5: Bedroom

112 13 0
                                    

Ally’s P.O.V.

“French kill me!” napatingin ako kay Kazianna nang bigla siyang magsalita.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Nahihibang na ba siya? Pero kapag hindi magawa ni French ang task ay maaaring mapahamak siya. She will be punished. For sure.

“That guy plays well,”  bulong ko.

“Ano?” tanong sa kanya ni French.

Even French was shocked sa sinabi ni Kazianna. Ako ang kinakabahan para sa kanilang dalawa. I don’t know French very well, pero I don’t want her to be punished too. No one deserves to die inside of this place.

“I said kill me!”

This time Kazianna shouted. Her voice echoed all over the room. Tahimik ang lahat habang nakatingin sa kanilang dalawa. French is running out of time. Ni hindi man lang siya tumayo sa kanyang kinauupuan. Wala talaga siyang balak na gawin ang ipinagagawa sa kanya. Umiyak si Kazianna.

“No, I won’t.”

Wala na talaga kaming magagawa ngayon. That's her decision. Muling binalot ng katahimikan ang buong silid. French is looking at the timer until it ends. Times up. Wala na. Naubos na ang oras niya. Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon?Kinakabahan ako.

“Sorry player number 8,  you’ve failed.”

“Because you failed to do what Simon Says. As your punishment, I will choose between you and player number 15 to take the punishment. And it’s you player number…”

Bumibilis ang pagtambol ng aking puso. One of them will be punished.

“Player number 15.”

Hindi maaari. Si Kazianna ang makakatanggap ng punishment. Napaawang ang aking bibig.

Honey’s P.O.V.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Teka lang nakatulog ba ako? Anong nangyari? Nananaginip ba ako? Naramdaman ko na malambot itong hinihigaan ko. Puti ang kulay ng kisame. Nasabahay na ba ako? I-ibig sabihin panaginip lang ang lahat ng iyon. Isang masamang panaginip. Napangiti ako. Hindi totoo ang lahat. Salamat. Bumangon ako at iginala ang aking paningin sa buong silid. N-no. I realized that I'm still here. It’s real. Nakita ko si French. Duguan pa rin ang kanyang balikat. Wala siyang imik. I sighed.

They are all sleeping. Nasa ibang kama sila, nakahiga.
Bumaba ako sa kama at naglibot-libot. May malaking cabinet na kulay pink sa may gilid. There are mini lockers too. May label ang mga ito. Number two. That’s my number. I opened the locker. May damit na nakalagay sa loob. Kinuha ko ito. Uniform again. Uniform ng school namin. Inamoy ko ang aking sarili. Medyo malagkit na rin ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa wall clock na nasa ibabaw ng flat screen tv. Para saan naman ‘yan?

It’s 1:50 pm. Nakapasok na ako sa comfort room. May shower. Binuksan ko ito. Tumalsik ang malamig na butil ng tubig sa aking mukha. Ilang minuto rin ang inilagi ko sa loob ng cr. Nang makalabas na ako ay nadatnan kong gising sina Celestria at Reixel. Nagtataka ang mga ito kung paano kami napunta rito.

“Hi, I think you’ll need to take a shower too,” sabi ko sa kanila.

“Nasaan tayo?” tanong ni Reixel.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon