Habang papalapit sa bahay ay natanaw ko ang isang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng gate, ang bonnet nito nakaharap sa amin. Isang babae, na pinapalagay ko ang may-ari ng kotse, ay nakasandal sa pinto nito at tinatanaw ang bahay. Inisip ko noong una na walang tao ang naroroon dahil nag-blend in sa kotse ang damit niyang twill dress.
Kahit na bahagyang natatakpan ang mukha nito dahil sa buhok nito, hindi ako nahirapang makilala ito bilang si Madeline. Pagkakita ko sa kanya ay naibsan na lang bigla ang pagduduwal ko. Bigla na lang gumaan ang aking pakiramdam.
Tiningnan niya ang relo niya at akmang ibalik ang tingin sa bahay nang mapansin niya kami. Pagkababa namin ng taxi ay sumilay ang ngiti niya saka lumapit sa amin. Akma naming tulungan si Edmund sa kanyang bisikleta pero sinabi lang niya kay Madeline na asikasuhin ako.
"Kanina ka pa ba, Lin?" tanong ko sa kanya habang naglakad kami sa kanyang kotse.
Binuksan niya ang pinto ng front seat saka pinaupo ako rito. Kahit magaan ang loob ko sa kanya, hindi pa rin ako sanay sa pagiging accommodating niya.
Ngumiti siya. "Hindi, kararating ko lang rin. Napansin kong merong multicab sa loob. Meron ba kayong ibang bisita?"
Umiling ako. "Luma na kasi ang ilang parte ng bubong at kisame kaya naisip naming ipaayos," pero habang sinasabi ko ito sa kanya ay nagtataka ako kung bakit masyadong tahimik ang bahay.
Kaagad ay nanumbalik iyong discomfort na naramdaman ko kanina. Lumingon ako kay Madeline, "Sinubukan mo bang kumatok sa gate?"
"Several times kaso mukhang walang nakarinig sa akin. Ayaw ata akong pagbusksan," pabiro niyang wika pero napalitan ito bigla ng pagkaseryoso. Doon ko lang nakuhang ako ang sinimangutan niya. "You look under the weather. Are you coming down with something—cold, the flu?"
"I'm just feeling lightheaded, and anxious."
"Anxious of what?"
Sumulyap muli ako sa bahay. "Lin, how about we continue this talk inside? It's terrible of me having you wait here alone. You're shivering. Umiinom ka ba ng tsaa?"
Hindi pa rin maalis ang pag-alala sa mukha niya. "Hindi kayo magta-taxi pauwi kung okay lang ang pakiramdam mo. Hindi ka pa kumain, ano? Meron akong nadaanang patisserie, naalala kong mahilig ka sa éclair—"
"Lin, okay lang talaga ako," malumanay na wika ko habang pinanood siyang kunin ang isang kahon sa likuran ko. "Hindi lang siguro ako mapalagay na umalis at paghintayin ka."
"Pumunta kayo sa Sentro?" hula niya, tinukoy ang hawak kong cloth bag ng pinamili namin.
Sumulyap ako kay Edmund na kasulukuyang naghugot ng pera mula sa kanyang pitaka. Hinintay pa rin ni Madeline ang tugon ko nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya. Nang alukin niya ako ng éclair, tumanggi ako, dahilan para lalo itong sumimangot.
"Josie, iniiwasan mo ba ako?" Napatikhim ako, nalunod sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Sa tuwing magkakasama tayo, palagi kang balisa. Madalang na rin kita nakakausap."
"Why would I be avoiding you?" Hindi ko sinadyang itaas ang boses ko. Umiwas ako ng tingin, ipinukol kay Edmund, kahit saan basta hindi sa kanya. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya, mata sa mata. "Naging abala lang talaga ako, Lin."
"Abala sa ano? 'Yan lang din ang sinabi mo sa akin kagabi." Sinundan niya ng tingin ang pag-alis ng taxi bago saglit na sumulyap kay Edmund, dahilan para manatili ito sa kinatatayuan nito. "Itong pinagkakaabalahan mo, sina Edmund ba ang tinutukoy mo?"
"Ngayong nasa Kauag si Renata, solo niyo ang bahay," pagpatuloy niya nang hindi ako umimik. Anong sasabihin ko? "Curious ako kung ano ang karaniwan ninyong ginagawa." Sumulyap siya kay Edmund. "Pwede rin kayong pumunta sa gubat at babalik lang kapag madilim na. In fact, magagawa ninyo ang lahat ng gugustuhin ninyo."
BINABASA MO ANG
Reverie
Misterio / SuspensoHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...