The last piece
Byul POV
Exactly nine in the morning, Byul woke up. At dahil rehearsal ulit nila ng graduation mamaya. Maaga itong nagising para mag ayos at pumasok ng maaga sa school.
"Byul, nak. Kumain ka na muna. Magpapractice ulit kayo ng graduation niyo mamaya diba?" nakangiting bati ng nanay niya pagkatapos nitong bumaba para kumain.
Tahimik namang pumunta si Byul sa may malaking table para umupo at saktong kaharap naman niya ang kanyang ama bago magsimulang kumain.
"Byul." mahinahong tawag ng kanyang ama.
Iniangat ni Byul ang kanyang ulo at nakita ang maaliwalas na mukha ng kanyang ama.
Ito ang unang beses na hindi siya nito tinignan ng masama.
Bago pa man makapagsalita si Byul ay natigilan ito nang biglang ngumiti ang kanyang ama.
"Patawarin mo ko, anak. Pero gusto ko lang sabihin na sobrang proud ako sayo." Masaya, malungkot at halo halong emosyon ang umukit sa mukha ng kanyang ama.
Natigilan si Byul at tila hindi alam ang sasabihin. Matagal itong tumitig sa ama niya dahil sa labis na pagtataka at pagkagulat.
Her father is known to be the most cruel person ever. Dahil simula nang ipinanganak siya sa mundo, maagang nag asawa ang papa at mama niya.
Dahilan para masira ang mga pangarap ng kanyang ama at magtanim ng sama ng loob sakanya.
Matagal bago makasagot si Byul at patuloy lang na nakatitig sa kanyang ama. Naintindihan naman iyon ng tatay niya kaya nagsimula na itong kumain.
"Ang tagal kong hinintay na sabihin niyo sakin yan." normal lang ang tono ni Byul, pero nagsisimula nang maipon ang mga luha sa mata niya.
Buong buhay niya ay wala man lang siyang narinig o nakuhang papuri galing sakanyang ama. Palaging ang nanay niya lang ang supportado sakanya.
"Naiintindihan ko, Byul." Iniangat nito ang ulo para tignan sa mga mata si Byul. "Hindi ako naging mabuting ama sayo." puno ng pagsisisi at lungkot na tumingin ito kay Byul.
Kahit malapit nang tumulo ang luha ay pinilit ni Byul na ngumiti. "Pa? Hindi pa huli ang lahat para maging maayos tayong pamilya." kasabay 'non ang unti unti pagbasak ng luha sa mga mata niya.
Kung namatay siguro siya kahapon, marahil ay hindi na niya maririnig ang lahat ng ito galing sakanyang ama.
Naluluha namang ngumiti pabalik ang kanyang ama at nagpatuloy na sa pag kain. Pati ang kanyang ina at nakakabatang kapatid ay hindi mapigilang ngumiti at maiyak sa dalawa.
Same place at the same time.
Byul POV
Smiling widely from the text she sent awhile ago. Inalala ni Byul ang unang araw na nagkita sila ni Ryujin at kung paano naging sila nito.
It's been two years and a half. But it's still the same. Still the same person. Walang nagbago. Sila parin. Kahit na masyado silang nasubok nitong mga nakaraang buwan.
Byul also remembered the day she waited here to celebrate their second anniversary. Before mangyari ang lahat, before na makilala niya si Yongsun.
It was so peaceful back then, It was always been her. It was always been Ryujin. Byul smiled sadly knowing how far they've come.
Kung hindi ba niya nakilala si Yongsun ay sila parin kaya?
No one knows. Because there are many possibilities.

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...