Chapter 42
Shamyka's POV:
Puno ng galit at pagkamuhi ang umaapaw sa akin ngayon nang malaman ko na pati si Steven ay tinangkaan ni Tyler na patayin.
Hindi na siya tao! Utak hayop na ang pag-iisip niya para gawin ito.
Sana pala, hindi ko na siya hinayaan na pumasok sa buhay ko!
Edi sana, hindi ganito ang mangyayari sa akin."Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan!", I just shouted.
Pinipigilan kasi ako ng pulis at pinipilit nito na lumabas na lamang ako.
So I don't have choice kundi ang umalis na nga.
Pupuntahan ko na lang siguro si Steven para kamustahin ang lagay nito.
Masyado akong nagtiwala kay Tyler, to the point na si Steven pa ang pinag-isipan ko ng masama. And damn it! Nagsisi ako.
Dapat simula palang naniwala na ako sa kanya.
___Pagkapunta ko sa hospital, nakita ko agad ang Dad nila na naghihintay sa labas.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at takot, kaya nilapitan ko ito para haplusin ang likuran.
"Tito, nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta po ang lagay ni Steven?", tanong ko sa kanya.
Nilingon niya ako at bahagyang ngumiti para itago ang totoong nararamdaman.
"Hindi ko pa alam, hija. Naghihintay din ako sa sasabihin ng doctor.", mahinang turan niya.
Umupo siya sa may upuan, kaya umupo na rin ako sa tabi niya.
Alam ko kasi na hindi pa siya tapos magsalita."Sabi ng mga pulis, naaresto si Tyler dahil nando'n siya sa lugar at may hawak din na baril.", pagpapatuloy nito na may kalungkutan na sa boses.
"--P-pero alam ko na hindi 'yon magagawa ni Tyler sa kapatid niya kahit na hindi sila nagkakasundo.", muli niyang saad.
And this time, napaluha na si tito.Hindi niya na siguro kayang pigilan ang emosyon.
Kung sabagay, kahit sinong nasa posisyon niya, iiyak ng ganito lalo pa't pareho niyang anak ang sangkot.
"Pa'no kung totoong si Tyler nga ang gumawa no'n, tito? Papayag ka ba na magdusa siya sa kulungan?", kinakabahan na bigkas ko.
I want to know his answer, dahil mahalagang mapakinggan ko ang opinyon niya.
"Bakit ganyan ang tanong mo sa akin, hija? May alam ka ba sa nangyari?", turan nito sa halip na sagutin ang katanungan ko.
"H-hindi ko po alam ang nangyari sa pagitan nilang magkapatid. P-pero kasi tito, kinidnap po ako kanina.", pagsusumbong ko para ipaalam sa kanya ang insidente nung nawala ako bigla sa masquerade party.
At nung marinig niya ito, agad siyang napatingin sa akin at tila naguguluhan.
"Nakidnap po ako tito. Pinakidnap po ako ni Tyler at tinangka niya akong gahasain at ipamigay sa mga barkada niya.", utal kong sambit dahilan para magulat siya.
"Pinakidnap ka ni Tyler? Hindi naman yata magagawa ng anak ko 'yon. Dahil sa pagkakaalala ko, hinanap ka pa niya sa akin.", wika niya na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Pero rinig na rinig ko ang sa mga lalaki na si Tyler ang may gawa no'n. Akala ko nga, katapusan na ng buhay ko, kaso hindi po. Dahil tinulungan ako ni Steven. Niligtas niya ako tito. At ito siguro ang rason kung bakit gustong patayin ni Tyler ang kapatid niya.", I said again.
Malakas ang kutob ko na ito talaga ang dahilan ng binata.
Hindi niya kasi natuloy ang paghahalay niya, kaya gusto n'yang gantihan si Steven.
"Kung gano'n, pinagdududahan mo si Tyler na siya ang may gawa kay Steven? Pinaparating mo ba sa akin na kaya n'yang patayin ang kapatid niya?", sunod-sunod na turan ni tito.
Natahimik bigla ako at hindi ko na alam kung ano pa ang ilalabas ko sa bunganga.
"Hija, anak ko si Tyler. Kahit na tarantado 'yon, hindi niya magagawa na pumatay.",
"--Pero kung 'yan ang paniniwala mo, ibig sabihin ba nito, umaatras ka na sa kasal?", he asked me.Napalunok na ako ng laway dahil hindi ko inaasahan na makakarating kami sa ganitong usapan.
"O-opo tito. Umaatras na ako sa kasal namin ni Tyler. I can't marry him. Hindi ko pinangarap na ikasal ako sa lalaki na walang ginawa kundi ang paikutin ako.", pagtutugon ko.
Buo na ang aking desisyon. At hindi na ito magbabago.
"Hindi kita pipigilan kung 'yan ang gusto mong mangyari, hija. Pero paano ang kompanya ninyo? Nalulugi na 'yon, diba? Kaya kung hindi matutuloy ang kasal niyo ng anak ko, hindi ko na rin itutuloy pa ang partnership ko sa pamilya niyo.", paglilinaw nitong sabi.
Hindi.
Hindi pwede.Tiyak na malulungkot sila mama kapag umurong ang dad ni Tyler sa partnership.
"Tito, mahalaga po ang kompanya para kay Dad. At ayokong masayang ang pinaghirapan niya sa wala.", saad ko nang huminga ako ng malalim.
He just remain silent, at animo'y hinihintay niya ako na bumuka ang aking bibig.
"Hindi ko po papakasalan si Tyler, tito. Dahil ang gusto kong pakasalan ay si Steven. Total, anak mo rin siya, diba? Kaya walang rason para umatras kayo sa kompanya namin.", tanging wiko bilang pagtatapos ng usapan.
I guess, there's nothing wrong with my decision.
Sapat na siguro ang pagligtas ni Steven sa buhay ko para mapatunayan na mabait siyang tao.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Teen FictionTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...