Only Part

3 1 0
                                    

[errors ahead]

'Di sapat ang mga salitang aking naiisip upang aking maipaliwanag ang nadarama ko. Ni hindi rin maiipipinta ang emosyon na makikita sa aking mukha. At walang kahit sinong eksperto ang makakapg paliwanag ng aking damdamin. At ito' y ipinagpapasalamat ko sa Dakilang Panginoon.
---
Sharmelle ang aking ngalan. Mahaba at mayroong blonde hair. May kakapalan ang aking labing nag sisirosas ang kulay. Ganon din ang kay Shantelle, ang aking kambal. Isa lamang ang palatandaan upang makilala kung sino sa amin ang sino. Ako, mayroon ang nunal sa pisngi, at si Shantelle ay wala.

Lahat ng bagay ay aming pinagkakasunduan. Walang pagkakataon na kami'y laban sa isa't-isa. Subalit malaki ang pagkakaiba namin sa isa't-isa, may kidney failure ako, siya naman ay malusog, ibig sabihin, siya malakas, ako mahina. At nasasabayan ko siya sa ilang mga bagay sa tulong ng maintenance na aking iniinom. Ayaw n'ya na nakikita akong nahihiirapan, nakikita ko ang lungkot at lumbay niya sa tuwing ang ganoong pangyayari ay kaniyang nakikita.
---
Masaya at lagi kaming magkasama, parehas ng kasuotan at ng lahat ng kagamitan, kaya hindi agad kami makikilala sa malayuang sulyap. Not until, we both reached our teenage.

Thirteenth birthday namin ni Shantelle ngayong araw, masaya akong nakikita siyang nagsasaya. At walang nakaka alam na dalawang emosyon ang nadarama ko, ang saya at sakit. Tanging sarili lamang ang may alam na nangingibabaw ang sakit. Ayoko na mag alala sila... si Shantelle.

'Di ko na rin namalayan na napabulagta na ang aking katawan sa bulwagan ng mansyon.
---
Namulat ang aking mga mata sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Kumukusap kusap kong inusisa ang paligid, wala ako sa aking silid. Nasa hospital ako na pag-aari ng aking tiyohen. Una kong nasulyapan si mama na naka-lagak ang ulo sa lamesa, tanda ng kanyang pagkatulog. Napatingin din ako sa gilid ng kamang aking hinahandusayan, naroon si Shantelle, naka kibit balikat habang naka lapat ang kaniyang ulo sa bubog na pader. At alam kong wala si papa, sigurado akong nasa kompanyang pag aari namin upang mas mapataas ang marketing sapagkat unti-unti pa lamang bumabangon ang aming kompanya.

Marahan akong nagsalita upang di sila mabigla. "Shantelle, mama?", wika ko nang may pag aalala. Agad namulat si Shantelle. "Sharmelle? Kamusta ang pakiramdam mo?", takot niyang sambit. May kalakasan ang kanyang pagsasalita kaya nagising nito ang mama. Agad lumapit si mama sa akin, maluha luha siyang nagwika, "anak, laban ka lang ha?" Masaya ko'ng tinungo ang aking mata sa mata ni mama.. "Pangako 'yan ma!", malakas na loob kong sagot.
---
Isang buwan na ang nakalipas mula nang ako'y makalabas sa hospital. Subalit nananatiling mahina ang aking pangangatawan. Rinig ko pa sa usapan nina mama at papa habang ummiyak si mama na 'di na raw kaya ng maintenance. Kailangan na ng operasyon, bago pa tuluyang manghina ang aking katawan at 'di ko kayanin ang operasyon. Matagal na dapat akong naoperahan, masyadong bata pa lamang at mahina ang pangangatawan ko kaya hindi pumayag sina mama. Ngayon siguro ang tamang panahon.
---
Napapansin ko si Shantelle na hindi lumalapit sa akin, ni hindi niya ako kinakausap, nangangamba ako kaya nang pumasok si mama upang bisitahin ako, ibinilin ko na rin sa kaniya na papuntahin sa aking silid si Shantelle. Maya maya pa lamang ay may kumatok, *tok tok tok*, rinig ko mula sa pinto, tuluyan ko siyang pinapasok at bumungad sa akin si Shantelle. Nanginginig akong nagsalita, "Sh-Shantelle?, miss na miss na kita!" may halong pagkasabik kong wika. "Bakit mo'ko pinatawag?" sarkastiko niyang tugon. "Gusto sana kitang makasama at makausap, miss na kita!" masaya kong responde sa kaniya. "Busy ako." sabay nito'y tumalikod na siya tanda ng pag alis. "Bakit Shantelle? Bakit? Bakit mo'ko iniiwasan? Bakit ang tipid mo sa akin magsalita? Bakit parang galit ka?", sunod sunod at mausisa kong tanong sakaniya. Humuhudyat ang kaniyang pagharap, nang bigla siyang sumagot, "Bakit?, Anong gusto mo'ng malaman? Ha? 'Di pa ba sapat? Lahat nalang kinuha mo? Lahat naman ng meron ako, binabahagi ko sa' yo 'diba?' Di naman kailangan na kunin mo ng buong buo! Di naman required na dapat sa'yo lang! Ikaw lang! Kambal tayo di'ba!? Bakit sinosolo mo? Lahat ng atensyon nila mama at papa? Nasa 'yo na diba? Si manang coring? Pareho dapat tayong inaalagaan di' ba? Bat ikaw lang? Wala kang tinira Sharmelle! Kinuha mo lahat! Oo, naiintindihan ko na may sakit ka! Pero sana naiintindihan mo rin n kailangan ko ng maski  kalahati lang? O kahit konti lang! Pero wala, nasa'yo lahat! Tama nga mga kaibigan ko, ang nakikita ng lahat ay ikaw ang better version ko, walang wala ako sa'yo, syempre talo na agad ako sa puntong mas pinapahalagahan ka nila mama at paoa, at maging lahat ng tao! ", di ko maipaliwanag ang nakikita ko, halos gumuho ang buong mundo ko sa mga salitang binitawan ni Shantelle. Naninigas ang mga tuhod ko sa sakit at awa. Nasasaktan ako, dahil nakikita kong nasasaktan ang kabiak ng buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY BETTER VERSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon