasi naman yung last crush ko is nung 1st Year (H.S.) pa ako." Yep, you heard it right. It's been almost 4 years I think na nagkacrush ako. Pero di po ako lesbian, sadyang di ko lang sila type. Mwahahah choosy eh? Naggwapuhan lang ako sa iba pero crush? Nuh uh. School muna bago crush XD
"Ay ewan ko sa iyo Micka. Crush lang naman yan eh, di yan LOVE~" at nagheart pa talaga ang dalawa. "At tsaka, Micka, yung crush is paghanga lang naman eh. Hinahangaan mo sya kasi gwapo sya o di kaya matalino ssya o di kaya magaling syang kumanta o sumayaw o ano ba yan."
"Nga naman Micka. At tsaka, isa rin sa dahilan kung bakit lagi kang inspired mag-aral ang pagkakaroon ng crush. Di naman yan yung BF-GF thingy na kailangan may commitment talaga."
Oh di 'ba? Hindi halatang pinupush talaga nilang di masama magka crush. >___< I know, di naman masama pero ARGH! Ewan ko nga ba kung bakit parang ayaw kong magkacrush lalo na kay Yohan, eh ang gwapo gwapo pa naman nun.
"Tss, ano ba yang ka-ekekan yang pinagsasabi nyo. Tara na nga, mahuhuli na tayo sa klase." Umuna na akong umalis papuntang classroom naming para sa aming first subject.
----
"Sigurado ka bang ok ka lang dito?" tanong sa akin ni Lalaine. Uuwi kasi sila sa kanilang mga probinsya sina Lalaine at Faith kaya mauuna silang umuwi. Ako naman eh magpapaiwan muna saglit dito sa school kasi boring sa bahay at siguradong puro utos na naman ang makukuha ko doon.
"Yep, ingat kayo ha. Huwag nyong kalimutan ang pasalubong ko sa pagbalik nyo!" sabi ko sa kanila.
"Wow. Parang sa ibang bansa kami pupunta eh no? Wala nga akong perang pampasalubong sa family ko pauwi doon, pabalik pa kaya dito?"
"Geh, ganyanan ka naman eh. Tsupi!" Kunwari daw galit-galitan. Mwahahha di naman ako agad magagalit eh. Di ako ganon kababaw. XD
"YAKK! Di bagay sayo maging maldita, besh. HAHAHA! Oh sige alis na kami. Babush!" At ayun umalis na nga sila. Dito lang naman ako sa Gazeebo namin nag-uupo habang nakikinig ng music. Inayos ko ang pag-upo ko at nilagay yung kamay ko sa may table dahil mag-nnap ako ng saglit.
BINABASA MO ANG
Panaginip
RandomCreated: Aug. 25, 2014 Original. Unedited. Late published. Anything that has something in common with the other stories, then it's purely coincidence. For the grammar errors and typos, please accept my apology :)