CHAPTER 12

32 8 0
                                    

Sharpton POV

Pag gising ko ay naligo agad ako dahil sa sobrang init

Tumunganga muna ako sandali habang naliligo ako

Ng matapos na ang muni muni ko sa banyo ay lumabas nako

KNOCK!!KNOCK!!KNOCK!!

biglang may kumatok ng pinto kaya ng talukbong muna ako

"sandali lang!!"sigaw ko pero wala na ulit kumatok

Binuksan ko ang pinto at walang tumambad saakin na tao

Kaya agad naman akong nag taka, tinignan ko ang mga gilid at baka may makita ko pero wala talaga

Napatingin ako sa door knob dahil may nakasabit doon na plastic

Kinuha ko ito at sinarado ko ang pinto

"ano to?"bulong ko at binuksan ang laman ng plastic

Tumambad sa harapan ko ang isang katutak na bandage at kung ano ano pang pantakip sa sugat

"mukhang kilala ko na kung sino ang nag bigay nito"sabi ko at tinakpan ang sarili kong sugat

Ng matapos ko ito ay nag luto na ako ng breakfast at nag luto ako ng apat na hotdog at tatlong itlog

Kumuha ako ng dalawang hotdog at isang itlog at kinain ko ito

Maya maya lang ay nag sawa ako sa kinain ko kaya itinabi ko muna ang natira

Kumuha ako ng upuan at inilapit ko ito sa piano ko dahil pag wala akong magawa ay itinutugtog ko ito at nakakawalang problema kapag naririnig ko ito

KNOCK!!KNOCK!!KNOCK!!

Papatugtugin ko na sana ng may kumatok nanaman

Tumayo ako at galit na binuksan ko ito dahil alam kong may nantritrip lang naman

"Hi kuya sharpton...."sabi ng dalawang bata na nasa harapan ko

Nawala ang galit sa mukha ko ng makita ko si samis at si sammy ang dalawang bata na anak ng janitor na nag lilinis dito sa condominium

"oh anong ginagawa niyo rito? Diba may pasok kayo?"tanong ko sa dalawang ito na sobrang dumi ng mga suot

"eh kasi po si mama eh..."bulong ni samis nahindi maituloy ang sasabihin

"anong si mama??"tanong ko dito

"wala po kasi kaming pagkain kaya ayun hindi po kami pinapasok ni mama at mag tatrabaho daw po muna sya"sabi ni sammy saakin

Sandali akong natigilan sa sinabi ni sammy dahil sa sobrang awa ko sa kanila

"pasok..."sabi ko sa dalawang ito at pumasok naman sila

Pinaupo ko ito sa upuan at hinandaan ko sila ng pagkain

"oh ayan kumain na kayo, gusto niyo ba ng bacon??"tanong ko sa dalawang ito at sabay naman itong tumango

Napa ngiti naman ako at nag luto ako ng bacon sa kanilang dalawa

"kuya sharpton wala po ba kayong kape??"tanong saakin ni sammy

Napangiti naman ako dito at nag timpla ako ng inumin para sa kanila

Nilapag ko sa lamesa kasabay ng mga niluto kong bacon

"bakit chocolate drink??akala ko po ba ay kape??"sabi ni sammy saakin

Natawa naman ako at ginulo ang buhok nya

"bawal sa bata ang kape kaya chocolate drink lang kayo"sabi ko dito

Napanguso naman silang dalawa at pinagpatuloy kumain

Maya maya lang ay naubos nila itong dalawa at tumingin saakin si samis

"ano po iyang nasa noo mo??"tanong nito at nakita sa noo ko na may gasa

"wala to nadulas lang ako sa cr"palusot ko dito pero agad naman silang  nagtitigan

"eh kung ganun po ang boploks mo naman"sabi ni sammy saakin nanlaki ang mata ko sa sinabi nito

"imposible po yun kuya sharpton sobrang ingat niyo nga po mag lakad tapos sobrang linis niyo pong tao"sabi saakin ni samis

Napa buntong hininga naman ako sa kulit nilang dalawa

"okay lang ako..."sabi ko sa dalawang ito at ginulo ang buhok nila

"mukha pinalo ka po sa ulo eh.."sabi ni samis na titig na titig saakin

"oo nga po"sangayon naman ni sammy

Medyo nagulat ako sa sinabi ng dalawang ito

"oo na oo na pinalo ako sa ulo.."bulong ko sa kanila

Agad naman silang nagulat sa sinabi ko at hindi nila alam ang reaksyon nagagawin nila

"sino po gumawa sayo nun!!"sabi ni sammy saakin

"nako yari yun saamin pag nalaman namin kung sino iyon"sabi ni samis na nakanguso at galit ang mukha

"wala na yun nahuli na sya"sabi ko sa dalawang ito

"ayy oo nga pala kuya sharpton bakit po hindi kayo nag trabaho"tanong saakin ni sammy

Ewan ko ba kung bakit ang daming tanong ng mga batang ito..

Tinuro ko naman ang noo ko at alam na nila kung bakit hindi ako pumasok ngayon

"kaya mag ingat kayo para hindi na kayo matulad saakin"sabi ko dito at kinurot ang pisnge nila sa sobrang gigil

Nang matapos ko ng hugasan ang mga plato ay hinatid ko muna sila sa apartment nila at hinanap ko kung nasaan ang nanay nila

Ng makita ko ay tinawag ko ito at lumapit naman saakin

"Sharpton kamusta na?"tanong saakin ni manang nenny ang isa sa mga janitor dito sa condominium

"okay naman ho at yung mga anak niyo ho pinakain ko na ho at ayun hinatid ko na sa apartment niyo"sabi ko dito at ngumiti

"nako iho pasensya na talaga siguro sinabi na nila samsam ang problema namin"sabi saakin ni manang nenny

Tumango naman ako at nilabas ko ang wallet ko

Kumuha ako ng 5k at binigay ko ito sa palad ni manang nenny at halata naman sa mukha nito ang gulat

"nako iho wag na nakakahiya naman"sabi nito na ayaw tanggapin ang pera

"okay lang ho, sainyo na po talaga yan tanggapin niyo na ho ang kaunting tulong ko"sabi ko dito na pinilit kong isara ang palad nya na hawak ang limang libo

Lumuha naman ito saakin at napayakap

"maraming maraming salamat talaga sharpton hindi ko alam kung paano ako makakabawi"sabi nito at humihigpit ang yakap nya

Napangiti naman ako at pinakalma ito

Ang sarap talaga sa  pakiramdam pag may natutulungan kang tao parang ito na ang bumuo sa pagkatao mo...



My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now