Vienne Krea's POVIt was Sunday afternoon nang makarating ako sa condo ko, hindi man katanghaliang tapat ay bakas pa rin ang init at masangsang na panahon. Hindi ko na inintindi ang magpalit agad ng damit pagpasok na pagpasok ko sa loob dahil sa pagod ko, humilata ako sa kulay puting sofa kasabay nang pagpupumilit ko na abutin ang remote ng aircon na nakapatong sa center table na katabi nitong sofa na hinihigaan ko.
Galing lang naman ako sa probinsya ng kasambahay namin na itinuring narin namin na pamilya sa loob ng mahabang panahon. Four days kami ruon, at sa four days na iyon ay pakiramdam ko ay four years na ang nagdaan. My mom asked me to accompany manang Ester on her way to her province to provide some things for her mom's medication and care.
Manang Ester is on her fifties, and what about her mom? I dont know but surely old enough. Ganito siguro talaga sa probinsya, mahahaba ang buhay ng tao dahil kadalasan naman nila na kinakain ay gulay, isda at prutas. At sa tingin ko ay bihira lang sila na kumain ng karne. Bukod pa ruon ay mukhang mas payapa ang buhay nila sa probinsya. Mas malinis ang hangin at 'di hamak na mas natural ang linis ng tubig.
Maituturing na mapayapa nga ang probinsya,' yun nga lang ay medyo may pagkaweird, kasi nga sabi nila sa probinsya ay uso ang mga tinatawag nila na aswang, mangkukulam at iba pa. I even encountered one of their neighbor, actually i'm not sure kung kapitbahay nga nila iyon, basta ang alam ko lang at tanging naramdaman ay weirdness. She's wearing an all white dress na pagkahaba-haba, may hawak ito na bracelet sa kanang kamay at bulaklak sa kaliwang kamay. She told me something creepy, but i ignored it and thought to myself that it was bullshit.
Ibinaba ko si manang Ester kanina sa isang bahay namin sa kabilang lungsod mula sa saksakyang gamit namin sa pagpunta sa probinsya nila. Ako naman ang naiwan na mag-isa sa condo ko sa kasunod na lungsod na malapit sa papasukan kong sikat at prominenteng unibersidad. My parents bought my condo as a birthday gift for me, and speaking of my parents, i decided to give them a call.
Someone instantly picked up the phone and i know for sure that it was my mom, hearing her voice with a sweet and strict combination of tone confirms it."Mom? Are you still awake or did i bother you?" mahinahon ko na tanong sa Mom ko, hawak ang pinakabagong modelo ng phone ng isang sikat na brand ng cellphone.
"No, it's okay honey, hindi pa rin naman ako inaantok, i am really expecting you to call. How's your day, ang manang Ester mo?"
"I'm good. I mean, we're good. Hinatid ko si Manang sa bahay kanina. Nakauwi na kami from province."
"Alright then, that's good. Krea honey, if you need anything or if there's anything wrong, don't hesitate to give us a call okay?" muling paalala sa akin ng mom ko for how many times mula nang makarating ako sa Pilipinas. Pretty given that every mom in the world is always like this and i am used to it.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
General FictionVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...